Chapter 04
Maayos ang naging ilang buwan namin ni Erick pero 'di nagtagal ay nagbago na rin ang ugali n'ya na kung dati ay puro s'ya pag aasikaso ngayon ay naging pabaya na s'ya.
Andito ako ngayon sa bahay inaantay s'yang dumating para magtanong kung saan s'ya nagpupunta nitong mga nakaraan.
“Buti dumating ka pa?” Sarkastikang bungad ko dito ng makapasok ng bahay.
Tumingin ito sa'kin bago naglakad palapit para humalik sana sa pisngi ko pero umiwas ako.
“Sino na namang babae ang kasama mo ngayon? Sinong babae na naamn ang nauto mo ngayon? Sinong babae na naman ang sasabihin mong pinsan mo ngayon?”
“Ayan ka na naman, nagsisimula ka na naman,” inignora ang tanong ko nito kaya nairita ako.
“Ikaw 'yong ayan na naman, Erick!! Alam mo bang ang daming nagsasabi sa'kin?! Maraming nagsasabi sa'kin na may mga babae kang dinadala sa iba't ibang hotel!!” Sigaw ko sakanya nagpapaintindi. Nanggilid na rin ang mga luha ko.
Naalala ko ang mga sinabi sa'kin ng ilang kaibigan n'ya at ilan ding mga katrabaho na'min.
“Tangina, Angela! Kahit kailan hindi ako nambabae!” Galit na sagot nito nakatiim na rin ang panga n'ya at nakakuyom ang kamao.
“Kaya pala! Kaya pala kitang kita ng dalawa kong mata na may kahalikan kang babae!” Saad ko saka pabatong binigay sakanya ang selpon na kung saan nakuhanan sila ng kasama ko ng picture.
“Wala lang 'yon,” sagot nito sa mahinang boses.
Nag init ang ulo ko at wala sa sariling sinampal s'ya.
“Ano?! Wala lang?! Kung sa'yo wala lang 'yon sa'kin meron boyfriend kita, eh!”
“Nangako ka rin na 'di mo'ko sasaktan pero ano ginawa mo? 'Di mo lang ako sinaktan, sinira mo din ako,” mahinang saad ko sakanya nagpunas din ako ng luha at pinakitang kaya ko na mawala s'ya.
Mahal ko s'ya pero grabe na wala na yong respeto n'ya sa'kin. Nawalan na kaya wala na ring patutunguhan pa'to.
“Maghiwalay na tayo.”
“Ano?! Hindi, ayoko. Mahal kita,” bulong n'ya sa'kin at sinubukan akong hawakan pero umiwas ako.
“Iiwan na kita, pagod na'ko. Pagod na'ko mag bigay ng ilang pagkakataon sa'yo. Naging tanga na run para ako sa'yo. Tama na.”
“Pagod ka lang, halika pahinga ka na.”
“Umuwi ka na,” sabi ko saka bahagyang tinutulak s'ya palabas ng bahay.
”Angela,” pagtawag n'ya sa'kin pero sinara ko na pinto at hinayaan ang sarili na lumuha.
Nag kulong lang ako sa kwarto at umiiyak magdamag. Makailang beses din na kumatok si Mama sa kwarto pero 'di ako sumagot. Nakalipas ang araw na 'yon ay nag ayos ng sarili para pumasok ng trabaho at para na rin magpasa ng resignation letter.
Dahil alam kong 'di ako tatantanan ng lalaking 'yon ngayon. Sapat ang ilang buwan ng panloloko n'ya sa'kin, tapos na rin ang pagpapakatanga ko para sakanya.
“Good morning Sir Hernandez,” bungad ko kay Sir ng makapasok ako sa opisina n'ya.
Oo sila ang may ari ng kompanya kung saan ako nag tatrabaho at Daddy n'ya ang may ari ng kompanyang pinagtatrabahohan ko.
“Ba't ka naman mag reresign hija?” Tanong n'ya ng at maiabot ko ang sulat, tanging pagbuntunghininga lnag ang sagot ko. “I'm sorry for the pain that may son brought to you. I know you don't deserve him and if this is your way to move on, who am I to stop you, right?”
Ngumiti ito sa'kin bago tumayo at yumakap, napalapit na rin s'ya sa'kin dahil 'di naging iba ang turing n'ya sa'kin. Tinuring n'ya ako na parang isang anak n'ya na ipinagpasalamat ko.
“Thank you po sa lahat.”
Sinabi ko 'yon habang nakayakap pa rin sakanya kusa akong humiwalay sakanya para bigyan s'ya ng isang ngiti sa huling pagkakataon. 'Di rin nakatakas sa paningin ko ang palihim n'yang pag punas sa luha na tumakas mula sa mga mata n'ya.
Habang nag aayos ako ng gamit may biglang humawak sa kamay ko 'di na rin ako nagtaka kung ang humawak sa'kin ay ang ex ko. Inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko bago humarap.
“Can we talk?” He asked halata na rin sa mukha nito ang kakulangan sa tulog.
“For what?”
“About us,” pabulong na sagot nito kaya pagak akong natawa.
“About us? We're done so we're not going to talk about us,” I said in sarcastic tone.
Yumuko ito bago nagsalita gamit ang pagod at nangungusap na boses. “I'm sorry. Please comeback to me.”
“Fuck you,” saad ko at iniwan s'yang nakatulala sa ere.
Katangahan nalang kung babalik pa'ko sa'yo.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...