CHAPTER 38

10 2 0
                                    

Chapter 38

Halos mawalan ako ng balanse sa  paglakad ng makita ko s'yang naglalakad papasok habang may maliit na ngiti sa labi, tumango s'ya sa host bago umupo sa harapan.

Bakit parang hindi n'ya ako nakita?

Bakit parang hangin lang ako sa kan'ya?

Bakit parang hindi nag bago 'yong epekto n'ya sa'kin?

Dahil mahal ko pa s'ya?

Tanginang! Pagmamahal 'to.

“Thank you again, Mr. Martinez,” senserong sabi ng host.

Tumayo na'ko hindi na hinantay magsimula dahil parang winawasak na naman ako, parang tinutusok na naman ang puso ng libo libong karayom.

Halos takbohin ko na ang paglabas dahil sunod sunod ng tumulo ang mga traydor kong luha. Hinubad ko na din ang suot kong stilettos para makatakbo ng maayos sabog na din ang buhok ko dahil sa hangin na dumampi sa mukha ko.

Napada ako dahil sa isang bato naramdaman ko agad ang hapdi ng tuhod ko at sakit ng kuko ko. Hindi ko na pinansin ang mga 'yon at mabilis na tumayo at naglakad nalang papunta sa dalampasigan.

Umupo ako do'n saka tahimik na hiniling na sana hindi nalang ako sumama dito na sana hindi nalang kami nag kita na sana lahat ng ito ay masamang panaginip nalang.

Pero lahat ng 'yan hanggang SANA na lang.

Gusto ko na din umusad kagaya ‘n'ya’ gustong gusto.

Pero hindi ako umuusad dahil sa MAHAL KO pa S'YA.

Hindi ko hinayaan 'yong sarili ko na mag MOVE ON dahil AKALA ko MAHAL N'YA PA 'KO.

Hindi ko hinahayaan 'yong sarili ko na MAKALIMOT dahil AYUKO LANG.

Pero ayuko din naman na mabuhay na ganito 'yong may inaantay na wala na din namang babalik.

Nag ANTAY ako sa WALA.

Bumalik ako kasi akala ko PAGBALIK ko and'yan s'ya INAANTAY ako at SASALUBUNGIN ng MAINIT na YAKAP.

Pero WALANG YAKAP NA SUMALUBONG SA'KIN.

Bumalik ako para lang sa WALA.

Kumapit ako sa batong magaspang kaya nagka sugat sugat ang kamay ko.

Kailangan ko ng bumitaw kasi hindi ko na kayang tiisin 'yong sakit na binibigay ng batong hinahawakan ko.

Kaya ko bang bumitaw?

“Angela!” Napatayo ako dahil sa sigaw ng isang lalaki na matagal ko ng gustong ibaon sa limot pero hindi ko magawa. “The fuck!” Sigaw n'ya ng mag tama ang namin.

Agad na kumabog ang puso ko ng mag lakad s'ya palapit sa'kin, umatras ako ng isang hakbang ng malapit na s'ya sa'kin.

Tumingin ako sa mata n'ya at agad na nagulat ng makitang dumaan do'n ang sakit at takot.

Sakit para saan?

Takot para saan?

“Don't,” nanghihinang bulong n'ya kaya umalpas ulit ang luha ko. “Don't.”

Umiling ako bago dahan dahang umatras. “Please leave me alone,” maikling sagot ko na agad n'ya namang nakuha.

“No, I won't leave you,” umiigting ang panga n'ya ng umatras pa ako ng isang beses.

“Please,” sunod sunod na tumulo ang luha ko at nanghihinang napaupo nalang sa buhangin. “Why?” Nasusumamo ko pero nag iwas tingin lang s'ya. “4 years but still you.”

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon