CHAPTER 39

1.8K 250 23
                                    

KINABUKASAN ay maaga na kaming umalis sa Evergreen Kingdom sakay ng karwahe ng palasyo. Mabuti na lang at meron na kaming sasakyan dahil walang katapusang kapaguran na naman ang aming paglalakbay.

When I looked at the person next to me, he raised an eyebrow.

"What?" umirap ako sa kaniya.

"Pakipaliwanag nga kung bakit tayong dalawa lang sa karwaheng ito?" taas kilay kong tanong kay Ash, and yes, si Ash lang naman itong kasama ko rito sa karwahe.

Si Aw, Em at Scarlet magkakasama sa kabilang karwahe habang sina Alvinno, Almond at Nik? Niel? Ano na nga bang pangalan n’on? Ah, basta ’yong pinsan ni Em, sa kabilang karwahe silang tatlo. Tatlong karwahe ang gamit namin.

"I don't have anything to explain to you." Ayy iba rin! Aba’y gusto yata ng lalaking ito na masaktan a! Ganda sumagot e, ’no?!

"Ako ba ay pinagloloko mo, huh?" inis kong tanong sa kaniya.

Aba ’wag niya akong inisin dahil kulang pa naman ako sa tulog. When I'm annoyed and don't get enough sleep, my vision gets really dark!

"Of course not, it's not like that...I just want to be with you." Wika niya.

E-eh? W-what? Tama ba ’yong na rinig ko? Gusto niya akong makasama? Pero bakit naman?

"Why do you want to be with me?" taas kilay kong tanong sa kaniya. Nabigla naman ito dahil akala niya’y hindi ko narinig, bulong lang kasi ’yong huli niyang sinabi at dahil nga may sense of hearing ako kaya malamang sa malamang maririnig ko siya ng malinaw pa sa sikat ng araw.

"A-ahm...I mean, we have to be together. You may forget the legend of the golden apple, don't you?" napatangu-tango naman ako dahil do’n. Oo nga ’no! Ngayon ko na lang naalala ’yon. But is that true? He stuttered or nag kamali lang ako ng narinig?

"Syempre, hindi! Paano ko naman makakalimutan iyon e' hanggang ngayon gustong-gusto ko pa ring bulyawan yong matandang nag-bigay sa ’kin n’on! Arghh! B’wisit!" nakita ko namang napailing-iling na lamang siya. Okay tatahimik na ako mukhang nagiging madaldal na ako e'.

•••

Pupungas-pungas ako ng mata nang tumigil na ang karwahe.

Did I fall asleep?

"Wow!"

When we got out of the carriage, I was taken aback.

I just saw the Wateria Kingdom, and it looks incredible. It's distinct because, instead of the sea, the palace is situated on a river. Kung sa mga napapanood ko na fairytale sa isang dagat nakatayo ang palasyo, in wateria is strange.

"Manghang-mangha ka a. Ngayon ka lang ba naka-punta rito?" bigla’y tanong sa ’kin ni Scarlet na ngayon ko lang napansing na sa tabi ko na pala. Tumangu-tango naman ako habang naka-awang pa rin ang labi.

"Wow! Ang ganda!" It's particularly lovely because the water in this river is a vibrant blue.
Grabe! Nanlaki naman ang mata ko nang makakita ako ng mga...Sirena?

"Sirena ba iyon?!"  my eyes widened and my lips parted. I wiped my eyes, thinking I was dreaming. Damn! Mukha bang panaginip lang ang lahat ng ito?

I suddenly remembered that I was in another world, so seeing a mermaid was not out of the question.
I always wanted to be a mermaid when I was a child. Funny mang pakinggan pero no’ng bata ako ginagawa kong buntot-buntutan ng sirena iyong towel ko.

"Ahm...Katana," napatingin ako sa mga kasama ko at nakita ko silang lahat na nakatingin sa ’kin na tila ba nakakatawa akong bagay.

Shit! Nag mukha akong ignorante sa harapan nilang lahat! At MAS LALO NA SA HARAPAN NI ASH!

I smiled to hide my embarrassment and made a serious face.

"HAHAH! Katanagirl! Ang cute-cute mo!" nasamid naman ako bigla sa sarili kong laway dahil sa komento ni Aw.

What? Ako cute? The f*ck!

"Let's just go to the palace." Malamig kong sabi kaya ’yong natatawa nilang mukha ay napalitan ng pag ngiwi. Well, ayaw kong cute ako sa paningin nila.

Arghh! Bakit ba naman kasi naging gano’n ang inasta ko kanina? Nakakahiya!

We were greeted by what I assumed were Almond's parents as we entered the palace. I was even taken aback because one of them appeared to be in a small pool.

Eh? The palace is standing in the water tapos may pa-pool pang nalalaman iyong babae?

"Mother, Father," tawag ni Almond sa kaniyang mga magulang saka niya ito niyakap. So, mother niya pala iyong nasa pool.
Nasagot ang pagtataka ko nang makita kong mayro’ng buntot ng sirena ang ina ni Almond.

"Sirena ka rin?" takang tanong ko kay Almond, tumangu-tango naman ’to.

"Talaga?" Paniniguro ko kasi baka tinitrip lang ako nito ni Almond.

"Yes, I am," sagot niya at hinaplos-haplos ko naman ’yong baba ko na tila ba parang mayro’n akong balbas. "My mother is a mermaid, and my father is an elementalist." Dagdag pa nito. So, means, half elementalist and mermaid siya.

"Mabuti’t hindi ka nangangamoy." Parang wala lang na wika ko. Kumunot naman ang noo niya dahil do’n.

"What do you mean?" takang tanong niya sa ’kin.
Seriously? Hindi niya alam?

"You're a mermaid, aren't you? So, mabuti na lang hindi ka nangangamoy malangsa." Dahil sa sinabi ko ay napahalakhak si Em, Aw, Scar, Alvinno at kinagulat ko nang makitang pati si Ash ay tumatawa.

Totoo ba itong nakikita ko? Ash who's cold as ice and hard as stone, laughing? Pero impyernes ang gwapo niya! What?! What the hell am I even talking about?

But for some reason, my heart rate increased as I stared at Ash laughing. I couldn't hear the other people's laugher because I could only hear Ash's.

God! Ano ba itong nangyayari sa ’kin? Sobra-sobrang bilis nang tibok ng puso ko.

"Hello! Katana! Are you there pa ba?" nabalik lang ako sa katinuan dahil niyugyog ako ni Scarlet.

"Oo naman nandito pa ’ko. Paano mo ako makakausap kung hindi?" inirapan naman ako nito. Tumingin ako ulit kay Ash at napakurap-kurap ako nang mag-tama ang paningin naming dalawa. Nakatitig na rin siya sa ’kin at sa paraan ng kaniyang pag-tingin parang hinihigop niya ang lakas ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Why does Ash have such an impact on me? Kinulam yata talaga ako ng lalaking iyon! O ’di kaya’y epekto lang ito ng kinain naming Golden Apple? Oo nga, mukhang gano’n nga siguro.

"Hays! Bakit ba kasi hindi na lang aminin sa kaniyang sarili." Hindi nakatakas sa ’king pandinig ang bulong na iyon ni Em kahit medyo malayo siya sa ’kin at umiiling-iling pa ’to. Ano naman kayang ibig sabihin ng isang ’yon?

~To Be Continued...

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon