CHAPTER 32

1.9K 255 10
                                    

HINDI ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa natuklasan ko. Hanggang ngayon ay laman pa rin ’yon ng aking isip.

"Lady Katana, ipinasasabi po ni Princess Emaya na aalis na po kayo ngayon." Sabi ng tagapagsilbi. Tumango lang ako’t ito’y umalis na.

We're going to the town of Evergreen today to start looking for my twin. I just hope we can find her so that my questions can be answered. Masyado ng nag-uumapaw ang mga katanungan sa isipan ko kaya kailangan na mabawasan kahit papaano.

Everyone was waiting for me when I arrived outside the palace.

"Are you really okay, Katana? Kasi kung hindi, ayos lang na kami na muna ang mag-hanap sa kakambal mo." Umiling ako sa tinuran ni Em, lahat sila ay nababakasan ko ng pag-aalala sa ’kin.

"Don't worry about me; I'm fine." Tipid kong tugon sa kanila pero kahit gano’n na ang sinabi ko ay hindi pa rin nawala ang pag-aalala nila sa ’kin. Hinayaan ko na lang ’yon dahil wala naman akong magagawa para maalis ’yon sa kanila.

"Pinsan!" napatingin kami sa lalaking parating.

"Night!" tawag ni Em dito nang makalapit ito ay agad nitong niyakap si Em.

"Kailan ka pa dumating?" Nakangiting tanong nito kay Em.

"Kahapon lang. Ikaw? Saan ka galing? Hindi kita nakita kahapon ah." Napakamot naman ’yong Night bago sumagot. Seriously? Night talaga ang pangalan niya?

"Ah, may inasikaso kasi ako kahapon tungkol do’n sa mga nawawalang mamamayan ng Evergreen." Sagot nito na ikinagulat ni Em.

"Huh? Nawawala?" nagtatakang tanong nito, Night's eyes suddenly widened as if he shouldn't have said that.

"Ahh...ehh," napayuko ito.

"Night! Umamin ka nga sa ’kin. May dapat ba akong malaman?" medyo na shock ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong magalit ang guardian of the earth element. Si Em na palaging kalmado sa kanilang lahat.

"Hay! Mapapagalitan ako nito ng Hari’t Reyna," bumuntong-hininga ito bago sabihin ang nalalaman niya.

"No’ng isang linggo lang ’yon nangyari. Ilan sa ’ting mamamayan ng Evergreen ay nawawala, mapa-babae at lalaki man kaya wala ako kahapon ay dahil may nawala na naman. Isang bata pero natagpuan din naman siya agad na siya namang ipinagtataka namin dahil ang ibang nawawala ay hindi pa nakababalik pero ang bata ay bigla na lamang sumulpot at ang isa pang nakapagtataka ay ang kinikilos ng bata." Paliwanag nito. Lahat kami ay tahimik na nakikinig lang sa kaniya.

"Anong kinikilos ng bata?" tanong naman ni Scarlet.

"Parang naging matured siyang mag-isip saka...basta kakaiba na siya kumpara noon."

"Bakit hindi niyo ito ipinaalam sa akin, huh?!" taas kilay na tanong ni Em. Napayuko naman si Night pero agad ring nag-angat ng tingin.

"Pasensya na, ’yon kasi ang utos ni Auntie Maya pati na rin ng hari. Ayaw ka na nilang mabahala dahil gagawin naman namin ang lahat para malutas ito." Sabi nito. Kita ko namang kumalma na si Em.

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon