CHAPTER 09

43 14 0
                                    

Chapter 09

Patingin tingin ako sa pintuan ng opisina ni Sir inaabangan ang paglabas ng babae.

Chismosa role ko ngayon.

Ibabalik ko palang ang tingin ko ng lumabas na ang babae  sa opisina ni Sir. Mukhang galing ito sa laban dahil sa gusot gusot na ang damit na suot nito.

Mukha tinotoo nga nila sinabi ko. Masunurin.

Napailing nalang ako bago bumalik sa ginagawa, nakaalis na din si Ate Sarah pinatawag daw s'ya ng kasamahan n'ya dahil may gustong sabihin.

Gusto ko pa sana magtanong tungkol kay Sir kaso umalis na s'ya. Wala sa itsura ni Sir ang pagiging fuck boy kaya duda ako na may nangyari sakanila nong babae. Wala din naman akong duda na pwede 'yong patulan ni Sir kasi maganda din naman talaga 'yong babae may pagka demonyonita nga lang.

'Di naman nagtagal ay sumunod din si Sir na lumabas sa opisina n'ya. Bahagya nitong inayos ang damit at ang magulo n'yang buhok.

Tumingin ito sa'kin kaya umiwas ako ng tingin.

“Pasabi sa naglilinis ng opisina ko na palinis ngayon,” saad nito at tumalikod na sa'kin.

Wala naman na'kong nagawa kung 'di ang tumango kahit nakatalikod na s'ya. Medyo nakaramdam din ako ng inis sa ginawa n'yang 'yon kaya nawalan ako sa mood para taposin pa ang mga pinagagawa n'ya.

Bwesit.

Pinatawag ko rin ang naglilinis sa opisina n'ya saka umuwi na dahil wala na rin akong gagawin dahil sa pagkabanas sa boss.

Tinawag pa'ko ni Ate Sarah pero 'di ko na'to nagawang lingonin.

“Ba't ba ako nawala sa mood? Tssk.” Bulong ko ng makapasok sa elevator pababa sa lobby.

“Aba malay ko sa'yo, sarili mo 'di mo alam rason,” napatingin ako sa nagsalita dahil sa gulay at inis dito.

Hindi naman kinakausap pero sumasagot, mga tao nga naman.

Umirap ako dito, 'di ko kita ang kabuuan ng mukha n'ya dahil nakasuot ito ng baseball cup.

“Maldita,” natatawang saad nito saka naunang lumabas ng elevator pagkabukas.

Napamake face nalang ako dahil sa sinabi nito. Wala kang pake.

Umuwi ako ng bahay ng nakangiwi sa lahat kaya pati 'yong taxi na nasakyan ko ay natahimik dahil siguro sa sama ng aura na bitbit ko.

“Oh, aga mong umuwi?” Tanong sa'kin ni Mama ng makita akong nakaupo sa salas. “Ba't ganyan itsura mo para kang nalugi,” natatawang saad n'ya pa kaya mas lalong sumama ang mukha ko.

Sinong 'di sasama ang araw eh, talikuran ka ba naman bigla, tssk. Badtrip.

“Lahat nalang tinatalikuran ako,” bulong ko pero parang narinig pa rin ni Mama dahil natigilan ito.

“Anak,” pagtawag nito sa'kin kaya tumingin ako sakanya saka ngumiti.

“Banas lang ako Mama 'wag mo'ko intindihin,” sagot ko sakanya. “Nga pala Ma nainom mo ba mga gamot mo sa tamang oras?”

“Oo naman, 'nak,” tumango ako kay mama bago nagpaalam na magpapalit.

Nakapag palit na'ko kaya humiga muna ako sa kama para maipag pahinga ang katawan kahit kaunting oras lang. 'Di pa man nagtatagal sa pagkakahiga ay nakaramdam ako ng gutom kaya kahit pagod ay bumangon ako para bumili ng pwedeng makain.

Bago pa man ako makalabas ng kwarto ay tumunog ang selpon ko na nakalapag sa maliit na mesa malapit sa kama ko. Kinuha ko naman ito at walang tingin na sinagot ang tawag.

“Where the hell are you?!” Bungad ng tumawag kaya bahagya ko pang nailayo ang selpon sa tainga.

“Pake mo ba kung nasaan ako?” Sagot ko dito pero agad ding pinagsisihan ng makilala ang boses ng tumawag. “Ay, nasa bahay po,” maliit na boses na sagot ko.

Shit. Pahamak naman. Titingin na'ko next time kung sino ang tatawag.

“Where the hell are you?” Paguulit nito sa tanong n'ya pero sa pagkakataong ito ay may diin na.

Kinakabahan man ay sumagot pa rin ako kahit nasagot ko na. “Nasa bahay na po, Sir.”

“Tssk.” Huling narinig ko bago s'ya nawala sa kabilang linya.

Napatingin naman ako sa selpon saka wala sa sariling napailing nalang at napairap.

Iba talaga mga topak ng lalaki, nakakabilib, nakakabobo din at the same time.

Naglakad ako palabas ng bahay para humanap ng mabibilhan ng makakain, 'di ko na rin nagawang magpaalam kay mama dahil baka nagpapahinga na 'yon kaya umalis nalang ako dala ang wallet at selpon.

Nakakita naman ako nang ihawan kaya napangiti ako saka lakad takbo na lumapit dito. Namili naman agad ako sa mga tinda n'ya saka pinaihaw ulit. May mga upuan din dito kaya ng maibigay kay Ate 'yong gusto ko ay naupo muna ako dito.

Marami din ang tao sa tindahan n'ya may mga mag asawa meron ding mag jowa na kumakain habang nagtatawan.

Napatingin naman ako sa isang lalaki na tahimik lang na nakaupo parang may kausap ito sa selpon n'ya base sa nakikita ko, nakangiti ito habang nagtatype. Kilig now. Sakit later. Enjoy mo yan.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon