CHAPTER 40

13 2 0
                                    

Chapter 40

Nakasakay ako sa sasakyan ni Laurent may susunduin daw kami sa airport. Kinulit ko s'ya ng kinulit kung sino ang susundoin namin do'n pero tanging ngiti at tawa n'ya lang ang sinasagot sa'kin. Ito rin ata ang surprise na sinasabi n'ya ng magising ako.

“Sino ba kasi talaga, love?” For the nth time.

“Just wait, okay? I love you,” yan ang palagi n'yang sagot sa'kin pag pagod na s'yang tumawa o ngumiti. “We're here,” saad n'ya bago naunang bumaba pinagbuksan n'ya ako ng pinto at hinilahad ang kamay n'ya na agad ko namang kinuha.

Inayos ko ang dress kong hapit na hapit sa katawan ko ng bahagyang nalukot dahil sa mahabang byahe. Pumulupot naman agad ang braso ni Laurent sa bewang ko.

Nag lakad kami palapit sa mga taong naglalabasan galing sa loob ng airport nagtataka man ay sumunod ako kay Laurent.

Tumigil kami malapit sa bukana ng exit at nag antay ng ilang minuto hanggang sa may nakita akong apat na taong matagal ko ng hindi nakikita. Nilingon ko si Laurent na ngayon ay nakatingin sa'kin ng may ngiti sa labi.

“Ano 'to?” Naiiyak na tanong ko.

“Surprise?” Unsure na sagot n'ya kaya natawa ako.

“Oh my ghad! Ang laki na n'ya,” sabi ko ng makitang palapit na sila sa'min.

“Yeah,” natatawang sagot n'ya at hinaplos ang pisngi ko na ngayon ay basa na ng kaunting luha.

“Mama! Papa!” Masayang sigaw ni Rafa at mabilis na tumakbo palapit sa'kin at yumakap ng mahigpit. “I miss you much!” Bulong n'ya sa'kin habang nakayakap pa rin.

“Malaki na ang baby ni Mama,” sabi ko habang hinahalikan ang buhok n'ya. “I miss you more baby.”

“Hey!” Umangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Ethan. “Ikaw na ba 'yan ate Angela? Shit! Mas gumanda ka lalo,” nakangiting sabi n'ya at yumakap sa'kin ng humiwalay si Rafa at yumakap kay Laurent.

“Tse!” Hinampas ko pa ang braso n'ya saka yumakap pabalik.

“I miss you!” Sigaw ni Dave at yumakap di sa'kin.

“Pasalubong?” Bulong na tanong ko sa kan'ya kaya natawa s'ya.

“Nakakatampo ka!” Nagmamaktol na saad n'ya.

Humarap naman ako kay Cath na ngayon ay nakatingin lang sa'min.

“Hi?”

“Galit 'yan sa'yo,” bulong ng dalawang kapatid ni Laurent.

“Why?”

“You cheated on Kuya!” Sagot n'ya at inirapan ako. “But I know that you can do that to Kuya. Right?” Tumango naman ako sa kan'ya.

Dahan dahan s'yang naglakad palapit sa'kin at saka yumakap, yumakap ako pabalik ng marinig ko ang mahinang hikbi n'ya.

“I feel bad kasi nagalit ako sa'yo without knowing that na set up 'yong nangyari,” hinaplos ko ng bahagya ang likod n'ya at hinalikan ang tuktok ng buhok.

“It's okay,” sagot ko.

“No! It's not. I'm sorry,” natawa ako dahil hindi pa din nag babago ang ugali n'ya.

“Okay, hush,” humiwalay s'ya sa yakap ko at pinunasan ng patago ang.z luha.

“Let's eat!”

Pumunta kami sa pinaka malapit na resto, hindi na humiwalay sa'kin si Cath at Rafa sa magkabilang braso ko sila nakahawak, natatawa nalang ang tatlo sa'min dahil para daw kaming mag iina na iniwan ng ama.

Afraid of Falling Inlove✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon