Emaya Herrera
HINDI pa man kami nakakabawi sa gulat nang magawang masira ni Katana ang kulungan, halos lahat na yata ng paraan ay sinubukan na namin pero hindi kami nag-tagumpay, kahit siya ay sinubukan ng tupukin ng apoy ang kulungan pero walang nangyari ngunit dahil lang sa galit na biglang umusbong kay Katana ay nagawa niyang masira ng walang kahirap-hirap ang kulungan.
Dahil doon ay natuklasan kong lumalakas ng sobra si Katana kapag nakakaramdam siya ng galit at sa pagkakataong ito ay hindi namin alam kung paano pa namin siya magagawang pigilan gayong mukhang wala na siya ngayon sa kaniyang katinuan.
"Katana!" sigaw ni Lohr kaya napatingin ako kay Katana na kasalukuyan nang naglalakad papalapit kay Yael. Nagulat ako ng makitang nag bago ang anyo ni Katana, nagkaro’n ito ng itim na may halong lila na ugat sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang leeg pati na rin ang braso at kamay nito ay mayro’n din. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng ugat na ’yon, lahat na ay napag-aralan ko na pero hindi ang bagay na iyan.
"H-h’wag kang lalapit." Na-uutal na wika ni Yael pero parang walang narinig si Katana, masama lang tingin niya kay Yael at bawat pag-tapak niya sa lupa ay mas lalong nagiging itim ito na tila nasusunog, lalo ring lumalakas ang apoy ni Katana na kakaiba na ang kulay sapagkat kulay itim na ito na may halong violet na katulad ng kulay ng ugat na nasa kaniyang katawan.
Itinaas ni Yael ang kaniyang kamay at nag palabas ng matutulis na bagay saka ito tumama sa iba’t-ibang parte ng katawan ni Katana pero tila manhid na ang katawan nito dahil ’di man lamang ito dumaing kahit na alam kong napakasakit ng bagay na iyon. Patuloy pa rin itong naglalakad kahit baon na baon ang matutulis na bagay na iyon sa kaniyang katawan.
Itinaas muli ni Yael ang kaniyang kamay at nag palabas ng itim na enerhiya ngunit nang tumama ’yon kay Katana ay hinawi lamang niya ’yon, muling nag palabas ng kapangyarihan si Yael at sa pagkakataong ito ay malaki at mas malakas na kapangyarihan ang inatake nito kay Katana. Halos mapapikit ako dahil sa takot na ikamatay ’yon ni Katana pero nag-kamali ako dahil nang tumama ’yon kay Katana ay ibinuka niya ang kaniyang bibig at tila hinihigop niya ang itim na kapangyarihang ’yon at walang kahirap-hirap niya ’yong kinain dahilan para mamangha ako pati na rin sa mga kasama ko.
"P-paano?" gulat na gulat na tanong ni Yael. "Anong klaseng nilala ka?!" pasigaw ’yong isinatinig ni Yael, tuluyan ng nakalapit si Katana kay Yael at tumigil ito sa paglalakad.
"Ako? Ako ang nilalang na hindi mo gugustuhing makita." Tugon ni Katana saka biglang nag-apoy ang buong katawan nito.
"Her voice..." Bulong ni Scarlet habang nakatulala at nakatingin kay Katana. Tama siya, nag-iba rin ang boses ni Katana, nagkaro’n ito ng halong malaking boses ng parang isang lalaki.
Dahil doon ay nagsitayuan ang balahibo ko’t nakaramdam ako ng matinding takot at pansin ko ring hindi lamang ako ang nakaramdam n’on dahil lahat kami.
Hinawakan ni Katana ang braso ni Yael at dahil nag-aapoy ang kaniyang katawan ay dumaing ng malakas si Yael. I was speechless when I saw how effortlessly Katana severed Yael's arm. Yael's body was dripp with blood, and his screams could be heard throughout the place. That wasn't the end of it, because Katana pulled Yael's other arm so hard that it, too, was severed.
Humalakhak si Katana na animo’y nasisiraan na ng bait saka nito itinapon ang dalawang kamay ni Yael. She isn't satisfied because she also removed Yael's legs and intestines, allowing her to abduct him, but Yeal is still breathing. Marahil siguro ito sa itim na salamangkang kaniyang ginagamit.
BINABASA MO ANG
Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)
Fantasy(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she felt a lack of something uneasy within her. However, on her 18th birthday, she was greeted by an unex...