CHAPTER EIGHTY FOUR

1.1K 199 32
                                    

Ikatlong Persona

MATAPOS ng mga nalaman ng dalagang si Katana ay agad din siyang umalis sa bahay ng magkapatid at tinungo ang palasyo para sabihan ang kaniyang mga kasama.

Her heart was pounding so hard while rushing to the palace that she didn't know where the appropriate direction of the palace was, but her feet seemed to have a life of their own since they were moving on their own. Ang nasa isip lang niya ng mga oras na iyon ay ang kalagayan ng tatlong taong mahalaga sa kaniyang buhay at kung maaari ay ayaw niyang mag-isip ng mga negatibong mangyayari dahil alam niyang wala iyong magandang maidudulot sa kaniya ngunit hindi niya maiwasan.

She felt heavy as they passed through the Firero Kingdom earlier; the entire Kingdom seemed to be wrapped in dark energy.

Napapadyak sa inis si Katana nang makitang mula sa kinaroroonan niya hanggang sa palasyo ay tila ba imposibleng marating niya iyon ng mabilis dahil sa sobrang layo. Kahit malayo ay nagawa niyang makita ang kinaroroonan ng palasyo dahil na rin sa malinaw niyang paningin.

"Shit! Ano ng gagawin ko? Kahit tumakbo ako nang mabilis ay hindi pa rin ako agad makakarating sa palasyong iyon!" na iiling-iling niyang bulong habang patuloy pa rin sa pag takbo.

"Nothing, I'll go ahead. I show up when danger comes."

Bigla siyang napahinto sa pagtakbo ng maalala niya ang sinabi ni Shaye.

Tama! Shaye can teleport! But the question is how can I see her—

"Need me?" hindi pa man niya natatapos sabihin ang sinasabi niya sa isip nang bigla na lang sumulpot sa harapan niya si Shaye kaya bahagya siyang napa-atras dahil sobrang lapit nito.

"How did you know I needed you?" nakataas ang isang kilay na tanong niya, namaywang naman ito’t umirap sa kawalan kaya nagsalubong ang kilay niya.

Aba! Ang maldita rin ng isang ’to ah!

"Is that still important? I thought you were rushing to the palace?" kahit naguguluhan ay tumango na lang siya kaya hinawakan ni Shaye ang kamay ng dalaga at sa isang iglap ay naro’n na agad sila sa loob ng palasyo. The unexpected presence of Katana and Shaye in the main hall confused the King and Queen of Firero Kingdom. The Guardians instantly sprang up and both glared at Katana and Shaye.

"Katana?" sabay-sabay na turan ng lima, agad na lumapit ang dalaga sa mga kasama niya.

"Sina Hazel at Abrasya! Kinuha sila ng mga bandido!" lalong napa-kunot ang noo ng anim sa sinabi ng dalaga.

"Sino si Hazel at Abrasya? Teka nga, huminahon ka muna." Mahinang tinapik-tapik ni Emaya ang likod ni Katana, pumikit si Katana at nang mag mulat ng mga mata ay humugot ito ng malalim na hininga saka pinakawalan.

"Abrasya and Hazel, they are the people I consider my family," tumango-tango ang apat liban sa binatang si Ashlohr. "Kinuha sila ng mga bandido, around 8 am. Kailangan natin silang iligtas ngayon din mismo dahil baka hindi na natin sila maabutan!" halos hingalin ang dalaga sa sobrang bilis nitong mag salita.

"Isn't it like you're rushing too much?" napatingin ang lahat nang biglang nag salita ang Hari. Nasalubong ni Katana ang seryoso nitong ekspresyon ng mukha.

"Dad, they are in danger." Parang humihingi ng permiso na tugon ng dalagang si Scarlet sa kaniyang amang Hari.

Hindi natinag ang ekspresyon ng Hari.
"You are too impulsive and do not consider all options, hindi kayo p’wedeng sumugod na lang ng basta-basta na walang magandang plano. Sa nakikita ko maaring trap ito, bukas natin planuhin ang lahat—" Hindi na ituloy ng Hari ang sasabihin nang biglang nagsalita si Katana na ikinagulat ng lahat.

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon