CHAPTER 37

1.8K 236 8
                                    

Katana Luna Silvyria

"THE one and only." Pagkasabi ko n'on ay kinindatan ko sila. Pansin ko pang namula ang pisngi nang mga lalaki. Eh? Ano naman kayang problema ng mga 'yon?

"Buhay ka?" na agaw ni Akasiya ang atensyon ko nang itanong niya 'yon. Nginisian ko naman siya dahilan para mawalan ng kulay ang mukha niya.

"Oo naman, sa tingin mo ba'y gano'n-gano'n lang ako kadaling mamamatay? If you didn't already know, I have nine lives." Pagkatapos ko 'yong sabihin ay biglang sumugod ang mga alagad niya. Nag-paulan ng stone needles ang golem kaya gumawa ako ng malaking shield.

"Katana? Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Em at Aw.

"Hindi. Hindi ako 'to, picture ko lang ito." biro ko sa kanila, si Aw naman ay napakunot-noo sa sinabi ko.

"Eh? Picture? Weh? Bakit hindi ka malapad?" napatampal naman sa noo si Scarlet dahil sa sinabi ni Aw. Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ni Ash.

F-f*ck! Katana! Calm yourself!

"Ahem!" lumayo rin siya sa pagkakayakap sa 'kin nang sabay-sabay silang umubo except kay Aw na cleuless sa nangyayari.

"Hala! Guys inuubo ba kayo? Bakit naman sabay-sabay? Bakit ako hindi?" napangiwi naman ako sa mga tanong nito.
Kahit kailan talaga si Aw oh!

"Guys, tama na muna ang usapan, may kailangan pa tayong tapusin." Pagkasabi ko n'on ay naging seryoso na ang kanilang mga mukha kahit pati iyong kay Aw. Tinanggal ko na rin ang sheild na ginawa ko saka kami sumugod.

Alvinno and Almond are oppose the Wolfs. Em is one of the Golems. Aw and Scarlet are from Beast Veins and Beast Plants. Si Ash naman sa mga Beast Leafs.

They can easily decapitate the wolves with Alvinno's axe, whereas Almond uses the water sword and easily stabs the wolf enemies.

Dahil Guardian of the earth element si Em ay nagawa niyang makontrol ang isa sa mga golem at inutusan itong labanan ang kapwa nito golem.
Si Aw naman ay tumalon sa likod ng Beast Veins at sinaksak ito sa likod saka niya sinipa't magkasandal naman ang likod nila ni Scarlet. Si Scarlet naman ay gumawa ng sheild upang hindi matamaan ng umaatakeng Beast Plants saka niya sinasaksak ang mga ito o kaya'y pinupugutan ng ulo't katawan.

When I looked at Ash, I was troubled by the fact that he effortlessly turned the Beast Leafs into ice.

Hmm...not bad at all.

I looked at Akasiya, who was scowling angrily.

Ang bruhang babaeng ito! May atraso pa ito sa 'kin e!

Mabilis ko 'tong nilapitan saka ako nag palabas ng aking espadang nagliliyab sa apoy ngunit kakaiba ang apoy na nakikita ko rito, may halo itong itim na siyang ipinagtataka ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang 'yon. Akma ko nang sasaksakin si Akasiya ng sanggain niya ang espada ko gamit ang kaniyang espada. Napakunot-noo ito nang makita ang espada kong may halong itim na apoy.

"Hindi nga ma-ipagkakailang may dugo niya na nanalaytay sa 'yo." Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang kumunot ang noo.

"What do you mean?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi niya ako sinagot. I ducked my sword, and she continued to attack me while staring at me intently.

What on earth is this woman on about?

Bawat pag atake ko sa kaniya ng aking espada ay palagi niya lang sinasalag. "Akala mo ba ay kakayanin mo 'ko?" mapagmalaking tanong nito.

"H'wag kang pakasiguro," ani ko nang mapansing minamaliit niya ako.

Ano bang akala niya na kayang-kaya niya ako? Sa pinapakita niya ay parang nakikipaglaro lamang siya at isa sa mga ayaw ko ay 'yong minamaliit ako dahil sisiguraduhin kong magbabayad siya!

"H-how...." Nanlalaking matang sabi nito nang makitang mag-apoy ang buong katawan ko. And yes, nag-aapoy nga ang katawan ko dahil sobrang galit na galit na ako sa pangmamaliit niya sa 'kin.

"You made a mistake by underestimating me because I will let you experience the pain that you have never felt before." Wika ko sa malamig na tinig na naging dahilan para takasan ng kulay ang kaniyang mukha.

Kasabay din n'on ang paglakas ng apoy na nakapalibot sa 'king buong katawan. Ramdam ko rin ang pag-aapoy ng aking mga mata.

She used black magic to attack me, and I used fire to attack her. Our mutual powers are growing in strength. I took a step back because I won't deny that she's powerful. I forced the fire out of my other hand with my other hand, causing her to take a step back. Humakbang ako nang humakbang hanggang sa hindi na niya nakayanan kaya tumalsik siya.

I took advantage of the situation and stabbed her with my sword, which was also on fire, but this time there was only a thin layer of black surrounding it. Ngayon ay halos itim na ang kulay n'on.

"T-tama nga siya, h-hindi ka basta-basta mapapaslang." Kinakapos na ng hiningang sabi nito. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko alam kung sino bang 'siya' ang tinutukoy niya.

"Sino'ng tinutukoy mo?" tanong ko pero sa halip na sagutin ay tumawa lang ito nang tumawa. "Sino siya! Siya ba ang may kagagawan nang lahat ng ito? Sabihin mo!" sabihin mo dahil naguguluhan na ako.

"M-magkakaharap d-din k-kayo s-sa t-tamang p-panahon a-at k-kapag...kapag nangyari iyon ay MAMAMATAY KA NA HAHA!" tila nasisiraan na ito ng bait kaya diniin ko ang pagkakasaksak sa kaniya hanggang sa ito'y maging itim na abo.

What exactly does she mean?
To whom is she referring? Will that person kill me? But why is this so? Ang nilalang kayang iyon ang may pakana sa mga nangyayari sa 'kin? Sa mga pangyayaring muntik ko ng ikamatay?

"Katana!" nabalik lang sa katinuan nang marinig kong sumigaw silang lahat except kay Ash.

"Huh?" takang tanong ko sa kanilang lahat.
At do'n ko lang napansing nasa bahay na ulit kami n'ong isang bata. Nandito na rin iyong bata pati ang mga nawawalang mamamayan ng Evergreen.

"Okay ka lang?" tinapik-tapik ako ni Em saka tumango naman ako. "Hindi ka okay, Katana. Natalo nga natin si Akasiya ngunit mukhang hindi ka naman masaya." Dagdag nito.

"Masaya ako, naguguluhan lang kasi ako sa huling sinabi ni Akasiya." Sabi ko saka mapanuring tumitig sa 'kin si Em.

"Ano ba ang kaniyang sinabi?" hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam, dapat ko pa bang sabihin sa kaniya.

"Nah, that's not important, anyway." Pagkasabi ko n'on ay nagpaalam siyang titingnan ang kalagayan ng mga mamamayan ng Evergreen.

~To Be Continued...

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon