CHAPTER 06

56 20 0
                                    

Chapter 06

Dalawang araw na ang nakalipas ng mag apply ako sa kompanyang 'yon at hanggang ngayon ay nag aantay pa rin ako.

Kinakalikot ko lang selpon ko ng may tumawag dito na unregistered number sinagot ko naman 'yon at agad na napangiti nang mapag alamang 'yon ang kompanya na gusto kong pasukan.

“Thank you!! You know that I need work!!” Masayang sigaw ko sa telepeno nang mamatay na ang tawag.

“Nangyari sa'yo ba't nagsisisigaw ka? May problema ba?” Bungad sa'kin ni Mama nang makapasok s'ya ng kwarto ko may hawak pa itong sandok kaya bahagya akong natawa bago lumapit sakanya.

“I'm okay, natanggap lang ako sa trabaho,” saad ko.

Ngumiti naman si Mama sa'kin saka humalik sa pisngi ko.

“Ang laki mo na talaga dati dugyotin ka pa,” napaaray ako kay Mama ng kurutin nito ang tagiliran ko. Natawa ito sa'kin kaya napangiwi nalang ako.

“Palagi na'ko wala sa bahay Mama pero 'yong selpon ko nasa tabi ko lang 'di ko 'yon bibitawan para kung sakali na tumawag ka ay masasagot ko. Ma, ang gamot mo 'wag na wag mong kaliligtaan na inomin, naiintindihan mo po?” Bilin ko sakanya.

Natapos ang araw na 'yon na wala akong ginawa kundi ang ibilin kay Mama ang mga bagay na kailangan n'yang gawin at mga 'di kailangan mga gamot na iinomin sa oras.

Papahiga na'ko sa kama para magpahinga dahil maaga bukas ang pasok ko.

Maaga akong nagising dahil sa first day ko ngayon sa trabaho. I just wear a simple mini skirt and white top fitted and pair with black stiletto. I also choose my mini white channel bag.

Ito lang ang naipundar ko sa sarili ng magtrabaho ako sa sa kompanya ng ex ko.

Maaga akong nakarating kaya inassist ako nang ibang impliyado. Nagpasalamat ako dahil hinatid pa talaga ako nito sa opisina nang boss namin. Nasa labas ang mesa ko malapit lang sa pinto may intercom naman kaya mabilis akong matatawag.

Nakatayo lang ako malapit sa pinto pilit na inaayos ang sarili dahil may munting kaba ang namumuo sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at pabigla na pinakawalan 'yon.

“What are you doing?” Rinig kong tanong ng lalaki na nasa likuran ko ngayon. Malalim 'yon kaya dahan dahan akong humarap para tingnan pero 'di umabot ang height ko kaya hanggang dibdib n'ya lang ang kita ko kailangan ko lang iaangat ang mukha ko para makita ang kabuuan ng mukha n'ya.

“New here?” Tanong n'ya ulit kaya sa pag kakataong ito ay umatras ako ng bahagya at inangat ang paningin sakanya.

His perfect jawline, his nose na parang s'ya ang pinaka paboritong hinulma ang mapula pulang n'yang labi na ngayon ay basa. Ang pinaka huli ay ang napaka ganda n'yang mata na bumagay sa hugis ng kanyang mata, makapal na kilay.

His eyes, it's like a brown with a little mix of green.

“Ehem, Miss, you okay?”

“Ah, yes po. Opo, bago po ako dito,” sagot ko at umatras ulit, nahalata n'ya siguro 'yon kaya umayos s'ya ng tayo at deritso akong tinignan sa mukha.

“Name?”

“Angela po.”

“Get the papers in my table then if you done checking it give to me para mapermahan ko na,” saad nito bago tumalikod at pumasok sa opisina n'ya.

Napahinga naman ako nang malalim bago pumasok sa opisina n'ya. Dumeritso ako sa mesa n'ya para kunin ang mga papel na sinasabi n'ya. 'Di ko rin nakuhang ilibot ang buong paningin sa opisina n'ya dahil na rin siguro sa hiya nararamdaman ko.

May binabasa s'ya kaya naman tahimik lang ang mga galaw ko at nang makuha ko na ang mga papel ay lumabas na ako.

Busy person pala si Sir.

Sinimulan ko din agad ang mga 'yon na basahin may mga inalis din ako na sa tingin ko ay 'di naman na kailangan para don. Hiniwalay ko na rin ang ibang papel na may mga perma ba n'ya.

Engr. Laurent Perrier Martinez

Nice name. Saad ko sa isip ko ng mabasa ang pangalan n'ya sa ibabaw nito ay ang napaka ganda n'yang perma.

Nabasa ko din ang mga dati nilang sales at ang gaganda ng mga non, sa edad na 19 years old ay s'ya na pala ang humawak ng kompanya nila. May ilan din s'yang kapatid ayon sa nabasa ko sa internet. Marami pa don pero tinamad na'ko kaya bumalik nalang ulit ako sa ginagawa.

Hanggang sa 'di ko nalang namalayan ang oras kung hindi lang kumalam ang sikmura ko. Napatingin ako sa orasan at ala una na pala kaya tumayo at nag inat ng kaunti bago naisipan na bumaba para kumain.

Abala na'ko sa pagkain ng tumunog ang selpon ko at bumungad ang pangalan ni Mama. Nanginginig man ang kamay dahil sa kaba ay nakuha ko pa ring sagutin 'yon.

“Ma, bakit po?”

“Wala naman, uuwi ka ba ng maaga?” Mahina ang boses ni Mama sa kabilang linya at naririnig ko rin ang paghinga n'ya na mabilis.

“Maayos ka lang ba, Ma? Gusto mo umuwi na'ko?”

“First day mo ngayon, napagod lang ako mag ayos sa bahay. Ano nga palang gusto mong hapunan iluluto ni Mama,” napahinga ako ng malalim bago pinilit ang sarili na kumalma.

“Wala talagang masakit sa'yo, Ma? Uuwi na'ko ngayon para maalagaan ka.”

“'Wag na maayos si Mama napatawag lang talaga ako para itanong sa'yo kung ano gusto mong hapunan,” pangungumbinsi nito.

“Kayo na po ang bahala, Ma. 'Wag kang magpakapagod, okay? Uuwi din ako agad. I love you.”

“Oh, sige. I love you too. Ingat ka sa pag uwi.”

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon