CHAPTER 20

37 4 0
                                    

Chapter 20

Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako sa trabaho, balak pa sana akong pigilan ni Laurent pero wala din naman akong balak na magpatalo kaya naman pumayag na s'ya.

Ano naman gagawin ko dito sa bahay, mag mokmok sa tabi, umiyak. Sawa na'kong umiyak gusto ko naman ng pahinga. Saka ayos na din siguro 'yong dalawang araw na pahinga ko sa trabaho.

Papaalis na'ko nang bahay ng tumunog ang selpon ko, agad ko namang 'yong sinagot at inipit sa balikat ko at tainga para maayos ko ang pag sara sa pinto.

“Hello,” sagot ko sa tawag abala pa din sa pag ayos ng lock nitong pinto nang bahay.

“Papasok ka na ba?”

“Oo, masyadong tahimik ang bahay eh,” tumayo na'ko nang maayos ng maisara ko na ang bahay.

“Wait me there,” saad n'ya tumango naman ako kahit alam kong 'di n'ya 'yon makikita.

Pinatay ko nalang ang tawag at inantay na dumating si Vince. Hindi din namang nagtagal at dumating kaagad s'ya. Napangiti naman ako nang bumungad sa'kin ang magandang ngiti n'ya yumakap ito sa'kin at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.

“Good morning,” masiglang bati n'ya sa'kin. “Sigurado ka bang papasok ka na?” Nag aalalang tanong n'ya kaya naman pinatirik ko ang mata ko.

“Wala akong magawa sa bahay saka mas okay na siguro 'yon para naman ma-divert ang atensyon ko,” paliwanag ko habang nakatingin sa labas ng bintana nang sasakyan.

'Di na s'ya komontra kasi alam n'yang wala na s'yang magagawa saka wala na din namang makakapag pigil sa'kin. Naalala ko lang din naman si Mama sa bawat sulok ng bahay.

'Agad din namang kaming nakarating kaya naman 'agad ko ding ginawa 'yong mga trabaho ko na naiwan simula ng umabsent ako. Natapos ko din 'yon kaya naisipan ko munang magpahinga sa sarili kong mesa napabaling ang atensyon ko sa litrato namin ni Lola sa ibabaw ng mesa ko.

Miss na kita Ma, miss na miss na kita.

Saad ko sa likod ng isip, 'di ko namalayan na sa sobrang lalim ng iniisip ko sunod sunod na palang lumalandas ang luha ko sa pisngi. 'Agad ko itong pinunasan ng may naramdaman akong isang prisensya nang tao sa likod ko.

“You okay?” Tanong n'ya pero tanging tango lang binigay kong tugon. “Look at me,” humarap ako sakanyan at binigyan s'ya ng walang emosyon na mukha.

“Talk to me please,” nagmamakaawang aniya n'ya sa'kin dahilan upang yumuko ako upang pigilan ang luha na tumulo.

I don't know why I feeling this way. Is this bad? Or good? I'm hurt kahit wala s'yang ginagawa. Tumingin ako kay Laurent na may hilaw na ngiti sa labi.

“Okay lang naman ako, ikaw lang ang nag iisip na 'di ako okay,” nakangiting sagot ko sakanya pero mahihimigan mo sakit. Inalis n'ya ang tingin sa'kin at ibinaling 'yon sa iba.

“Can we talk?” 'Di na'ko sumagot at bigla nalang tumayo at sumunod sakanya na pumasok sa opisina.

Gusto ko din namang s'yang makausap kaya pumayag ako. Umupo ako sa sofa habang s'ya naman nag lalakad palapit sa'kin pero biglang tumunog ang telepono sa loob ng opisina n'ya.

Nabagot na'ko kakahintay kaya naman dahan dahan akong lumabas ng opisina n'ya para akong nauubusan ng hangin pag and'yan s'ya malapit 'di ko alam kong normal pa ba 'to o ewan 'di ko na alam. Palabas na'ko ng makita ko si Ate Sarah sa mesa ko para bang inaantay n'ya ang pag dating ko, kaya naman dali dali akong nag lakad palapit sakanya.

“Hoy,” tawag pansin ko.

“Kamusta?” 'Agad na tanong n'ya sa'kin ng makaupo ako.

“Okay naman,” sagot ko habang may tipid na ngiti sa labi.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon