MABILIS akong napa balikwas sa 'king kinahihigaan na matigas na katre dahil sa lakas ng katok sa pintuan.
“Katana! Katana! Katana!” nangunot ang aking noo dahil sa naghuhurimintado nilang pag tawag sa 'kin kaya kusot-mata kong binuksan ang pintuan ng kwarto.
“Bakit ba? Ang aga-aga pa kaya.” Bored kong sabi. When I turned to face them, they seemed worried.
Nag-aalala saan?
“Ate Katana, may mga kawal po sa labas.” Wika ni A?...Aria?
Napahikab pa ako bago mag salita.“Bakit naman may kawal dito, Aria?” When I asked her, she looked at me with surprise.
Ahm...okay? May nasabi ba akong mali?
“Sinong Aria, ate?” mag kasabay nilang tanong and this time, ako naman ang kumunot ang noo.
“Siya,” tipid kong sagot sabay turo kay A...Anna?
“Hindi naman po Aria ang pangalan ko kun'di Abrasya.” Tugon niya sa ’kin napakamot na lang ako sa batok dahil do’n.
Hmm, hindi ba ’yon ang pangalan niya? Hindi talaga ako magaling mag-memorize ng mga pangalan.
“Iyon nga,” walang emosyon kong sagot sa kanila, and I saw that they smiled secretly.
“May Kawal nga sa labas at hinahanap ka, Katana. Anong ginawa mo, bakit ka nila hinahanap?” puno ng pag-aalala na tanong sa ’kin ni Heylee?
“Aba! Malay ko sa mga kawal na ’yan! Si Kahser nga pala Heylee, na saan?” tanong ko, bigla naman kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Ano namang problema niya?
"Heylee? Sino si Heylee?" nagtatakang tanong niya.
Sira na yata ang ulo niya, sarili niya hindi niya kilala?
"Ikaw! Sino pa ba?" balik tanong kong tugon sa kaniya, bigla namang humalakhak ang dalawa sa hindi ko malamang dahilan.
"Pffttt seryoso Katana? HAHA!" patuloy pa rin silang tumatawa kaya napa-irap ako. What's so funny?
"Grabe! Ate Katana, hindi ko alam na sa ganda mong ’yan makalilimutin ka sa mga pangalan HAHA!" tumatawa pa ring turan nito, umirap na lang ako sa kawalan.
"Ilang linggo ka na rito sa ’min pero hindi mo pa rin mabanggit ng tama ang aming mga pangalan." Wika naman ni Ha...Ha? F*ck! What ever her name, I don't f*cking care!
Tumikhim ako kaya tumigil na sila sa pag tawa."So, bakit kaya hindi na natin harapin ang mga kawal sa labas?" seryoso kong tanong sa kanila saka kami lumabas sa bahay at nakita namin ang mga kawala, mga lima lamang ang mga ito.
What do they need from me?
"Ikaw ba si Miss Silvyria?" kaswal na tanong sa ’kin ng sa tingin ko’y isang heneral at sa tingin ko rin ay hindi nagkakalayo ang edad nito sa ’kin.
"Ako nga. What do you need from me?" I asked them seriously, raising an eyebrow when I saw how surprised they were.
Eh? What the hell is going on?
"Ah...eh...Sulat, galing sa Hari’t Reyna ng Icy Kingdom." Sabi niya saka inabot sa ’kin ang naka rolyong papel, kinuha ko naman ’yon at binasa.
BINABASA MO ANG
Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)
Fantasía(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she felt a lack of something uneasy within her. However, on her 18th birthday, she was greeted by an unex...