Chapter 17
Nasa loob pa rin si Mama, nakatayo lang ako malapit sa pinto inaantay na lumabas ang doctor na tumitingin. Nakaupo din naman malapit sa'kin si Sir, nakatingin lang din ito sa pinto. Makikitaan mo din ng kaunting pagaalala ang mukha n'ya.
Bumukas ang pinto dito at lumabas ang isang doctor, may kasunuran pa itong lumabas pero sakanya nalang natuon ang atensyon ko lalo na at lumapit ito sa'kin.
“Relatives?” Tanong nito kaya tumango ako. “Tatapatin na kita humihina na ang tibok ng puso nang Mama mo. Alam n'ya at alam rin namin na sinubukan naming sagipin pero sadyang mahina na talaga ang katawan n'ya. Sa ngayon masasabi naming maayos ayos pa ang lagay n'ya pero baka sa susunod na araw hindi na.” Habang sabi nito para maiwan akong tulala.
May sinabi pa ito pero hindi ko na makuhang maintindihan dahil sa mga naunang narinig.
Ayokong maiwan ng mag isa. Ayoko.
Lumapit sa'kin si Sir at niyakap ako nang mahigpit na lalong nagpaluha sa'kin. “Ang Mama ko, Sir iiwan ako,” saad n'ya na naging dahilan upang yumakap ako sakanyan ng mahigpit at humagulhol. Parang bata din akong nagsusumbong.
Maingat n'ya ding hinahaplos ang likod ko pero 'di man lang nagawa non na mapagaan ang mabigat kong loob.
“Ayoko maiwan mag isa. 'Yong Mama ko sinasaktan ako.” Sabi ko sakanya kaya naramdaman ko nalang ang pag higpit n'ya pa lalo sa yakap.
Nagtagal kami sa ganong posisyon hanggang sa pinakawalan n'ya ako, bahagya n'ya ring iniangat ang mukha ko para mapunasan n'ya ang mga luha na hanggang ngayon ay wala pa ring tigil sa pagtulo.
“I'm here, I will never leave you alone. Just be strong, hmm. Your mother need you the most right now,” mahinang saad nito sa'kin, ngumiti pa ito ng maliit.
Mahina ako, 'di ko kaya.
Gustong gusto kong sabihin 'yon sakanya pero hindi ko magawa dahil nakikita n'ya sa'kin na malakas ako. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumango.
Nailipat na rin si Mama sa isang kwarto, nakaupo ako ngayon malapit sakanya habang hawak ng mahigpit ang kamay n'ya.
“Ma, 'wag na 'wag mo'ko iwan, ah. Mahihirapan ako nang sobra. Sino nalang gigising sa'kin sa umaga? Sino na mag luluto nang kakainin ko? Sino nalang ang sasalubong sa'kin pagkagaling ko sa trabaho? Sino nalang ang makakaintindi sa'kin kung iiwan mo'ko?” Pagkausap ko sa kay Mama na ngayon mahimbing ang tulog. May kung ano ring nakakabit sakanya.
Maputla na rin ang kulay ng mukha n'ya at nahahalata mo na rin ang pagbagsak ng timbang n'ya.
“Lumaban ka, Ma. Lalaban tayo. Kahit dito na tayo tumira maayos lang sa'kin 'wag ka lang mawala sa'kin. Kung nalaman ko sana nang mas maaga baka naagapan pero hindi eh. Huli na, malala na.”
“Mahal na mahal kita, Ma,” huling saad ko bago s'ya dinampian ng halik sa noo.
Mag iisang oras na'kong nakaupo dito at pinagmamasdan si Mama inaantay na magising pero nakaramdam ako nang antok kaya lamabas ako para bumili nang kape pero gulat ako nang makita si Sir at Vince na nakatayo malapit sa kwarto.
Lalapitan ko sana sila pero umangat na ang paningin sa'kin ni Sir at ito na mismo ang kusang lumapit sa'kin kasunod n'ya si Vince.
“Akala ko umalis ka na,” baling ko dito umiling naman s'ya sa'kin at bahagya inayos ang magulo n'yang buhok.
Halata na rin ang antok sa mukha n'ya kaya nahiya ako ng kaunti. Hindi ko namalayan ang oras kaya inilibot ko ang paningin para sana tingnan ang oras sakto naman at meron akong nakita. Ala una na pala ng umaga.
“Nope, 'di ako umalis inantay kita, ahm. I want to know if you're okay or not.”
“Isang oras ka naghintay dito?” Pagtanong ko.
“Oo ata, nagaalala din kasi ako saka ayaw ko din na iwan ka mag isa,” lumapit naman s'ya sa'kin at hinawakan ang baba ko. “Feel bad?” Tanong n'ya at agad naman akong napatango.
“It's okay and choice ko din naman na antayin ka. Saan ka pala pupunta sana?” Pagiiba n'ya nang usapan.
“Cafeteria,” agad na sagot ko.
I see he's face brighten kaya naman napangiti ako bahagya at napailing nalang. Para s'yang bata ngayon.
“Hungry? Halika, libre ko,” nakangiting sabi ko sakanya. Tumango naman s'ya agad. “Ikaw Vince, sama ka?” Pagbaling ko naman kay Vince na ngayon ay nakatingin lang pala sa'kin. “Ano rin pala ginagawa mo dito?”
“Laurent called me, and I was worried,” sagot nito at napakamot pa nang bahagya sa batok n'ya. “Also, I know Tita miss me too kaya pumunta ako pero tulog ata.”
“Oo tulog, kain muna tayo. Halika na kayo.”
Nanguna na'ko maglakad pababa papunta sa cafeteria ng hospital. Tahimik lang ang dalawa kaya tahimik nalang din akong naglakad. Pag dating namin ay may mga mangilan ngilan ding tao pero marami din ang bakanteng mesa.
Silang dalawa na raw ang bibili nang makakain kaya naghanap nalang ako mauupuan namin. Napatingin ako sa magpinsan na ngayon ay para pang nagtatalo sa kung ano pero binalewala ko nalang 'yon at tumingin nalang sa iba.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...