Chapter 18
“A penny of your thoughts?” Napatingin ako kay Laurent na ngayon ay nakaupo sa tabi ko.
Nakaupo kami ngayon sa isang garden sa na sakop pa ng hospital. Malapit na mag umaga kaya naisipan namin na dito na magpaabot ng umaga. Dumaan din muna kami sa kwarto ni Mama para silipin s'ya pero ganon pa rin mahimbing pa rin ang tulog nito.
Si Vince naman ay ayon nauna nang umuwi dahil maaga pa daw ang pasok n'ya sa opisina bukas, 'di ko naman na pinigilan at nagpasalamat nalang din ako at kahit alanganin na ang oras ay pumunta pa s'ya.
“Hmm, 'di ka pa uuwi? May trabaho ka,” sabi ko sakanya. Simula pa kasi kagabi ay 'di pa s'ya umuuwi kahit magpalit ng damit ay hindi pa n'ya nagagawa.
“I won't leave you here alone,” saad nito sa'kin at nag iwas ng tingin.
“Pwede ka namang umuwi saglit para maligo tapos balik ka nalang dito,” suhestiyon ko nalang dahil mukhang ayaw n'ya talaga umalis.
Tumingin ito sa'kin kaya wala sa sariling umiwas ako, iba ang tingin n'ya ngayon at kinakabahan ako sa ganon. Para n'yang tinitignan ang kaloob looban ko sa pagmamagitan ng mata ko.
Napalunok pa'ko sa kabang nararamdaman.
Tssk. Iba na'to.
“I will, later.”
“Okay,” 'yon nalang ang tanging sinagot ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa maliit na upuan na nasa garden.
Ramdam ko naman na sumunod s'ya sa'kin, naglalakad ako papunta sa inuukupang kwarto ngayon ni Mama. Liliko na sana ako para makalapit na sa kwarto ni Mama nang hapitin naman ni Sir ang bewang ko kaya napaharap ako sakanya.
Gulat akong nakatingin sa mukha n'ya na ngayon ay may mariin lamang na ekpresyon. “Sir, anong ginagawa mo?”
“I just want to see your face,” sagot nito at mas lalong inilapit ang mukha sa'kin na halos magkada duling duling na'ko sa lapit.
“Nang ganito kalapit?” Halos pabulong ko nalang na tanong. Naamoy ko na rin ang hininga n'ya at rinig ko rin ang pag pintig ng puso n'ya.
Ito namang puso ko ay walang hiya kung tumibok dahil para akong tumakbo sa karera sa bilis nito. Sumasakit na rin ang dibdib ko sa pagwawala.
“Yeah, ganito kalapit,” kaunting hibla nalang ay pwede nang damampi ang labi n'ya sa labi ko.
Wala sa oras na napunta don ang paningin ko, parang ang lambot n'ya nawala don ang paningin ko nang tumikhim si Sir. Inayos n'ya na rin ang sarili n'ya. Para naman akong tanga na nakatayo lang harap n'ya at nagiinit ang buong mukha dahil sa hiya.
Kita ko ang rin ang bahagyang pag ngiti n'ya, masaya ba s'ya na napahiya ako? Bwesit.
“I'll go home, babalik din ako agad,” paalam n'ya sa'kin pero tumango lang dahil pakiramdam ko ay mauutal ako pag sumagot. “Hey, I said uuwi na'ko.”
Tumango ulit ako sakanya kaya narinig ko ang pagkawala ng malalim na hininga n'ya.
“Wala man lang, keep safe, drive safe, Angela?” Sa pagkakataong 'to ay may kaunting inis na ang boses n'ya.
Ba't ba ganito 'to ngayon? Anong meron?
Pero 'di ko naman maiwasang makaramdam ng kaunting saya dahil sa inaakto nito sa harap ko.
“Sir, ingat ka po,” nakangiting saad ko pero may bahid 'yon ng pang iinis. Humakbang ito palapit sa'kin kaya napaatras ako sa gulat.
“Can you stop calling me Sir pag tayong dalawa lang naman? I hate it parang pinakikisamahan mo lang ako dahil amo mo ako,” saad nito nang makalapit na sa'kin.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...