NAGLALAKAD ako papunta sa training room dahil sa huli kong klase, ’yon ay ang Physical Combat.
It's now afternoon, and my first class is History. Our class starts at 8 a.m., and we have two hours for lunch, sa second ay ang Power Controlling kung saan itinuturo ang tamang pag gamit ng iyong elemento. Our Power Controlling class begins at 1pm and lasts two hours, whereas Physical Combat class lasts three hours and only three class per week. Pag weekend naman ay pinapayagang lumabas ang lahat sa HSA upang dalawin ang mga pamilya.
Nang makarating naman ako sa Training Room ay nando’n na ang lahat ngunit wala pa ang Maestro.
"Sa’n ka galing, Katana?" tanong sa ‘kin ni?...nerd na nga lang mas madali pa.
"D’yan lang," tipid kong sagot sa kaniya, medyo nasasanay na siya sa ugali ko dahil hindi naman siya nagrereklamo. Itong nerd na ’to walang ibang kaibigan dahil isa nga siyang nerd, sabi niya ay ako ang kauna-unahan kahit hindi naman ako sumang-ayon sa sinabi niya. Bahala siya sa buhay niya!
"Alam mo ba na ang magtuturo sa ’tin sa Physical Combat ay ang mga Guardians?" E
excited niyang tanong sa ’kin, kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya."Hindi ko alam, wala nga ako kahapon ’di ba?" T
taas-kilay kong sagot sa kaniya, napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko. Totoo naman wala naman talaga akong alam. Paano ko naman malalaman eh wala naman ako kahapon!"Ih! Ang pilosopo mo naman, Katana!" hiyaw niya kaya napatakip ako ng dalawa kong tainga. Lintik na bunganga naman niya ’yan oh!
"Pilosopa dahil babae ako." Pagtatama ko sa kaniya, hindi na lamang ito nag salita at minabuting tumahimik na lamang, mabuti pa nga para magkaroon ako ng peace of mind.
I decided to go to the very end, where I was the only one, and then I sat down and closed my eyes, matutulog na muna ako total nakakatulog naman talaga ako kahit nakaupo o kahit nakatayo pa.
•••
"MISS KATANA LUNA SILVYRIA!" na imulat ko ang mga mata ko nang bigla may sumigaw ng pangalan ko at napag-alaman kong tinatawag ako ng Maestro. Lahat ng estudyante ay nakatingin na sa ’kin, pati na rin ang mga Guardians na narito na rin pala. Matalim ang titig na binigay ko sa Maestro na tumawag sa ’kin, kumunot naman ang noo nito dahil sa tingin na ipinupukol ko sa kaniya.
Tumayo ako’t nag lakad, bawat hakbang ng mga paa ko ay mababakas ang riin.
"Miss Silvyria, I've been calling you for a long time; why don't you come here? During my class, you prioritize your sleep!" pasigaw nitong sabi. Pinag-taasan ko ito ng kilay. Aba! Siya ’tong late kung dumating at kung kailan nakaramdam ako ng antok saka darating.
Ginambala niya ang aking pag tulog. Lintik! Ayaw na ayaw ko ay 'yong na-u-udlot ang aking pag tulog!
"You don't have permission to interfere with my sleep." Malamig pa sa yelong wika ko na mahihimigan ng matinding pag-kainis. Napasinghap naman ang mga estudyanteng naroon liban sa Maestro at sa mga Guardians.
"Aba’t hindi ko gusto ang tabas ng iyong dila, Miss Silvyria!" galit na turan ng Maestro. Ngumisi ako na siyang ikinagulat niya at ang mas lalong nag pag gulat sa kaniya ay ang sumunod kung sinabi at ginawa.
BINABASA MO ANG
Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)
Fantasy(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she felt a lack of something uneasy within her. However, on her 18th birthday, she was greeted by an unex...