CHAPTER 24

12 4 1
                                    

Chapter 24

Natapos ang usapan namin ng 'di na'ko kumikibo, para akong robot na sumusunod sakan'ya. 'Di ko alam kung ano ang sasabihin sakanya nauubusan ako. Blangko na din ang isip ko. Iniisip at pilit na pinoproseso ang sinabi n'ya.

Nagpahatid ako sa bahay. Ngayon nasagot na ang tanong ko kung bakit ganon ang naging reaksyon n'ya sa lamay ni Mama. Tumingin ako sa labas pinanood ang mga ulang tumatama sa bintana ng sasakyan.

Palaging ganito sa tuwing nasasaktan ako umuulan. Sign ba 'yan na dinadamayan ako ng mundo at hindi ako nag iisa?

'Di ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay kung 'di n'ya lang ako tinawag sa pangalan ko. Dali dali ko namang pinunasan ang pisngi ko na basang basa ng luha.

Kanina pa ba 'ko umiiyak?

Lumabas ako ng sasakyan n'ya ng walang salitang binibitiwan. Agad ko din naman narinig ang pag sara ng pinto sa tabi n'ya kaya naman alam kong sumunod s'ya sa'kin. Humarap ako sakanya bago ngumiti, ngumiti rin s'ya pero halatang pilit.

“I'm sorry,” mahinang saad n'ya humawak ako sa kamay n'ya para sabihing maaayos din 'to.

“Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon. Ang dami din kasing nangyari ngayong araw marami.”

“O-Okay,” nauutal na sagot n'ya kita ko din ang takot sa mga mata n'ya pero 'di ko alam kung pa'no aalisin 'yon.

“'Di ako magtatagal, magiisip lang ako, pangako 'di na'ko mawawala sa'yo,” malumanay na sabi ko.

“Babawi si Ate sa'yo, pangako 'yan,” yumakap ako sakanya ng mahigpit naramdaman ko din na ngumiti s'ya kabila ng paghikbi kaya hinaplos ko ng bahagya ang likod n'ya.

Humiwalay s'ya sa yakap bago nakangiting humarap sa'kin hinawakan n'ya ang magkabila kong pisngi at pinakatitigan ako. Humalik s'ya sa noo ko kaya ngumiti naman ako sakanya.

Inantay kong umalis ang sasakyan n'ya bago ako pumasok ng bahay, binuksan ko lahat ng ilaw. Ngumiti ako ng makita ang paboritong upuan ni Mama no'ng nabubuhay pa s'ya. Dahan dahan akong naupo do'n bago pinakawalan ang mga luha.

Ma, kumusta ka? Miss na miss na kita. Gusto kitang yakapin pero pa'no? Gusto kong sabihin sa'yo na mahal na mahal kita pero pa'no? Ang dami ko pang pangarap na gustong tuparin kasama ka.

Wala sa sarili akong naglakad pataas para magpahinga. 'Di na'ko nakapag palit damit dahil na din siguro sa sobrang pagod ko at sa sobrang pag iyak.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon na'ko at pumunta sa banyo para maghilamos nag palit na din ako ng damit pambahay, wala din naman kasi akong balak pumasok sa trabaho. Pakiramdam ko kulang na kulang pa 'yong tulog ko sa pagod na nararamdaman ko.

Pababa na'ko sa kwarto ng may makita akong isang pigura ng lalaki na may kausap sa selpon, no'ng una 'di ko s'ya makilala pero ng makababa na'ko ng tuluyan ay agad kong nakilala ang amoy ng pabango n'ya.

Napailing nalang ako at nag lakad palapit sakan'ya. “Good morning.” Bulong ko habang nakayakap mula sa likod n'ya. Bahagya s'yang nagulat sa ginawa ko kaya mahina akong natawa. Nagnakaw din ako ng halik sa labi n'ya.

“I'll call you later.” Pagtatapos n'ya sa tawag at humarap sa'kin ng may matamis na ngiti. “Good morning.”

“Bakit ka nandito?” Tanong ko habang nakayakap pa rin pero sa ngayon nakaharap na'ko.

“Bumili ako ng breakfast. And I was so worried about you last night. Kung 'di lang nag text sa'kin si Lea na nakauwi ka na siguro nasa morgue na siguro ako sa sobrang pag aalala sa'yo,” litanya n'ya bago ako hinila papuntang kusina kaya 'di na'ko umangal.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon