Austencia Farres
"WHAT DID YOU DO TO HER!" dumagundong ang malakas at baritonong tinig na 'yon ni Lohr kasabay din n'on ay lumakas ang hangin at tila lumamig ang kapaligiran.
"So, this is how the Prince of the Icy Kingdom expresses his rage." Tumatawang wika ni Akasiya saka bigla na lang itong nag seryoso at kinumpas nito ang kamay sa hangin pagkatapos niya 'yong gawin ay may nakita kaming pangyayari.
"No..." napaluhod si Em ng dahil sa nakita namin. Kahit ako'y nakaramdam nang panghihina dahil kitang-kita namin kung paano sinaksak ni Akasiya si Katana mula sa likuran.
"You will pay for what you did to her!" galit na galit si Lohr pero mas lalo lang lumawak ang pagkakangisi ni Akasiya.
"Hindi niyo ako kaya, mga hangal!" pagkasigaw n'on ni Akasiya ay biglang nagsilabasan ang mga alagad niya.
Oh my! Ang lalaki nila!
Iyon 'yong sinasabi ni Em na pinakamalakas na beast dito sa buong Santuaria! Hala! We're doomed!
"Hindi ka namin uurungan Akasiya!" pagkasigaw n'on ni Scarlet ay bigla nang sumugod 'yong mga beast. Nag-handa na rin ako upang makipaglaban.
Isang malaking ugat na kurteng tao ang nakaharap ko. Umatake ito sa 'kin kaya umilag-ilag lamang ako, nang matapos itong umatake ay gumawa ako ng lighting Spear at sumugod sa Beast Veins. Itinarak ko rito ang Lighting Spear at tinamaan naman ito sa leeg kaya bumagsak agad 'to. Hooo! Easy!
Tumingin ako sa iba at nakita kong medyo nahihirapan sila. Ahm okay siguro, masiyado lang mahina 'yong nakatapat ko. Hihi!
"Ilag, Em!" sigaw ko nang hahampasin ng malaking kamao ng Golem si Em. Umilag naman ito saka nag palabas ng mga thorns pero hindi man lamang naapektuhan ang Golem. Masiyadong matigas ang katawan nito dahil gawa ito sa bato. Sunod namang ginawa ni Em ay hinahawakan niya 'yong lupa at namangha naman ako nang lamunin ng lupa ang Golem. Wow astig! Hihihi!
Sunod ko namang tiningnan ay si Scarlet. Kaharap niya ngayon ang napakalaking Beast Plants. Isang halamang hugis bulaklak na mayro'ng matatalim na ngipin at kapag nadikit sa 'yo ang ngipin nito ay maari kang malason kaya naman mahirap din itong kalabanin at kailangan maging maingat.
Nag palabas ng fire ball si Scar at inatake ang Beast Plants pero laking gulat ko nang bumalik kay Scar ang apoy.
Oh? Paano nangyari 'yon?
Umatake ng mga kulay berde na maliliit na tila parang karayom 'yong Beast Plants kaya umilag naman si Scar pero namali siya ng ilag kaya tinamaan si Scar. Parang nalapnos ang balat ni Scarlet sa tumama sa kaniya.
"Scar! Iwasan mo ang mga atake niya dahil may asido ang mga iyan!" sigaw ni Em na hindi ko napansing may kalaban na namang Golem. Oh? Madami sila? Hala!
"Damn it! You! Ugly Plants! How dare you to sira may magandang skin!" inis na sabi ni Scar. Halaaa maganda raw? Saan naman banda? Hihi joke lang po!
So 'yun na nga, nag palabas ng espada si Scar tapos umiilag-ilag pa rin siya kasi umaatake pa rin ang beast plant. Gumawa ng shield si Scar saka mabilisan siyang tumakbo sa Beast at tumalon saka gigil na pinugutan ng ulo 'yong Beast Plant. Owww! Grabe pugot na pugot 'yong ulo n'ong beast. Buti nga sa kaniya! Ang chaka!
Napatingin naman ako kay Alvinno nang tumalsik ito ng medyo malapit sa 'kin. Hala! My lalabs!
Agad namang bumangon si Alvinno saka tumakbo at sumugod do'n sa kalaban niyang...Dahon? Eh?Winagayway ni Alvinno 'yong Axe niyang sandata kaya nagkahiwalay 'yong katawan ng Beast Leaf pero maya-maya ay bumalik din ito't nabuo. Lumipad si Alvinno nang umatake ito ng kulay itim na mga matatalim na dahon. Yes po, nakakalipad si Alvinno kasi Wind ang element niya.
Kyaa~ ang cute niya! Tapos hinahangin pa 'yong buhok niya! Kyaa!
Nabalik lang ako sa katinuan nang may dumikit sa likuran ko. Akala ko'y kalaban, nakahinga ako nang maluwag ng malamang si Em lang pala 'yon.
"Aw! Mag focus ka nga. Nasa laban tayo baka nakakalimutan mo?" hinihingal na sabi ni Em. Narealize ko lang na nasa loob kami ng shield na ginawa ni Em dahil muntik na pala akong masaksak nang katulad n'ong nakalaban ko kanina. Napayuko ako dahil do'n.
"Sorry," nakangusong wika ko. Bumuntong-hininga naman si Em saka ngumiti.
"It's okay, be careful next time." Paalala niya. Tumangu-tango naman ako kaya umalis na siya't ipinagpatuloy ang pakikipaglaban sa iba.
Pumikit ako at nang mag-mulat ng mga mata ay buong tapang akong sumugod sa mga kalaban. Lumusot ako ro'n sa magkabilaang binti ng isang Beast Vein at tumalon ako saka siya sinipa at itinarak ko 'yong Lighting Spear ko sa ulo nito kaya bumagsak ito. Na agaw naman ng atensyon ko ang tatamang kunai sa likod ni Almond kaya nagpalabas ako ng lighting balls kaya rito ito tumama. Humarap naman sa 'kin si Almond at nag-thumbs up.
Hihi mabuti na lang naging mabilis ako dahil kung hindi baka nasaksak na n'on si Almond.
Napatingin naman ako kay Lohr at napanganga nang lahat ng nakakaharap o lumalapit sa kaniya na kalaban ay nagiging yelo. Oh! Mukhang galit na galit si Lohr huhu.Napayuko ako nang maramdaman kong may tatama sa ulo ko na matalim na ugat. Galit kong hinarap 'yong chakang beast.
"Hoy! Kala mo a." Taas kilay kong sabi saka iwinasiwas ko 'yong lighting spear ko pero ang pangit, sinasalag lang ang bawat atake ko. Aba mukhang malakas ang isang ito a!
Sinipa ko siya kaya napa-atras ito. Kinuha ko namang pagkakataon 'yon kaya tumalon ako saka ko isinaksak sa kaniya ang lighting spear ng dalawang beses. Matapos n'on ay umalis na ako't nag tungo sa mga kasama ko na kasalukuyan ng tapos makipaglaban.
"Paano ba iyan Akasiya, mahihina naman yata ang mga alagad mo." May pagmamayabang sa tinig ni Almond nang sabihin niya 'yon.
"H'wag na muna kayong mag diwang sapagkat patikim pa lang iyon, hindi pa iyon ang tunay na laban. Mag-uumpisa pa lang!" sigaw nito. Pagkasabi niya n'on ay bigla niyang ikinumpas ang kaliwang kamay niya at biglang lumabas ang pinakamalalakas na halimaw dito sa buong Santuaria. Sa mga k'wento o sa libro ko lang nalaman ang tungkol sa mga ito. Ngayon pa lamang ako nakakita ng ganitong halimaw.
"Lohr, mukhang hindi na natin kakayaning kalabanin sila. Nanghihina na kami dahil sa walang pahingang paghahanap natin kay Katana." Sabi ni Almond. Oo nga! Inaantok na nga 'ko eh!
"Ano'ng gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Scarlet. Habang abala kami sa pag-uusap hindi namin napansin ang mga wolf na papalapit sa 'min. Napansin lang namin ang mga ito nang umungol sila.
"Sinong..." Gulat na gulat kami nang makitang tinamaan ang lahat ng wolf ng mga palaso. Nagkatinginan kaming lahat dahil do'n.
"Oha you gozai masu!" tila nag-e-echoe ang pamilyar na tinig na 'yon. Gulat na gulat kami ngunit napakunot-noo naman kami nang mapansing kakaiba ang lengguahe na sinabi nito. Eh? Anong language ba iyon? Pang alien?
"K-katana?" sabay-sabay naming turan nang makabawi mula sa gulat.
***
Author's Note;Watsup mga bravest!
Maypa Japanese ang ating bida ah!Shout out nga pala sayo Mayumi Pedroches Arrivado! I really like your name uhuh!
Do votes if you like this Chapter.Comment also if you have suggestions in my story teenkyuuu!(^_−)☆
BINABASA MO ANG
Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)
Fantasy(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she felt a lack of something uneasy within her. However, on her 18th birthday, she was greeted by an unex...