IT'S been a week since Hazel and Abrasya died at hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala nila. Mukhang kahit kailan ay hindi ko ’yon matatanggap lalo na ni wala man lang kahit na anong bakas nila ang na iwan, biglaan ang pagkamatay nila na para bang hindi sila nag-exist sa mundong ito pero kahit na gano’n hinding-hindi ko sila makakalimutin. Wala mang bangkay na na iwan pero ang mga ala-ala nila kailanma’y hindi mawawala sa ’king puso’t isipan.
"Katana!" Napalingon ako sa tumawag sa ’kin, ’yon ay walang iba kun'di si Lincy.
She joyfully runs to me. I giggled because I instantly remembered the first time we met.
"Katana! Grabe naman! Isang linggo na kitang hinihintay na lumabas, mabuti naman na isipan mo nang lumabas ngayon." Napatango ako. Yes, I didn't leave my room for a week. I didn't even eat; I'm not sure how I managed to stay alive in my dorm room for a week. I know my dormmates, especially Solis, are concerned about me, but at the time, I didn't care; all I could think about was the pain I was in, and I felt terrible about it.
"I'm sorry for bothering you." Yumuko ako, naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko inisip ’yong nararamdaman nila, masyado akong nagpadala sa sakit na nararamdaman ko.
Hindi pa rin sana ako lalabas ngayon pero habang natutulog ako kagabi paulit-ulit kong naaalala ang mga ngiti ng magkapatid bago sila mag laho, sa ngiting ’yon parang sinasabi nilang dapat kayanin ko. Kaya naman kahit masakit pa rin hanggang ngayon, bumangon ako at patuloy na babangon.
"Ano ka ba? ’wag mo kaming isipin, oo natural na mag-alala kami sa ’yo pero na-iintidihan namin ang nararamdaman mo." Ngumiti siya kaya napatitig ako sa kaniya. Bigla kong naalala ’yong mga panahong kasama ko ang magkapatid dahil ganitong-ganito ’yong naramdaman ko noon.
"Ate Katana maganda ba sa mundo niyo?" tanong ni Abrasya.
"Oo naman sobrang ganda, kapag maayos na ang lahat pwede ko kayong dalhin do’n." Napatili naman siya sa sinabi ko, kumikinang-kinang sa tuwa ang mga mata nito.
"Talaga, Ate Katana? Kyaaa~ gusto ko ro’n!" napangiti ako ng malapad.
"Oo Pwede kayong manirahan do’n."
"Katana?"
"Huh?" nabalik ako sa reyalidad nang biglang nag-salita si Lincy, umiling-iling ako’t hinamas ang noo.
"Are you sure, you're okay?" kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata niya kaya agad akong tumango.
I also remembered that she was the first Santuarian I became friends with in this academy, even though I had previously stated that she was not my friend. Bigla naman akong kinabahan dahil baka mawala rin siya sa ’kin.
Bigla ko siyang niyakap. "Lincy! Natatakot ako, natatakot akong pati ikaw ay mawala sa ’kin, hindi ko kakayanin kung sakaling pati ikaw ay mawala." Umiiyak kong sabi, narinig ko naman ang pagsinghap niya. Hinarap ko siya at nakitang umiiyak na rin siya.
"Katana," bahagya akong natigilan dahil sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ko.
"Katana, I'm so s-sorry..." Niyakap niya ako. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, lalong-lalo na sa takot at pagsisisi na nakikita ko sa mga mata niya. Kakaiba ang nararamdaman ko sa mga oras na ’to.
"Why are you apologizing?" humiwalay siya sa yakap at ngumiti saka pinahid ang mga luha niya.
"Nothing, masaya lang ako na tinuturing mo ’kong kaibigan. Masayang-masaya ako, Katana—masaya ako dahil nakilala kita." I smiled and said my goodbyes as I walked to the cafeteria. The Guardians have arrived.
BINABASA MO ANG
Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)
Fantasia(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she felt a lack of something uneasy within her. However, on her 18th birthday, she was greeted by an unex...