Chapter 22
Papasok na kami na sa sasakyan n'ya nang biglang mag salita ang isa sa mga kapatid ni Laurent. Humabol pala 'to sa'min palabas.
“Kuya!” Pag tawag n'ya sa kapatid na agad namang nilingon ni Laurent. “Alam mo ba kong saan ang bahay ni....” 'Di na n'ya naituloy dahil narinig n'ya ang tawa nang kapatid. “Yah! Stop laughing!” Inis na saad n'ya sa kapatid, 'di na din n'ya inantay ang sagot ng kuya n'ya at agad na naglakad palayo sa'min.
“Good luck bro!!” Pahabol na sigaw n'ya sa kapatid pero inilingan lang s'ya nito. “Let's go?” 'Di ko alam na nakalapit na pala s'ya sa'kin.
“Yeah, let's go,” nakangiting sagot ko sumakay na nang sasakyan at tinignan s'ya na imikot papuntang driver seat. “I love you,” sabi ko habang nakatingin sa mukha n'yang 'di nakakasawang pagmasdan.
“I love you too,” nakangiting bulong n'ya at hinagilap ang kamay ko bago ito halikan.
“I love you more.”
“I love you more than anything,” napangiti naman ako, ayaw talagang mag papatalo nito.
“I love you more and more than anything in this world.”
“I love you more and more and more and more than anything in this world,” nakangising sagot n'ya habang ang paningin ay nasa daan.
“Ayaw mo talagang mag patalo,” naiiling na sabi ko habang natatawa.
“Naniniwala kasi ako sa kasabihang pag mas mahal ng lalaki ang babae ay mag tatagal ang relasyon nila, kaya naman love mas mahal kita,” paliwanag n'ya, nilingon ko naman s'ya at malakas na tumawa.
“Naniniwala ka d'yan?” Tumatawa pa ring tanong ko.
Nangunot naman ang noo n'ya. “Yeah,” para na s'ya ngayong pinagsukluban ng langit at lupa sa itsura.
“Hey, sorry. Me too naniniwala din ako pero ang 'di ko lang inaasahan ay 'yong ano...” 'Di ko natapos kasi nagsimula na namang kumawala ang tawa ko.
Kita sa mukha n'ya ang pagka asar kaya pinilit ko ang sarili na 'wag ng matawa.
“Tss,” rinig kong bulong n'ya bago ako irapan at pinark ang sasakyan.
Akala ko pagbubuksan n'ya ako nang pinto pero nabigla ako nang basta nalang s'ya maglakad palayo na para bang wala s'yang kasama. Nilock n'ya pa ang sasakyan kaya halos umusok ang ilong at tainga ko sa pagka inis. Iunlock n'ya din naman ang sasakyan bago ibigay ang susi sa isang tauhan.
“Hoy!” Tawag ko sakanya pero parang wala s'yang narinig.
Gustuhin ko mang matawa sa inaasta n'ya ay 'di ko na magawa dahil umaapaw na din ang inis ko.
“Hoy! Isa pag 'di ka bumalik dito 'wag na 'wag mo 'kong kausapin!” Sigaw ko sakanya pero parang binging tuloy tuloy na nag lakad papasok sa sariling kompanya. “Abat, hmp! 'Di kita kakausapin. Manigas ka,” inis na bulong ko at nag simula nang mag lakad papasok.
Tuloy tuloy ang pasok ko may bumati pa sa'kin pero 'di ako nag abalang bumati pabalik.
Arghh Martinez 'wag na 'wag ka talagang makalapit sa'kin baka masapak kita.
Pabagsak din akong umupo sa harap ng mesa ko.
“Hoy, anong meron sa'yo at parang ang init ng ulo mo? May red flag ka ba?” Nakangiting tanong sa'kin ni ate Sarah pero inirapan ko lang s'ya at nag simula ng matipa sa harap ng laptop. “Ano?”
“Wala pero 'yong amo mo red flag, okay na? Nasagot ko na tanong mo kaya pwede ka na bang umalis sa harapan ko?” Sarkastikong saad ko.
“May LQ?” Ngingisi-ngising tanong n'ya pero irap ang ang sinagot ko.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...