CHAPTER 23

15 4 0
                                    

Chapter 23

“I don't know where to start,” sabi n'ya sa mahinang boses nagsimula na ring manggilid ang luha sa mga mata n'ya. “I'm sorry for everything.” Nanginginig na ang boses n'ya kaya naman lumapit ako sakan'ya at tinignan s'ya ng deritso sa mata.

“Naguguluhan ako, bakit ka nag so-sorry sa'kin sa pagkaka-alam ko kasi wala ka namang ginawang mali sa'min/sa'kin,” nakakunot noong tanong ko sakan'ya pero nag iwas tingin lang ang ginawa n'ya at nag simula ulit mag lakad.

“I love Laurent at nakuha ko pang isakripisyo ang sarili ko para lang sumaya s'ya, and I think I did the right thing? I can see that he's happy now, thank you.”

“Huh? 'Di kita maintindihan, you said you want to talk to me and this is what you mean you want to talk? Gusto mong ipamukha sa'kin—”

“No, it's not like that, I don't think this is the right time to tell you.” Sabi n'ya na para bang siguradong sigurado na s'ya. Wala sa sariling tumigil ako sa paglalakad.

Ano bang gusto nitong sabihin? Nakakagulo.

“Ang ano?! Naguguluhan ako sa inaakto mo!” 'Di ko maiwasang mag taas ng boses, naguguluhan ako sa nangyari lalo sa mga pinagsasabi n'ya. “Tungkol ba 'to kay Laurent?” Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang tanong na  'yon.

Umangat ang tingin n'ya sa'kin wala pa ring humpay ang pagluha nang mata. “No, I mean-” natawa akong pagak dahil sa sinabi n'ya.

“Kung mahal mo pa si Laurent wala na'ko don!”

“Yeah, I love him but it's not about Laurent we're done! It's about us! You heard it, right? About us!” Sigaw n'ya 'di ko nakita na nakatayo na pala s'ya ngayon. Natahimik ako at bahagyang inisip ang sinabi n'ya. Napaupo nalang s'ya sa lupa habang sunod sunod na bumubuhos ang luha.

“What about us? Kilala mo ba ako? May alam ka ba sa'kin?” Sunod sunod na tanong ko sakanya hinawakan ko din ang magkabilang braso n'ya para makaharap sa'kin at magtama ang mata naming dalawa.

“I need more time,” saad n'ya at nagpakawala ng malalim na hininga. Napabitaw ako sakanya bago tumalikod at hinugot ng hininga bago humarap.

“More time? Potangina kong may sasabihin ka sabihin mo na!” Sigaw ko na sakan'ya 'di n'ya inaasahan na sisigaw ako.

“'Di ka ba marunong umintindi? Do you really think that this was easy to me to do this?!” Bulyaw n'ya.

“Tell me please, what it is?” I almost sound begging.

“Angela I'm sorry talaga pero mukhang 'di ko pa talaga kayang sabihin.” Nagsusumamong saad n'ya sa'kin humawak ito sa magkabilang pisngi ko para bang nagpapaintindi.

Sunod sunod akong umiling. “Hindi, hindi, sasabihin mo sa'kin ngayon kasi litong lito na'ko. Unang una bakit dito? Pangalawa bakit ka humihingi ng tawad?! Pangatlo anong about us?!” Sunod sunod ng tumulo ang luha ko sa sobrang lito ko o sa diko ko maintindihan na nararamdaman.

“Kung hindi tungkol kay Laurent ang paguusapan natin, ano? About us? Pota naman. 'Di nga kita kilala mag uusap pa tayo sa sinasabi mong 'about us' na 'yan! Gagohan lang?”

“Naguguluhan na rin ako nong una palang sa'yo, sa hospital, bakit ganon itsura mo? Sa burol ni Mama, ano ba kita?!”

“Sorry—”

“Ah!” 'Di makapaniwalang anas ko.

“Matatanggap ba 'ko pag nalaman mo?” Saad n'yang nanunubig ang mata

“Pwede ba sabihin mo na ang sasabihin mo dahil nawawalan na'ko ng pasensya sa'yo,” bulong ko marahas ko pang pinunasan ang luha ko.

'Di malaman kung bakit ako nahihirapan na makita s'yang ganito.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon