Chapter 07
“Hey, are you okay?” Napaangat ang tingin ko kay Sir ng bigla itong magsalita.
“Oo okay naman ako, sorry po,” saad ko at ibinalik ang pansin sa ginagawa.
Bumalik din s'ya sa ginagawa pero tumitingin din kalaunan sa'kin kaya tumingin ako sakanya bago ngumiti.
“If you're tired you can go home,” sabi nito na ikinabigla ko kaya agad akong napailing.
Nakakahiya. Focus, Angela.
Inayos ko na ang sarili kahit pilit na pumapasok sa isip ang pag aalala. Natapos ko naman ang ibang pinagagawa n'ya kaya nakahinga hinga na rin ako ng maayos. Nawala na din sa isip ko ang mga 'di naman dapat iniisip at ang pag aalala.
Tatayo na sana ako para kumain sa baba ng tumayo rin si Sir sa tabi ay bahagyang inayos nito ang suot na coat.
“Lunch?” Tanong nito sa'kin kaya tumango ako at umayos ng tayo bago nangunang maglakad palabas ng opisina n'ya.
Nasa loob ako ng opisina n'ya dahil sa dami ng papel na pinaayos n'ya at sa dami din ng mga papel na binibigay ko para permahan n'ya s'ya na siguro ang kusang napagod kakapanood sa'kin labas masok sa opisina n'ya kaya don n'ya nalang ako pinaupo malapit sa mesa n'ya.
“Oh, Sir. Pahatid ko na po 'yong lunch n'yo?” Tumingin ako kay Miss Sarah ng itanong n'ya 'yon kay Sir.
Nakakahiya naman kasing magtanong kung kakain ba s'ya.
“No need sa baba nalang ako kakain,” sagot nito na ngayon ay nasa likod ko na pala.
“Angela sumabay ka nalang kay Sir kumain,” gulat akong tumingin kay Miss ng sabihin n'ya 'yon. “Hindi kasi 'yan kumakain ng walang kasabay.”
“Huh? Eh?” Napatingin ako kay Sir na ngayon pala at na sa'kin ang paningin kaya wala akong nagawa kundi ang mapapikit at wala sa sariling napatango.
“Ayon, sige Sir tawagan ko na rin sa baba para maihanda na 'yong kakainin n'yo, eat well, Angela,” nahimigan ko ang pang aasar sa boses ni Miss Sarah kaya tumingin ako dito at saka s'ya bahagyang sinamaan ng tingin.
Nilipat ko ang paningin kay Sir na ngayon pala ay nakatingin sa'kin na bahagyang nakaangat ang gilid ng labi. Tumalikod ako sakanya saka naunang pumasok sa elevator nakasunod lang s'ya sa'kin kaya tahimik lang ako.
Nakaharap lang ako sa pinto ng elevator inaantay na bilisan ang pag baba at ang pagbukas nito dahil 'di ko maintindihan ang sarili ko dahil nakararamdam ako ng ilang.
Huminga nalang ako ng malalim saka inisip na natural lang na mailang ako sakanya dahil s'ya ang boss namin.
Tumikhim ito pero 'di ko s'ya tinignan, sa naiilang ako sa presensya n'ya.
“It is okay with you?” Ito na naman s'ya sa pagkausap sa'kin gamit ang nakakaano n'yang boses.
Ang manly kasi, shuta.
“Okay lang naman po, Sir. Ah matanong ko lang po totoo po ba 'yong sabi ni Miss Sarah na di ka daw sanay kumain ng walang kasabay?”
Umangat ulit ang gilid ng labi nito kaya natigilan na'ko sa pagkakataon na'to mas gwapo s'ya sa tuwing gagawin n'ya 'yon. 'Di ko tuloy maiwasang pagmasdan ang kabuuan ng mukha n'ya napatalon ako bahagya ng tumunog ang elevator hudyat na nasa baba na kami.
“Actually it's not true but can I join you for lunch?” Sagot nito sa'kin nakapasok na kami sa isang malaking kainan dito sa baba ng kompanya n'ya.
May ilang bumati sakanya at ang iba dito ay nakitang tumingin sa'kin saka patago na umirap.
Akala mo naman kinaganda n'ya 'yon hindi oy, nagmukha kang tinuhog na biik. Tssk.
'Di ko na nakuhang sagutin ang sinabi ni Sir kaya ginaya n'ya nalang ako kung saan kami pupwesto may mga nakalapag na rin na pagkain kaya wala na'kong nagawa kundi ang sumabay na talaga sakanya sa pag kain.
“Pwede Sir magtanong?”
Ako na ang bumasag na katahimikan dahil mukhang wala din s'yang balak ng magsalita. Actually gusto ko nalang lantakan ang pagkain pero nahihiya ako lalo na kasama ko si Sir nakakahiyang ipakita sakanya ang katakawan ko.
“Sure,” sabi agad nito sa'kin mukhang handa naman s'yang makipag usap sa'kin.
Huminga muna ako ng malalim para alisin ang hiya.
“First question, single ka?”
Mukhang 'di inaasahan ni Sir ang tanong ko kaya bahagya s'yang napaubo kaya nataranta akong inabot sakanya ang sariling inomin ko wala naman sa sariling ininom n'ya 'yon. Nanlaki ang mata ko ng mapag tanto na sa'kin ang inoming 'yon.
“I'm single,” sumagot din ito ng maging okay na. Ngumiti naman ako sakanya.
“Free ka, free ako. Isa lang ibig sabihin non,” bulong ko.
“We can try.”
Ako naman ang nabulunan sa sariling laway dahil sa sinabing 'yon ni Sir. Sumabay din ang music sa buong kainan na fall in love.
Takte. Sadya ba 'to Lord? Stop po, please.
I don't wanna fall, I don't wanna fall
Pagkanta ko sa isip ng ilang lyrics ng kanta.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...