Emaya Herrera
NAG mulat ako ng mata nang maramdamang na nanakit ang likod ko at nanlaki ang mata ko nang makitang nakahiga ako sa malapad at mataas na bato.
Agad naman akong bumangon at nilibot ang paningin para lang matagpuang na sa may ibabang parte ng mga nag lalakihang bato ang mga kasama ko. Ginamit ko ang kapangyarihan ko at gumawa ng isang malaking baging na gagamitin ko pa baba.
Nang makababa na ako ay mabilis akong lumapit sa mga kasama ko na wala pang malay.
"Guys! Wake up!" sigaw ko pero tila na sa masarap silang pag tulog dahil ni hindi man lang gumalaw. Kaya naman ay nagpalabas ako ng mud saka inihagis sa kanilang lahat na siyang dahilan kaya sila nagising. Natawa pa nga ako dahil nabigla si Almond at nagsisigaw pa na parang bakla.
"Ah! F*ck it! Go away! Go awa—" hindi na nito itinuloy ang pag sigaw nang mapansing nakatingin kami sa kaniya. Tumawa naman kaming lahat except kay Lohr na nakataas kilay sa kaniya.
"HAHA hanep, Almond para putik lang nagsisigaw kana r’yan!" tumatawang sabi ni Aw.
"Ang epic ng mukha mo brad!" tumatawang sabi rin ni Alvinno saka tumawa nang tumawa si Scarlet kaya naman nahiya si Almond.
"Mga gago!" sigaw ni Almond saka lumapit kay Alvinno at sinusuntok-suntok ’to ng mahina lang naman. Napatigil naman ako nang biglang sumigaw ng malakas at nakakatakot si Lohr.
"Where is Luna!" napakunot noo ako’t inilibot ang tingin. He's right, Katana is not here. Where is she?
"Oh, god! Katanagirl yuhooo na sa’n ka? H’wag mo na kaming pagtaguan!" Sabi ni Aw.
"Guys, nang magising ako’y sadyang wala siya rito." Sabi ko sa kanila.
"She might just be around lang guys, let's find her na lang." Kahit kailan talaga hindi nawawala ang kaartihan sa pananalita ni Scar.
"Mabuti pa nga." Wika ni Alvinno saka na-una na sila sa paglalakad. Nasa likuran kaming dalawa ni Lohr at pansin ko pa rin ang pagkabalisa niya na ngayon ko lang nakita.
"Is there a problem?" tanong ko. Umiling lang ito pero kitang-kita ko pa rin ang pag-aalala niya kay Katana. Hmmm...100% inlove na ito kay Katana kasi hindi naman siya nagpapakita ng emosyon pero ngayon tila hindi niya alam ang gagawin niya.
Kinikilig ako! Si Katana lang pala ang kayang gawing ganito si Leader—ang kaso sobrang indenial naman ni Katana! Ano ba ’yan?!
Bigla akong napatigil nang may maalala ako kaya napatigil din ang lahat.
"What's wrong, Em?" tanong ni Alvinno na lumapit pa sa ’kin.
"I know this place." Parang wala sa sariling sabi ko, kumunot naman ang noo nila.
"Oh? Eh, anong lugar ito?" tanong naman ni Aw na nagkakamot pa sa ulo.
"This is an Evergreen Kingdom Forbidden City." Dahil sa sinabi ko ay nanlaki ang mga mata nila liban kay Lohr.
"W-what?" kinakabahang tanong ni Aw.
BINABASA MO ANG
Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)
Fantasy(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she felt a lack of something uneasy within her. However, on her 18th birthday, she was greeted by an unex...