CHAPTER FORTY NINE

1.6K 229 28
                                    

AGAD akong bumangon sa hinihigaan ko nang magising ako at maalala ang nangyari sa Dark Forest.

When I realized I was in the room where I was staying in the Wateria Kingdom, I frowned.


"Katana!" napatingin ako sa pinto nang bigla ’yong bumukas at pumasok ang mga Guardians pati na rin ang pinsan ni Em.

"Almond?" ngumiti siya sa ’kin ng malawak.

"Gumaling na siya mula sa healing potion na ibinigay ni Tandang Elyas." Pagbibigay alam ni Em nang mapansin ang pagtatanong sa mukha ko.

"’Yong babae..." Parang wala sa sariling usal ko.

"Babae?" they all asked, except Ash, who just stared at me, and when our gazes met, I was right in front of him, without blinking, and without a second thought, I kicked him in the middle part of his body. While holding his thing, he screamed loudly. 

"Ah...Eh Katana," napatingin ako sa kanilang lahat ng mag-salita si Aw.
Nakita kong nag bukas-sara ang labi nila dahil sa nasaksihang ginawa ko kay Ash.

"F*ck! Damn!” ngumisi ako, you! Why did you do that?!" tanong ni Ash sa ’kin habang patuloy pa rin sa pag daing.

Well, masakit naman talaga ’yon.

"At nakuha mo pang mag tanong pagkatapos ng nangyari sa tin!" nakarinig ako ng mga singhap sa likod ko kaya tumingin ako ulit sa mga kasama ko.
"What?" kunot-noo kong tanong sa kanila.

"M-may n-nangyari sa inyo?" na-uutal na tanong sa ’kin ni Almond at nakatingin naman sa ’kin si Alvinno na hindi makapaniwala.

"No! No! That's not what I mean, ang ibig kong sabihin ay iyong nangyari sa Dark Forest, iyong ginawa niyang pag-hampas sa batok ko." As I finished my sentence, I looked at Ash, whose face still couldn't be painted because of the pain of what I had done.

Ganti ko ’yon sa ginawa niyang pag hampas sa batok ko!

"Ano nga ba ang nangyari? Bakit ka hinampas ni Lohr sa batok?" tanong ni Scarlet at dahil do’n ay natigilan ako, naalala ko ang babae.

Sino siya? Bakit gano’n ang nararamdaman ko sa kaniya?

"Yuho! Katanagirl!" napakumurap-kurap ako dahil sa naging sigaw ni Aw o kung matatawag bang sigaw ’yon dahil palagi naman parang pasigaw kung mag salita ang babaeng ’yon.

"Nothing," simpleng tugon ko lang sa kanila kaya tumango sila, siguro ay naramdaman nilang wala akong balak mag paliwanag.

"We need to leave, and fix your things now that you're awake because we're going to the Lighty Kingdom." Biglang turan ni Ash sa malamig na paraan, tumango naman sila’t lumabas na ng k’warto ko. Ako naman ay tumaas ang isang kilay ng ma-iwan si Ash.

"Bakit nandito ka pa?" lumapit ito sa ’kin dahilan para mamilog ang mga mata ko kaya napaatras ako.

Don't tell me hahalikan niya ’ko?

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon