CHAPTER 36

10 2 0
                                    

Chapter 36

Apat na taon na ang nakalipas simula ng mapunta ako sa States, sa loob ng apat na taon ay wala akong naging karelasyon man lang mas tinuon ko ang atensyon ko sa trabaho.

Sa apat na taon din 'yon ay hindi ako umuwi ng Pilipinas. Taon na ang lumipas pero s'ya pa rin ang laman ng puso ko. Gumawa na si Ate Sarah at Ate Lea ng blind date para sa'kin pero wala ring nangyari.

Sa mga dumaang taon na 'yon ay unti-unti ko ding naayos ang sarili ko, pati na rin ang puso ko. Natuto na din akong kontrolin ang emosyon.

“Angela!” Napaangat ang tingin ko sa katrabaho dahil sa biglaang pag tawag nito sa'kin.

“Why?”

“May nag hahantay sa'yo sa baba,” mabilis na sagot n'ya.

“Who?” Takang tanong ko habang tinitignan ang repleksyon sa salamin.

“Pogi na matangkad,” napairap nalang ako sa sinagot n'ya.

Mabilis akong nagtango sa elevator, napangiti ako ng sumalubong sa'kin ang maaliwas na mukha ni Vince.

“Andito ka na naman?” kunwaring inis na tanong ko.

“Segi uwi na'ko,” nang tankang tatalikodan na n'ya 'ko ay hinawakan ko ang braso n'ya.

“You just visit me last week because birthday mo,” natatawang sabi ko pero inirapan n'ya lang ako.

“Let's eat,” nakangiting aya n'ya na agad ko namang tinangoan.

Hindi pa kami nag iisang linggo dito ay binisita na kami ni Vince nagalit pa'ko no'ng una pero nasanay na din ako. Wala din naman kaming ibang ginagawa pag andito s'ya ay ang kumain at manood ng movie.

May mga araw din na halos ayaw n'ya ng umuwi kaya naman ako na mismo ang gumawa ng paraan para makauwi s'ya.

Binilhan ko lang naman s'ya ng plane ticket para umuwi na s'ya ako na kasi ang ginugulo ng Daddy n'ya sa t'wing nga na tatawag 'yon ay hindi ko na sinasagot dahil mag mamakaawa lang s'ya na pauwiin ko na daw anak n'ya. Ang tigas kasi ng ulo ni Vince no'ng nagka sinat lang ako ay iniwan daw n'ya ang board meeting mapuntahan lang ako.

Umiyak ako sa kan'ya dahil sa ginawa n'yang 'yong 'di na daw n'ya uulitin, oo hindi na 'yon maulit pa dahil sa t'wing mag kakasakit ako o sinat ay hindi ko na pinapaalam sa kan'ya.

“We're here.”

Sumunod ako sa kan'ya papasok sa isang resto na ang tema ay parang nature ang ganda, inilibot ko ang tingin ko sa buong resto.

Kahit ang mesa at upuan ay kahoy ang sahig nanamn ay nababalutan ng carpet.

Ginaya kami ng waiter sa pandalawahang mesa lang naramdaman ko naman ang tingin n'ya sa'kin kaya naman nilingon ko s'ya.

“Ang ganda dito, pang ilang beses mo na dito?”

“Dalawa pa lang 'yong una business tapos ngayon,” tumango tango naman ako at umupo na.

“Kuhanan mo'ko ng picture dali!” Inabot ko pa ang selpon ko sa kan'ya agad naman n'yang kinuha 'yon.

Parang kaming mga baliw na nagtatawanan sa maliit na bagay, natuwa naman ako nang makita ko lahat ng kuha ni Vince para s'yang professional na photographer dahil talagang ang gaganda ako lang ata 'yong nakasira.

“Ang ganda ng kuha mo bakla!” Hinampas ko pa braso n'ya dahil sa tuwa.

“Ayus na sana may bakla pa,” inis na sambit n'ya.

“Saan ka natuto?” Biglang tanong ko habang sinusubo ang pasta, infairness din ang sarap.

“Bonding naming mag pipinsan ang photography,” natahimik ako pero agad ding nagsalita.

“Ang galing,” tahimik na lang kaming kumain hanggang sa matapos, tumingin ako sa kan'ya pero mukhang malalim ang iniisip.

Naglakad lakad muna kami sa tabi ng resto na pinagkainan namin malapit na ding mag dilim kaya naman makikita mo na ang pagbabago ng kulay ng langit.

“Gusto mo bang sumama sa'kin pauwi ng Pilipinas?” Biglaang basag ni Vince sa matagal na katahimikan.

Gulat akong napatingin sa kan'ya. “Hindi ko alam, wala pa 'yan sa isip ko,” pag sabi ko ng totoo, tumango naman s'ya at tumahimik ulit.

“Hindi mo ba namimiss ang dati mong buhay?”

“Matagal ng patay ang dating ako, Vince.”

“May balak ka pa naman umuwi 'di ba?” Umaasang tanong n'ya.

“Wala na'kong babalikan do'n kaya wala na din akong dahilan para bumalik pa,” sagot ko at tumingin sa lupa.

“Ako at si Rafa.”

Hindi ko na nasagot ang sinabi ni Vince dahil tumunog ang selpon ko.

“Hello, bakit?” Sagot ko sa tawag.

“Sino kasama mo ngayon?” Nilingon ko naman si Vince na tahimik lang na nakaupo sa isang bench.

“Si Vince. Bakit nga?”

“Humihingi kasi ng tulong si Carl,” napangiti ako dahil sa sinabi n'ya.

Isang taon na simula nang magtapat ng nararamdaman si Carl kay ate Lea.

“Tapos?”

“Ngayon n'ya daw tatanongin si ate na maging girlfriend, kailangan n'ya daw tulong natin para ayusin ang garden.”

Narinig ko ang agikik n'ya na parang dalagang kilig na kilig.

“Otw na'ko,” sagot ko at pinatay na ang tawag agad naman akong lumapit kay Vince at sinabi ang mangyayari napangiti pa nga s'ya.

Nagtext pa sa'kin si Ate Sarah na bumili daw ako ng isang bouquet ng red roses. Pagkarating namin ay agad kaming sinalubong ng maliwag na ilaw galing sa garden puno na din 'yon ng red roses at white.

Tumulong nalang kami Vince sa pag ayus ng mga letter na may nakasulat na ‘WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?’ hindi naman sa pagiging bitter pero isang malakas na SANA ALL Ate Lea.

Hindi na din ako nag abalang mag palit ng damit dahil nakatanggap na daw ng text si Carl na pauwi na daw ito. Agad naming pinatay ang lahat ng ilaw ng makitang malapit na ang sasakyan ni ate.

5. . . . 4. . . . 3. . . . 2. . . . 1

Bumukas ang pinto kasabay non ang pagbukas ng lahat ng ilaw, agad naming nakita ang gulat na nakaguhit sa mukha ni ate Lea. Lumapit naman sa kan'ya si Carl na may hawak na isang pumpon na rosas.

Dahan dahan ko din pinindot ang ilaw ng mga letter na ‘WILL YOU BE MY GIRLFRIEND’ napunta do'n ang tingin ni ate Lea bago ulit inilipat kay Carl.

Nangilid ang luha sa mata n'ya bago nakangiting tinanggap ang rosas. Lumuhod naman si Carl at tumingala sa kan'ya halos lahat kami ay inaabangan ang sagot n'ya.

“Will you be my girlfriend?” Tanong ni Carl habang nakangiti pero bakas sa mata n'ya ang kaba at takot.

“Yes!” Malakas na sagot n'ya at sunod sunod na tumulo ang luha sa mata naramdaman ko din ang luha ko kaya naman yumuko ako para pasimpleng punasan ito.

“Thank you, guys!!” Masayang sigaw ni Carl sa'min. “Engagement naman sa sunod pag paplanohan natin,” hindi mawala wala ang kinang sa mata n'ya at tamis ng ngiti n'ya sa labi.

“Congratss!” Nakangiting sabi ko at patakbong yumakap sa kan'ya.

“Thank you, ikaw kailan ka?” Tanong n'ya sabay sulyap sa likod ko kaya naman nilingon ko din 'yon.

“Ate! Congratssss!”

“Thank you! Kayo nag ayus nito?” Turo n'ya sa garden sabay naman kaming tumango ni Ate Sarah.

“Uuwi kami ng Pilipinas ni Carl. Gusto n'yo sumama?”

“I don't know,” sagot ko at kumuha ng inomin.

“Kailan?” Takang tanong naman ni Ate Sarah.

“No exact date.”

Hinayaan ako nila Ate na mag decide, tumingin ako kay Vince na ngayon ay mukhang tuwang tuwa sa nalaman.

It's time go home? Handa na ba ako?

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon