CHAPTER 29

9 3 0
                                    

Chapter 29

Maghapon kaming walang matinong usap ni Laurent dahil sa kabikabilaang meetings n'ya. Napatingin ako sa orasan at agad na nagligpit ng gamit.

Sinuklay ko din ang buhaghag kong buhok at pinadaan ko din ng kunting pabango ang katawan ko inayos ko rin ang light na makeup.

“Good evening ma'am,” bati sa'kin ng guard. “Gusto n'yo po ba ma'am na hanapan ko kayo ng taxi?”

“'Wag na kuya, d'yan ka nalang, sige mauna na'ko,” paalam ko.

“Ingat po ma'am,”

“Ikaw din, kuya.”

Papara na sana ako ng taxi nang may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko bahagya pa 'kong nagulat sa biglaan n'yang pag park.

“Angela!” Sigaw ng nasa loob kaya naman napatingin ako sa nakababa na ngayon na bintana. “Wanna come with us?” Nakangiting tanong sa'kin ni Sofia.

“Hindi na kayo nalang,” alanganin na sagot ko.

Bumaba s'ya sa sasakyan at sumakbit sa braso ko. “Halika na, nitext na kita kagabi a,” nakangusong saad n'ya sa'kin habang hinihila ako papasok ng sasakyan.

“Hindi ko nabasa,” totoo hindi ko na binasa ang text n'ya kagabi at biglang itong nilagay sa bed side table.

“Please, last day ko naman na ngayon here in the Philippines.”

“Ano kasi Sofia—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang n'ya akong hilahin papasok. “'Yan magandang celebration 'to kasama ka,” excited na sabi n'ya.

Kinabahan naman ako nang tumigil kami sa isang malaking bar na abot dito ang dagungdong ng music.

“Baba na Angela!” Sigaw sa'kin si Sofia.

Hindi ko namalayan na nakababa na sila kaya naman 'agad akong bumaba at sumunod saka nila.

Apat kaming lahat kasama na ang chaperon ni Sofia na may slight na ganda din, inilibot ko ang tingin sa buong bar maraming tao ang nagkakasiyahan at marami na din ang lasing ang iba nga ay nakatulog na sa couch.

Gumilid ako bahagya ng may isang lalaki na natumba sa harapan ko.

“Halika ka dito,” bigla akong hinila ng isa sa mga kaibigan ata ni Sofia. “Sorry kong hinila kita naiwan ka na kasi ni Sofia, btw I'm Roxanne,” pakilala n'ya sa sarili habang nakangiti.

Mabait naman pala ang isang 'to pwede na sige. “Angela,” pakilala ko din sa sarili.

“Here,” abot n'ya sa'kin ng 'di ko kilalang alak, umiling naman habang nakangiti. “Gusto mo ng shake”" Tanong n'ya kaya naman nahiya ako.

“Sige pwede na'to,” patukoy ko sa hawak n'ya shot, ngumiti naman s'ya at inabot 'yon sa'kin. “Matagal na kayong magkaibigan ni Sofia?” Pagbabasag ko sa katahimikan.

Tumango naman s'ya sa'kin at tumingin sa malayo sinundan ko naman 'yon at agad na napangiti. “Oo, halos nga kapatid na ang turing ko d'yan,” natatawang sagot n'ya at uminom.

“That's nice,” sabi ko nalang ng maubusan ng tanong.

May bait din palang taglay ang bruha.

“Muntikan na din kaming masira ni Sofia dahil sa lalaki,” muli s'yang nag salita kaya naman nilingon ko s'ya. “Syempre dahil kapatid na ang tingin ko saka n'ya at nagpaubaya ako kahit mahal na mahal ko 'yong lalaki,” mapait na sabi n'ya habang malungkot na nakangiti. “Pero sinayang lang ni Sofia.”

Tumigil kami sa paguusap ng makita namin ang papalapit na Sofia, ngumiti ako saka n'ya na 'agad n'ya namang sinuklian.

“Belated happy birthday nga pala,” nakangiting bati ko saka n'ya.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon