NAGKAROON ako ng malay nang marinig ko ang ingay sa paligid.
“Why didn't you wake us up? Nagulat na lang ako nang magising ako dahil sinabi ng tapagsilbi na may nangyaring masama kay Katana.” Nahihimigan ng pag-aalala sa tinig ni Scarlet nang sabihin niya iyon. Ngayon ay nakapikit pa rin ako at mas piniling magpanggap na lang na tulog sa harapan nila at hintayin ang kanilang pag-alis.
“Ayaw kong gambalain ang inyong pag tulog kaya minabuti ko na lamang na ’wag na kayong gisingin pa.” Tugon naman ni Night. Narinig ko ang mabibigat na pag buntonghininga nilang lahat.
“Is it true that Katana's heart stopped beating?” tanong ni Almond, matagal bago sumagot si Night kaya nag-taka ako.
“Yes, I thought she would be gone forever, hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko nang mga oras na ’yon fortunately she was safe on the brink of death.” Tila nakahinga ng maluwag niyang sabi. Ako man ay nagtataka kung paano ako nakaligtas, dapat matapos ng naramdaman ko kagabi ay tuluyan nang huminto ang puso ko pero nabuhay pa rin ako.
Is it because of my dark side?
“Ano ba kasing nangyari? Bakit pati si Lorh ay nawalan din ng malay?” bahagyang kumunot ang noo ko sa narinig. Pati si Ash? Kumusta siya? Maayos ba ang kalagayan niya?
Parang gusto ko namang pagalitan ang sarili ko. Is his safety still my worry, after everything that has happened? Of course, I love him, but he hurt me...
“Dahil ba ’to sa ginintuang mansanas?” natahimik sila sa naging tanong ni Emaya. Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala na akong naririnig na kahit na anong ingay mula sa kanila kaya naman dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at na igulong lamang ito nang makitang lahat sila ay nakatingin sa ’kin at tila inaabangan ang pag mulat ko.
“We know you are awake, hindi mo kailangan mag kunwaring tulog, Katanagirl.” Naningkit ang mga mata ko dahil ang seryoso ni Aw.
“I know you have many questions, pero pwede bang hayaan niyo na muna akong mapag-isa kahit ngayon lang?” taimtim ko silang tiningnan, At the same time, their shoulders fell and they motioned to exit the room where I was. Napatingin naman ako kay Night dahil hindi pa siya umaalis kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Seryoso siyang nakatingin sa ’kin.
“Pati ikaw, umalis ka. I really want to be alone.” Ngumiti siya kaya kumunot ang noo ko.“Fine. If you need help or someone to talk to, please let me know.” hindi naalis ang magandang ngiti sa labi niya at naiirita ako ro’n kaya naman tumango na lang ako. He then left the room, leaving me alone, which was just what I needed at the time.
The silence in the room made me tired, causing me to fall asleep, but when I opened my eyes, I grimaced as I realized I was in another dimension.
“Anong ginagawa ko rito? Teka! Nasa k’warto lang ako ah...” Nabitin sa hangin ang sasabihin ko nang makita ang mga bandido na pabalik-balik sa kung saan.
Nanliit ang mga mata ko’t kumuyom ang mga palad nang makita ang isang babae na kinakaladkad ng mga bandido, limang bandido ang nakahawak dito bagay na ipinagtataka ko. Maraming sugat ang babae at tila hinang-hina na ito, punong-puno rin ng putik ang mga balat niya. Bagama’t hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa liwanag na hindi ko malaman kung paano at bakit gano’n ppero isa lang ang nasisiguro ko.
BINABASA MO ANG
Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)
Fantasy(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she felt a lack of something uneasy within her. However, on her 18th birthday, she was greeted by an unex...