Chapter 27
Dalawang araw nakalipas simula ng umuwi si Vince mabilis daw kasing natapos ang ang business trip nila kaya agad s'yang umuwi.
“So, mag kapatid talaga kayo?” Tanong n'ya sa'kin matapos kong ikwento saka n'ya ang nangyari no'ng wala s'ya.
“Oo,” sagot ko habang nasa pagkain pa rin ang tingin.
“Kaya pala nong unang kita ko sa'yo nong nasa lobby tayo may kaunting hawig ka kay Lea, teka 'di man lang nasabi sa'yo ni tita?” Takhang tanong n'ya inangat ko ang tingin saka n'ya at ngumiti.
“'Yon na nga ang nakakapagtaka bakit hindi nakuhang sabihin sa'kin ni Mama,” sagot ko at nag iwas ng tingin ng maramdamang tutulo na ang luha.
“You okay?” Nag-aalalang tanong ulit n'ya sa'kin pero sa ngayon umiling nalang ako at binalik ang tingin sa pagkain. “Nasaan si Lea?”
“May inaasikaso daw, bukas din siguro nakauwi na 'yon,” sagot ko at uminom sa tubig. “Si Ate Sarah.”
“S'ya din?” Gulat na tanong ni Vince, tumango naman ako sakanya bilang pag kumpirma.
“Gustong gusto na s'yang makausap-” naputol ang sasabihin ko nang may naririnig akong magsalita.
“Anong sasabihin n'yo sa'kin?” Nabitawan ko ang basong hawak ko sa sobrang pagka bigla parang biglang nag blackout ang utak ko at 'di ako makapag isip ng maayos pero sa huli naisipan kong pulutin ang basong nabasag.
“Stop, Angela!” Natigilan ako ng biglang isigaw ni Vince ang pangalan ko. “Shit! Your hand is bleeding,” natatarantang saad n'ya sabay kuha sa table napkin.
“Hey, you okay?” Nagising ang ulirat ko ng tapikin ako ng bahagya ni Vince sa balikat.
“Angela?” Nilingon ko ang nagtatakang mukha ni Ate Sarah, umiling naman ako at naglakad na papalayo sa lugar na 'yon.
Halos mag iilang minuto na din akong naglalakad 'di ko din nararamdaman ang pagod, inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng lugar kong saan ako napadpad.
Napangiti ako ng dumampi ang malamig na hangin sa balat ko, hindi ko alam na meron pa palang ganitong lugar dito. Hindi ko alam kong anong tawag dito pero ang daming puno at iilan lang ang tao, tahimik, maganda ang tanawin na naging dahilan kaya agad na humupa ang kaba at takot na nabuo sa dibdib ko.
Umupo ako sa ilalim ng puno 'di ko na din inintindi ang dumi at basta nalang umupo.
Magagalit kaya sa'kin/sa'min si Ate Sarah pag nalaman n'ya na kapatid n'ya kami?
Magiging gano'n pa rin ba kami gaya nahg dati?
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa isiping 'yon kung hindi lang ako kinalabit ng batang maliit.
“Ate, are you okay?” Nag-aalalang tanong n'ya kaya naman naramdaman ko na parang may bumara sa lalamunan ko.
I cleared my throat and smile at him. “Oo naman,” nakangiting sagot ko pero hinawakan n'ya lang ako pisngi ko at maingat na pinunasan ang luha ko.
“Then, why are crying again?” Naiiyak na din n'yang tanong kaya nataranta ako.
“Okay, hindi na'ko iiyak,” sabi ko at maingat s'yang binuhat. “Nasaan ang mommy't daddy mo?” Tanong ko saka n'ya at nag simula ng mag lakad.
“Wala na'kong mommy si daddy naman iniwan na'ko,” sagot n'ya at yumakap sa'kin. “Ate, I don't have family na.”
Nakaramdam naman ako nang awa sa bata kaya yinakap ko ito nang mahigpit. Narinig ko nalang na umiiyak na ito.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling Inlove✓
Romance(Completed) Angela Salazar The strong independent woman who are afraid of falling inlove because of the truama. Are you ready to see what will Angela do when she found out that she's falling inlove? Is she going risk it? Or is he going to grab the o...