Chapter 14
“I'll drive you home,” saad ni Sir ng makitang nag aayos na'ko ng mga gamit ko.
Dito na'ko sa opisina n'ya nagtrabaho matapos naming kumain. Marami na rin kaming natapos na gawain kaya nakahinga hinga na s'ya. Nakatingin lang s'ya sa'kin habang inaayos ko ang mga ginamit.
'Di na rin ako nagpapilit at hinayaan s'yang ihatid ako sa bahay.
“'Di mo naman na po 'to, Sir dapat ginagawa. Nakakahiya,” sabi ko habang nasa byahe kami papunta sa bahay. Medyo may kalayuan din kasi ang tinitirahan ko.
Taxi ang ginagamit kong transportation para mas madali, kung sa jeep at sa tricycle kasi ay masyado ng hassle lalo na sa panahon ngayon na ang daming nangyayari sa kalsada.
“Okay lang saka pag may nangyaring masama sa'yo kargo de konsensya ko pa 'yon,” nakangiting sagot n'ya.
Wala sa sariling napatingin ako sakanya, natawa ito sa naging reaksyon ko kaya napairap nalang ako.
Loko.
“Salamat ulit Sir. Ingat ka nalang po sa pagdrive mo pauwi.”
“Hmm, good night,” nakangiting pa ring saad n'ya bago umalis, kumaway pa ako sakanya bago pumasok sa bahay.
May pag ka loko din pala si Sir biruin mo kargo de konsensya n'ya pa daw ako. Nakaka inis naman akala ko talaga nag aalala s'ya sa'kin kaya n'ya ako hinatid.
Ay, ang assuming. 'Wag aasa, Angela baka sa huli ikaw lang din ang masaktan.
Hindi ko na binuksan ang ilaw ng bahay at basta nalang naglakad papunta sa kwarto, balak ko pa sanang silipin si Mama sa kwarto n'ya pero hinihila na'ko ng antok dala na rin ng pagod buong hanpon. Naglinis din muna ako ng katawan bago natulog.
Tanghali na'ko nagising dahil na rin siguro sa pagod kaya 'di ko naramdaman ang tunog ng alarm clock ko. Bilisan ko na ang pag galaw pero sa huli late pa rin ako sa oras.
Tssk. Ba't ba kasi ang bilis ng oras.
“Late ka na gaga,” napairap naman ako nang sabihin 'yon ni ate Sarah.
“Walang nagtatanong kong late ako,” masungit na sagot ko sakanya.
“Ano nakain mo ngayon? Okay ka lang?” Napairap ulit ako dahil sa mga walang kwentang tanong n'ya.
“Ano namang dahilan para 'di ako maging okay?” Walang buhay na tanong ko at hinarap s'ya.
May dumaan na gulat sa mata n'ya. “Wala pero bakit ganyan ka umasta ngayon?”
Hindi ko na s'ya sinagot at tinalikuran nalang wala ako sa mood para sumagot sa mga tanong n'ya. Habang nag aayos ako nang mga papel na nakatambak dito sa mesa ni Sir ng biglang bumukas ang pinto.
“Ate Sarah mamaya ka na manggulo may trabaho pa!” Inis na sabi ko na pumasok pero wala akong nakuhang tugon.
'Di ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko ngayon kaya pasensya kay Ate Sarah kung s'ya ang napag iinitan ko.
Humarap ako sa pinto pero nagulat ako ng makita ko Sir na may kasamang isang magandang babae, nakakapit ito sakanya kaya 'di ko maiwasang mapatingin don. Ngumiti sa'kin ang babae habang si Sir naman ay nakatingin lang sa'kin.
May kung akong pait akong naramdaman sa sulok ng dibdib ko kaya napaiwas ako nang tingin sakanila. Tumalikod ako sa dalawa at wala sa sarili dinampot ang mga papel may nahulog pa pero 'di ko na inintindi 'yon at dali daling umalis na.
Bumalik ako sa sariling mesa at wala sa sariling napatingin ulit sa pinto ng opisina ni Sir. Makikita ko sa mukha n'ya na masaya s'ya sa babae na kasama n'ya ngayon.
Ang ganda din ng ngiti n'ya at parang ang saya n'yang tumawa.
Tumingin ako sa babae na ngayon nakaupo lang sa harapan n'ya mukha itong nagkukwento dahil marahan namang nakikinig si Sir. Ngumingiti din ito pag tumitingin sakanya ang babae.
Nakaramdam ako nang kirot dahil sa tanawin na 'yon kaya iniiwas ko ang paningin sakanila.
Bago sa'kin ang ganitong pakiramdam dahil ibang iba ito sa naramdaman ko para kay Erick.
Napatingin ako kay Ate Sarah na ngayon pala ay nakatingin din sa'kin, umiwas ako ng tingin sakanya dahil alam ko kung ano na ang iniisip n'ya ngayon.
Hindi 'yon ganon at hinding hindi 'yon magiging ganon.
Mahal? Gusto?
Siguro habang maaga pa ay sabihin ko na sa sarili ko na iwasan na ang pwedeng mangyari. Habang maaga pa kalimutan na kung anong pwedeng mamuo. Nakakatakot ang pwedeng mangyari.
Natatakot akong masira ulit dahil sa pagmamahal. Natatakot din akong maranasan ang naranasan ng nanay ko.
Pigilan ang dapat pigilan. 'Wag paluguin ang dapat 'di dapat palaguin.
___
Happy 1.03k reads!! Thank youuu!! Enjoy reading this short update.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romans(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...