CHAPTER 72

1.2K 204 4
                                    

Sa halip na sagutin ako ay nag lakad si Shaye patungo sa kamang hinihigaan ni Em, nag taka ako.

"Pa’no mo ba talaga ako matutulungan?" tumingin siya kay Em nang makalapit na siya, saka siya humarap sa ’kin at pinalapit ako.

Walang pagdadalawang isip naman akong lumapit ngunit gano’n na lang ang panglalaki ng mga mata ko dahil hinawakan niya ang kaliwang kamay ko’t hindi nag-atubling hinilis ang palad ko.

"Aray! B-bakit?" nakaramdam ako ng kaunting kirot, hindi siya sumagot sa halip ay tinaas niya ang palad ko ’tsaka itinapat sa labi ni Em. Ni hindi ko nga alam kung saan nag mula ang punyal na ginamit niya.

Napanganga ako at hindi makapaniwalang nagsalitan ng tingin sa kaniya at kay Em.

"Ano ’to? What the f*ck are you doing Shaye?!" hindi pa rin siya sumagot, masyado siyang abala sa ginagawa niya. She opened Emaya's lips with her left hand, and I almost vomited when my blood finally entered Em's mouth.

The hell! Ano bang katarantaduhan ang ginagawa niya?

I was about to say something when she let go of my hand; I quickly covered it in the clothes I was wearing because I was worried about running out of blood.

"H’wag kang mag-alala, ’di mo ikamamatay iyan." Umirap ako sa kawalan matapos niyang sabihin iyon. Yeah! I know hindi ko ikamamatay pero ang weird lang ng ginagawa niya.

"Alam ko pero sino ba namang matinong tao ang gagawa ng ganiyang bagay?" taas kilay siyang tumingin sa ’kin.

"I'm not human," napangiwi naman ako. Oo nga pala, hindi siya tao pero kahit na ’no masyadong nakakadiri ang ipainom ang dugo ko kay Em. Hayss pero kung ’yon ang paraan para mabuhay si Emaya, okay fine, hahayaan ko siya.

"Go there, and make a circle there with your blood." Nag-bukas sara ang labi ko sa sinabi niya.

"What? Are you crazy?!" tumawa siya kaya naningkit ang mga mata ko.

"Pinaglalaruan mo ba ’ko?" Umiling siya’t ngumisi sa ’kin.

"Gusto mong bawiin ang buhay ng kaibigan mo, right?" sumeryoso ang mukha ko.

I raised my bleeding palm and circled it as she instructed. "Hindi naman kaya maubusan ako ng dugo nito?" bulong ko sa sarili habang ginagawa ang sinabi niya.

After that, I collapsed to my knees due to a sudden loss of strength, my knees were squishy, and I felt something in my gut.

"A-ano ’tong nararamdaman ko?" nag-angat ako ng tingin kay Shale at nakitang nakatitig lang siya sa ’kin na tila may hinihintay siya na kung ano.

The blood all around me started to catch fire as I cautiously stood up with the intention of approaching her. Another thing I wonder about is this. Why does my blood burn?

Napatingin ako sa Reyna dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin ito saka muling ibinaling ko ang tingin kay Shaye. "Tyera se, tyera se." Aniya kaya naningkit ang mga mata ko, habang paulit-ulit niyang binibigkas ang mga katagang iyon ay nagliliwanag ang circle na ginawa ko.

Despite the fact that I couldn't understand what she was saying, I just cried out loud due to a pain in my heart.

"Ahh! A-ano ba ito?!" humakbang palapit si Shaye at tumapat sa akin.

She appeared to be dancing as she waved her hands. At nakukuha niya pa talagang sumayaw?

I shouted once more, and as I let out my last scream, Shaye moved away before suddenly putting both of her palms on my body and emitted a white light.

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon