CHAPTER 11

36 12 0
                                    

Chapter 11

Mag gagabi na nang maisipan ni Sir na umuwi, sinubukan pa s'yang yayain ni mama na kumain ng hapunan pero tumanggi na s'ya.

“I have to go, check ko pa ho kasi 'yong mga kapatid ko,” magalang na sabi n'ya ng ilang ulit s'yang ayain ni mama na kumain.

“Ma, hayaan mo na si Sir. Ah, sige na, Sir. Ingat ka po,” hinatid ko pa s'ya hanggang sa sasakyan n'ya.

'Di naman na sumunod si Mama at hinayaan na din si Sir na umalis.

Tahimik lang kaming nakatayo malapit sa gate kaya kung may makakakita man sa'min ay aakalain na tanga kami. Magkaharap pero walang nagsasalita.

Pinaglalaruan n'ya pa ng bahagya ang susi ng sasakyan n'ya kaya nagsalita na'ko.

“Sige na, Sir baka naghihintay na mga kapatid mo, pasensya ka na rin sa Mama ko kung nakulit ka masyado-”

“It's okay, I enjoy talking to her rin naman,” saad nito kaya tumango tango nalang ako. “Ahm, totoo ba 'yong sinabi ni Tita na you have a-”

Pinutol ko ang susunod n'yang sasabihin dahil sa kahihiyan. “Ah, hindi po! Nakwento lang kita kay Mama siguro na misinterpreted ni mama,” depensa ko sa sarili.

Natawa naman ito sa'kin dahil siguro sa naging reaksyon ko. “Defective, hmm.”

“Ingat Sir! 'Wag ka sana madapa papasok ng bahay n'yo,” sabi ko sakanya ng pumasok na s'ya sa sasakyan n'ya.

Napailing nalang ako sa sarili ng makita ulit ang magandang ngiti ni Sir pagkaalis n'ya. Marunong s'yang ngumiti siguro wala lang rason para ngumiti.

I'm also thankful that my Mom give him the feeling na may pwede s'yang lapitan bilang isang Ina. Na pwede n'ya ding lapitan sa kung anong bagay.

'Di ko man narinig alam kong may mga bagay din s'yang nakuhang sabihin kay Mama.

May ugali si Mama na mahirap s'yang pakisamahan lalo na pag 'di n'ya gusto ang isang tao. Ipakikita n'ya din sa'yo na 'di ka n'ya gusto. Well, she will treat you okay but 'yong makikita mong reaksyon sa mukha n'ya iba.

Masayang kumain si Mama kaya naman 'di ko maiwasang mapangiti ng bahagya. Ngayon ko nalang s'ya ulit naging masigla, dala na rin siguro ng ilang gamot na iniinom n'ya ay naging matamlay at maputla na ang kulay ng mukha n'ya.

Maaga akong nagpahinga dahil may mga naiwan akong trabaho sa mesa ko. May mga papers din don na kailangan sa susunod na araw kaya dapat matapos ko na.

Maaga akong gumising para na rin maagang makapasok, nagluto na rin ako makakain ni Mama bago umalis ng bahay. Nag iwan din ako ng sulat saka tinabi malapit sa mga gamot n'ya para madaling makita.

“Hoy! Bruha, bumalik si Sir dito hinahanap ka,” bungad ni Ate Sarah sa'kin ng magkasabay kami papasok ng elevator.

Tumingin ako sakanya ng nagtataka kaya ngumisi ito sa'kin bago ako bangain ng bahagya sa braso. Kunot nong inalis ko sakanya ang paningin dahil 'di ko gusto ang pang aasar n'ya.

“Gusto mo-”

“Hindi!” Mabilis na sagot ko dito pero nagtaka ulit ako ng marinig ang malakas na tawa n'ya sa likod ko.

“Gusto mo kako ng carbonara, ito, oh,” natatawang sabi n'ya sabay abot sa'kin ng hawak n'yang paper bag.

“Bwesit ka!” Sigaw ko dito inismiran ko pa 'to bago tinalikuran at pumunta sa sariling mesa.

Sinimulan ka rin naman agad ang gawain dahil medyo busy din ang schedule n'ya ngayong araw. Sunod sunod ang meetings and may mga papers pa s'yang kailangan na mapermahan.

Umangat ang tingin ko kay Sir ng lumabas ito saka lumapit sa mesa ko. Tumayo naman ako, ngumiti ito sa'kin na agad ko naman sinuklian.

“May kailangan ka?” Kaswal na tanong ko sakanya, inaayos ko na ang mesa ko dahil may meeting pa s'yang dadaluhan at kailangan n'ya ng sekretarya.

“Nothing, let's go?” Tumango naman ako sakanya pinauna pa n'ya akong maglakad kaya naman nasa hulihan ko s'ya. “Anyway, cancel my meeting with Mr. Chua, I don't like the proposal.”

Nilingon ko Sir na ngayon ay bakas ang inis sa mukha bahagya n'ya ding minsahe ang sintido. 'Di ko nabasa ang proposal dahil siguro personal na inabot ito sakanya kaya 'di ko nabasa.

Nasa lobby na kami may ilang tao ang bumati sakanya na sinagot n'ya naman ng pagtango tango lang.

“Noted po, ano pa po Sir?”

“Did you eat breakfast?”

“Hindi pa po, okay lang naman ako Sir.”

Wala akong nagawa ng dumain kami ni Sir sa isang fastfood, nag drive thru nalang s'ya dahil may meeting pang pupuntahan. Tumigil din muna s'ya sa parking para makakain din.

Matapos naming kumain ay dumeritso na rin kami sa isang kompanya, dito daw sila magme-meeting. Sumunod lang ako kay Sir hanggang sa makaabot kami sa conference room din ng kompanya.

'Di na'ko nagulat ng makitang maraming tao na dito, sakto lang naman ang dating namin kaya okay lang. Naupos si Sir sa dulo kaya tumayo ako sa likod n'ya at inayos ang papel na pagsusulatan ng mahahalagang sasabihin.

“Hey, take a sit,” bulong nito sa'kin ng makitang nakatayo ako sa likod n'ya. Umiling naman ako at tinuro ang bagong dating na tao na don mauupo siguro.

“Miss, can I have an another chair for my secretary?”

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon