CHAPTER 40

1.8K 244 9
                                    

THE GUARDIANS, as well as the King and Queen of the Wateria Kingdom, were happily conversing when the palace began to shake. Napahawak ako sa katabi kong si Ash.

"Shit! What happened?" natatarantang sigaw ko. Maya-maya lang ang pagyanig na nagaganap ay biglang huminto.

"Mahal na Hari at Reyna! Ang ilan sa mga mahihiwagang bolang tubig ay nawala." Pagbibigay alam sa 'min ng isang kawal, pagkasabi n'on ng kawal ay sa likod nito ang apat na sirenang walang malay na buhat ng apat ring kawal.

"Ang mga tagapagbantay ng apat na mahiwagang bolang tubig, ano ang nangyari sa kanila?" gulat na tanong ng Reyna.

Hays! Ano ba kasi iyang mahiwagang bolang tubig na sinasabi nila?

"Ahm guys, ano ba iyong mahiwagang bolang tubig?" clueless kong tanong sa kanila kaya napatingin silang lahat sa 'kin.

Okay...ako ng walang alam!

"The magical ball of water is the one that protects where this palace stands, and without it, this palace will collapse, destroying the water balance in this river and even the mermaid o ang iba pang nilalang sa kailaliman ng ilog na ito ay mawawala sa kanilang mga sarili o 'di kaya'y mamamatay." Tumangu-tango naman ako sa mahabang paliwanag ni Em, napakarami talagang alam ng isang 'yon at hindi siya na-uubusan ng impormasiyon

"How many magical water balls are missing? And why is it missing? Who stole it?" nahihimigan ang galit ng Hari nang sabihin niya ang mga katagang 'yon.

"Tatlong mahihiwagang bolang tubig ang nawawala, kamahalan. At ayon sa mga tagapagbantay ay bigla na lamang mayro'ng nilalang na sobrang bilis lumangoy at tila anino lamang ang anyo ang umatake sa kanila't kinuha ang mahihiwagang bolang tubig." Nakayukong sabi nito, napa-isip naman ako. Ano kayang klaseng nilalang iyon?

"Ihatid niyo na sa silid pagamutan ang mga tagapagbantay." Pagkasabi n'on nang Reyna ay umalis na ang mga kawal.

"Ano ba naman 'yan! Ihh! Kakarating pa lang natin dito tapos problema agad ang nangyayari!" kumakamot sa ulong wika ni Aw.

"H'wag kayong mag-alala, kami na ang bahala sa problema na ito. Mag-tungo na kayo sa inyong mga magiging silid upang makapagpahinga na kayo." Sabi sa amin ng Reyna at Hari ngunit walang ni isa man sa amin ang kumilos para umalis at nanatili kaming nakatayo sa harapan ng Hari't Reyna.

"Do you think we can sleep well knowing there is a problem in this Kingdom, Dad, Mom?" tanong naman ni Almond. Tumango naman ako dahil tama siya, hindi ko rin magagawang maging kampante habang ang iba ay namo-mroblema at isa pa, it's critical to locate those mysterious water balls because Em stated earlier that this palace could collapse at any time, so we're not going to flake on it any longer.

I was about to say something, but Ash and I were in the same room at the same time, so we looked at each other, and this annoying heart was beating too fast again. Aish! Ano ba iyan? Bakit naman nakikisabay ang sintomas ng siguro'y sakit ko sa puso? Hmm...meron nga ba? Pero kasi 'yon lang naman ang sa tingin kong dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko.

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon