CHAPTER 08

50 18 1
                                    

Chapter 08

Temptation si Sir. Pero hindi ako magpapadala sakit lang dulot n'yan kaya mananahimik nalang ako sa tabi.

Pero yummy s'ya.

Aanhin ko ang yummy kong sakit lang din idudulot sa'kin? Umiling nalang ako sa sarili dahil sa pinag iisip.

Nakabalik na kami ni Sir sa mga dati naming ginagawa pero ito ako ngayon lutang dahil sa sinabi n'ya.

We can try.

Ano yon? Lego lang na laruan anytime pwede subukan? Red flag ka ba? Ekis ka na agad sa'kin.

Napaupo ako ng maayos ng may bumukas nang pinto at pumasok dito ang isang matangkad na babae at parang modelo ang ayos. Maganda s'ya pero ang aura n'ya parang s'yang demonyita.

Umirap ito sa'kin kaya palihim akong napangisi sa sarili, 'di man lang ako nagkamali na demonyita ang impaktang 'to.

Binabawi ko na pala 'yong maganda s'ya, tssk.

Tumingin ako kay Sir na ngayon ay walang emosyon ang mukha at nakatingin lang sa babae na ngayon ay nakangiti na sakanya na para bang isang anghel na hinulog sa lupa.

Umupo ito sa upuan na malapit sa'kin kaya tumingin ito sa'kin saglit na masama na ang tingin.

“Ahm, can you leave us alone?” Kunwaring tanong nito sa'kin pero halata sa boses n'ya ang inis sa presensya ko.

“Okay,” sagot ko naman at tumayo na agad pero natigil lang ng mag salita si Sir gamit ang malamig na boses.

“Stay,” saad nito kaya wala akong nagawa kundi ang maupo ulit dahil nakaramdam ako ng kaunting takot dahil sa aura ni Sir. “Leave us alone, Aika.”

Gulat akong napatingin kay Sir ng sabihin n'ya 'yon sa bisita n'ya pati rin ito ay nagulat dahil 'di agad ito nakasagot sa sinabi ng, ano ba sila?

“What?! Pagkatapos mo'ko tawagan paalisin mo'ko?” Galit na saad nito kay Sir. “I cancel my flight just to be here, tapos ganito gagawin mo?! Are you fucking insane?!”

“Tssk. I dialed the wrong number, okay? It was just a damn missed call,” may bahid ng inis ang boses ni Sir ngayon.

Ano ba ginagawa ko dito? Away mag jowa ata 'to? Akala ko ba single? Manloloko amp!

“Wrong number?! The fuck, Laurent!”

“Hala, wait lang po,” sumabat ako sa babae dahil sumasakit na tainga ko ang tining ng boses n'ya parang tinutusok air drum ko. “Lalabas lang po ako, fuck kayo ng fuck eh. Edi mag fuck nalang kayo dito sa opisina, bwesit!”

Naiwang nakanganga ang babae dahil sa sinabi ko. Tumalikod na'ko at walang lingon na lumabas ng opisina pabagsak akong umupo sa upuan ako saka inis na kinuha ang ilang papel na sa mesa.

Napahimas ako sa sintido dahil sa sumakit bigla ito dahil sa sigaw ng babae kanina. Inabot ko rin ang tubig malapit sa laptop ko.

Lumapit sa'kin si Miss Sara na may nagtatanong na tingin, sa tagal ko na rin dito ay nakuha ko nang makilala ang iba sakanila. Naging mabuting kaibigan ko na rin si Miss Sarah.

I can say that Miss Sarah was the best thing came to me. I'm blessed that she can, she was always in my side whenever I need someone to talk too, or someone I need to lean on. My walking diaries. She's my safe place.

“Anyari sa'yo? Okay ka lang ba? Masakit ulo mo?” Sunod sunod na tanong nito sa'kin kaya tanging sunod sunod na iling lang din ang naisagot ko.

“Ngayon nalang ulit ako nakakita ng babae na pumunta dito,” pagsabi nito kaya tumingin ako sakanya. “Nong wala ka pa dito halos araw araw walang palya ang mga babae na pumunta dito para lang sabihin kay Sir kung gano sila rito kabaliw.”

Napailing pa ito dahil sa mga kababaihan na 'yon wala rin akong masabi dahil kahit sino naman talaga ay pwedeng mabihag ng boss namin ngayon. 'Di ko din naman matanggi dahil iba ang dala nitong kagwapohan. May aura din kasi ito na kahit sinong lalaki ay wala.

Masungit si Sir, tipid kung sumagot, maikli rin ang pasensya lalo na sa mga taong mahirap paliwanagan. Mabait din naman s'ya siguro pag nasa tamang hulog ang tulog n'ya.

Matagal tagal na'ko dito pero ni minsan ay 'di ko pa s'ya nakitang tumawa o ngumiti man lang kahit saglit. Parang pasan n'ya ang buong mundo na kahit sa simpleng pag ngiti ay nahihirapan s'ya.

“Nasaan ba parents ni Sir?” Takang tanong ko.

Tumingin sa'kin si Ate Sarah na para bang nagsabi ako ng isang joke sa harapan n'ya.

“Wala ng magulang si Sir ang alam ko ay ambush daw,” sagot nito sa'kin.

Napatingin naman ako sa pintuan ng opisina ni Sir at nakaramdam ng kaunting awa. May mga oras din naman na 'di dapat husgahan ang isang tao kung 'di pa alam ang nasa likod ng kung bakit sila ganyan.

Sa murang edad n'ya ay nakuha n'ya ng magtrabaho at mag alaga ng mga kapatid. Nakakabilib pero sa likod ng pagkabilib natin ay may nakausli ding awa para sakanya.

Humahanga ako sakanya ngayon dahil nakita ko naman na nakaya n'ya, kinaya n'ya para sa mga kapatid na kasama n'ya ngayon.

Hindi ko pa man personal na nakikita ang mga kapatid n'ya ay alam at ramdam ko na namaayos n'ya itong mga napalaki.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon