CHAPTER TWENTY THREE

2.3K 261 11
                                    

Katana Luna Silvyria

NANG imulat ko ang mga mata ko ay nag taka ako dahil nandito na naman ako sa lugar na ito, sa lugar na parang paraiso dahil sa mga nag-liliparang alitaptap at napakakulay na palagid.

"Where am I?" kunot-noong bulong ko sa 'king sarili. Ito rin 'yong lugar na nasa panaginip ko, kung saan nakita ko 'yong babaeng tila d'yosa dahil sa kagandahang tinataglay niya.

"Nice to see you again, Katana." Bigla'y nakarinig ako ng boses kaya napalingon ako sa pinagmulan n'on at nakita ko nga ang babaeng 'yon.

"How did I end up here? Ash, as far as I know, was with me when the white light absorbed me? That's right, I got sucked in." Naguguluhang sabi ko, lumapit naman siya sa 'kin 'tsaka hinaplos ang kanang pisngi ko na naging dahilan para mangunot ang noo ko.

"Always go with your gut instinct. Don't let evil win in your heart because it could spell the end of everything." Makahulugan niyang sabi, nagtatakang tumitig ako sa kaniya.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" matamis ang mga ngiting binigay niya sa akin. Halos matulala ako sa kagandahang taglay n'ya

"Maiintindihan mo rin ang lahat sa tamang panahon." Tanging tugon niya saka tumalikod sa 'kin at nag-umpisa nang mag lakad sa kung saan.

"Teka! Bakit 'di mo na ngayon sabihin? Bakit 'di mo na ngayon ipaintindi? Bakit sa tamang panahon pa?" inis kong tanong sa kaniya, tumigil naman siya sa pag-hakbang saka humarap sa 'kin ng may matatamis na namang ngiti sa labi.

"Dahil ang lahat ay may tamang panahon." Iyon lang at tumalikod na siya.

"Sandali!" When I realized I was disappearing again, I screamed.

"Ahh!" hinihingal akong bumangon 'tsaka bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ng tatlong babae.

"KATANA!" sabay-sabay nilang sigaw, napatakip naman ako ng tainga dahil do'n.

"Ano ba! Ang iingay niyo." Nagulat na lang ako nang bigla nila akong yakapin.

"Akala namin patay ka na." Bigla'y umiiyak na wika ni Aw habang naka-yakap pa rin.

"Oo nga, at hindi ka humihinga kanina." Sabi naman ni Em.

"Patay? Hindi humihinga?" naguguluhan kong tanong sa kanila nang humiwalay sila sa pagkayayakap sa 'kin.

"We were suddenly swallowed by something, then we lost consciousness, and we just woke up in this horrible jungle, then we saw you and were going to wake you up, but you weren't breathing, so we assumed you were dead... Katana, we were scared!" Scarlet said.

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon