CHAPTER NINETY

1.5K 188 28
                                    

Ikatlong Persona

HINDI makapaniwala ang lahat sa sinabi ng dalagang si Katana, lahat ay naguguluhan kung dapat ba silang maniwala o hindi pero ilan sa kanila ay naniniwala at ang ilan pa ay hindi. Ngayon ay nakasalalay na sa kanilang mga sarili ang kanilang kaligtasan.

"Is what Katana said true?" Nagkatitigan ang Lima sa tanong ni Almond. Matunog na bumuntong-hininga ang tatlong babae.

"Pero kilala natin si Katana, hindi siya ang tipo na gagawa lang ng kwento, alam niyo 'yan." Dahil sa sinabi ni Emaya ay natahimik ang Guardians at nag-isip.

"Let us attempt to wake up and see whether this is all a dream." Seryosong turan ng dalagang si Aw. Tumango ang apat at tumayo na para sana bumalik na sa dorm ngunit kasabay ng pag tayo nila ay para silang nahihilo at nang ma-ipikit nila ang kani-kanilang mga mata ay nagulat na lamang sila sa pag mulat nila dahil wala na sila sa loob ng Cafeteria. Kasalukuyan na silang nasa kani-kanilang kwarto. Gulat na gulat at hindi makapaniwala, tila kinakapos rin sila ng hininga habang inililibot ang paningin sa loob ng kanilang kwarto dahil napaka rumi nito.

"A-anong..." Kunot-noong bumangon ang lima at nang makalabas sa kani-kanilang kwarto ay nagkagulatan pa sila.

"Guys!"

"Katana is telling the truth!" Napatango-tango ang lahat habang si Alvinno naman ay tinungo ang kwarto ni Katana ngunit nang makitang wala ito doon ay lumabas din saka siya pumasok sa kwarto ni Ash ngunit nakita niya tulog pa ito.

"Guys! Si Lorh!" Napatingin sa kaniya ang mga kasama at sumunod sa kwarto ni Ash, kapwa sabay-sabay na lumaylay ang balikat nila nang makitang tulog pa ang binata.

"We need to wake him up!" ani Scarlet at tinapik-tapik ang pisngi ng binata ngunit wala itong epekto. Tumango sa isa't-isa ang apat at sabay-sabay na ginalaw-galaw ang iba't-ibang parte ng katawan nito ngunit halos mag-iisang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ito magising kaya nag-alala sila.

"Hindi siya nagigising, anong gagawin natin?" Kinakabahang usal ni Almond.

Maya-maya lamang ay nakarinig sila ng ingay na para bang may pumasok sa loob ng dorm nila kaya natahimik sila't maingat na nag tago sa haligi. Rinig na rinig nila na binubuksan ng mga ito ang bawat pintuan ng kwarto kaya nanigas sila sa kinatatayuan nila. Sa isip-isip nila'y marahil alam na ng mga ito na gising sila at tiyak hindi titigil para hanapin sila.

Patay!

Ang sabi nila sa kanilang isipan at na nanalangin na sana may tumulong sa kanila.

Napapikit na lang silang lahat ng maramdaman na malapit na ito sa pintuan ng kwarto ni Ash. Halos mag dugo na ang labi ng tatlong dalaga dahil sa kaba pero nangunot ang noo nila ng may puting liwanag ang sumulpot sa kanilang harapan and Aw even shouted when they were abruptly taken by three hands within the white light they thought was a gateway.

Nang imulat nila ang kanilang mga mata ay nanlaki ito, nilibot nila ang paningin sa lugar at napansing wala na sila sa loob ng Academy dahil kasalukuyan silang nasa likod ng Academy.

"K-katana?" Tumango ang dalaga't ngumiti naman ang dalawa pang dalagang si Solis at Shaye.

"What happened? Sino ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Natahimik ang lahat sa tanong ni Almond. Tumalikod si Katana at malalim na bumuntong hininga.

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon