Chapter 05
Ilang linggo lang akong nagpahinga matapos kong mag resign sa trabaho. Kinuha ko na 'yong tyansa para makapag pahinga dahil ngayon ay maghahanap na naman ako ng trabaho at sana hindi ako mahirapan sa pag hahanap.
Lumabas ako ng kwarto at 'di na nagabalang hanapin si Mama dahil alam kong umalis na 'yon ng maaga dahil may inaasikaso daw s'ya. Gustohin ko man na pigilan s'ya at sabihin na magpahinga nalang ay hindi dahil mas gusto n'ya 'yon. 'Di ko naman hinahayaan na mahirapan si Mama at alam ko rin na 'di n'ya hinahayaan na magpalipas ng oras sa pag inom ng gamot n'ya.
“Ang laki ng kompanyang 'to matatanggap ba 'ko dito?” Tanong ko sa sarili ng makababa sa taxi.
Nakaramdam na rin nang kaba dahil sa isiping baka 'di ako matanggap. Alam naman nating lahat na may mga standard ang malalaking kompanya.
Pa'no nalang kung 'di ako pasok sa standard nila? Edi, kawalan nila 'yon.
“Hmm, Miss saan dito 'yong ano interview para sa mga naghahanap ng trabaho?” Tanong ko sa babeng may mahabang buhok.
Humarap ito sa'kin ng walang kahit anong ngiti sa mukha. “Mag apapply kaba miss?” Tanong n'ya nakataas pa ang kilay.
“Opo! Bakit po tapos na po ba? May natanggap na po?” Sunod sunod na tanong ko sakanya. Ang kabang kanina pa dibdib ko ay mas lalong lumala ng 'di n'ya man lang ako nginitian.
“Sakto lang ang dating mo dito, Miss nga pala anong pangalan mo?” Mukhang naramdaman nito ang kaba ko kaya s'ya na ang nagbukas ng bagong usapan. Nag simula na itong mag lakad kaya sumunod ako.
“Ako po?” Pagkompirma ko, tumango lang siya kaya sumagot ako. “Angela T. Salazar po,” magalang na sagot ko.
“Okay, my name is Sarah M. Javier you can call me Miss Sarah,” sa ngayon ay nakangiti na 'to sa'kin kaya nabawasan din kahit papano ang kaba sa dibdib ko.
Mabait naman s'ya nasa aura na n'ya ang pagiging maldita pero maganda at magaan s'ya kasama kaya 'di ako nahirapan na magtiwala sakanya.
“Halika sasamahan kita kung ano 'yong hinahanap mo,” natuwa ako sa sinabi nito. Ngumiti ako sakanya pinakikita na nagpapasalamat. “Pwede kang maging secretary ni Sir, pasok ka naman eh,” saad n'ya ng nakapasok kami ng elevator sinipat pa nito ang kabuuan ko kaya nakaramdam ako ng hiya.
“Sana nga po makapasa ako,” sabi ko nalang.
Nasa harap na kami ng isang pinto kung saan kita ko rin ang ibang naga apply kagaya ko.
“Dito na, galingan mo!” Tumango ako kay Miss Sarah saka nagpalasamat.
Bumukas ang pinto kaya humarap ako dito sakto naman at nagsilabasan ang mga naunang aplikante.
“Pasok.”
"Sige po,” ngumiti lang s'ya at tumango
Pinaupo ako nito sa isang silya sa harapan n'ya saka sinimulan ang pag tatanong sa'kin, makalipas ang ilang minuto ay tapos na kami at tatawagan n'ya na lang daw ako.
Nanlumo ako dahil akala ko matatanggap agad ako.
Naglalakad na'ko uuwi nang makaramdam ako ng gutom kaya pumasok ako sa isang café at umorder ng kape at tinapay.
At pag kinakapitan ka naman ng mala's ay natapunan ako ng mainit na kape pero ang lalaking nakabuhos sa'kin ay parang walang pake at tuloy tuloy lang sa paglakas.
“Mainit, shuta!” Sigaw ko.
Pero para bang wala s'yang pakiramdam at tuloy tuloy lang s'yang naglakad parang walang nangyari kaya ang ginawa ko ay binato ko sakanya ang hawak kong tinapay.
Headshot!
“What the hell!! Who's that!?” Galit na tanong n'ya at humarap sa side ko pero yumuko ako at walang pasabing umalis ng café dahil baka malaman n'ya na ako pa ang bumato sakanya.
Bumababa na'ko nang taxi at nagbayad.
Papasok na sana ako nang may maalala, malapit na pala birthday ni Mama, ano kayang pwedeng gawin? Nag iisip na naglakad ako papasok.
“Kapagod, sarap maging itlog,” reklamo ko pagka-upong pagka-upo ko.
“Andyan ka na pala, 'nak sakto nag hahain na'ko nang pagkain, halika na,” napatingin ako kay Mama ng makita s'yang nakapang bahay at mukhang kanina pa nasa bahay.
Tumayo naman ako at lumapit sakanya saka yumakap ng mahigpit.
“Ikaw 'yong pahinga ko, Ma kaya 'wag na 'wag kang mapapagod lumaban.” Bulong ko at mas hinigpitan ang yakap sakanya.
“Lalamig ang pagkain kaya magpalit ka na, amoy kape ka din,” humiwalay di Mama sa yakap ko kaya ngumuso ako. “'Wag ka ngumuso diyan mukha kang tilapia,” natatawang saad ni Mama kaya mas lalong humaba ang nguso ko.
Tumango ako kay Mama saka tinignan ang sarili na Ang lagkit. Badtrip na lalaking 'yon parang walang pakiramdam.
Tssk. Magkikita din tayo at sa pagkikita nating 'yon humanda ka at gaganti ang isang dalaga na napaso ng mainit na kape.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...