CHAPTER 16

2.6K 280 13
                                    

"KATANA, kumusta ka naman dito habang wala kami?" tanong ni Em. Hmm, kasama niyo kaya ako kung alam niyo lang.

"Ayos naman." Pagsisinungaling ko dahil hindi ko naman maaring sabihin na kasama ko sila para talunin ang halimaw.

"Nakakapanibago lang kasi hindi kami tumagal ng isa o dalawang linggo sa mission namin ngayon." Wika naman ni Mr.Innocent. Yeah, and that's because of me!

"Dahil ’yon kay Moon! She's my idol na!" masakit sa taingang sabi ni childish na talagang mababakas mo ang pag-hanga sa tinig nito.

"Oo nga, pero alam niyo nakapagtataka lang kasi p’wede naman siyang magpakilala, bakit kailangan pa na nakatago ang mukha niya?" tanong naman ni Mr.Playboy, lihim ko namang na igulong ang aking mga mata.

"Baka chararat ’yong mukha." Pang-iinsulto ni Maldita. Sipain ko kaya ang isang 'to?

"Grabe ka naman makachararat, hindi naman siguro." Pagtatanggol naman ni Em kaya lihim akong napangiti.

"Maybe she just wants it, don't bother her—it is none of our business, after all." Walang ganang sabat ko, napatingin naman sa ’kin si Em at Mr.Grayish-eyes na siyang kinakunot ng noo ko pero maya-maya pa’y nag-iwas ng tingin ang dalawa.

Hindi naman siguro nila alam na ako ’yon ’di ba?

Mr.Grayish-eyes is very secretive and it's difficult to guess what he's thinking based on his facial expression, so it's not unlikely that he knows something. While Emaya is very smart, so maybe she already knows it's me.

Bahala na!

"Malapit na pala ang levelling ’no? I'm so excited kyaaaa!" tili ni Aw—opps I remember her name! Buti naman parang ang sama naman na childish ang tawag ko sa kaniya.

"Levelling?" walang gana ko pa ring tanong pero sa loob-loob ko ay curios na ako.

"Levelling is for you to know what level your power is at, and there is hope that you will be transferred to high section if your power level changes." Paliwanag naman ni Almond tumangu-tango naman ako, so may chance naman palang mapunta ako sa mataas na section. May posibilidad kaya na mapasama ako sa Guardians? Pero mukhang malabo dahil lahat sila ay nobles.

"What does that leveling do?" wala pa ring ganang tanong ko, mukhang sanay na naman siya kaya okay lang.

"Ang ginagawa sa levelling ay bibigyan ka nila ng pag subok at iyon ay ang iyong kahinaan, kailangan mong manalo sa kung ano mang kahinaan iyan at kapag nalampasan mo iyon lalabas sa monitor ang level ng powers mo base na rin sa pinakita mong galing. Get ready Katana dahil sa friday na iyon." Paliwanag ni Em sa ’kin, tumangu-tango ulit ako.

So, gano’n lang pala ’yon.

Matapos ng maikling conversation na ’yon ay nag-ayos na ako dahil may pasok pa ’ko. Kasabay ko pa ngang lumabas ng dorm ang Guardians kaya nama’y umaani na naman ako ng masasamang tingin sa mga kapwa ko mag-aaral. Hindi ko naman sila pinansin as long as hindi nila ginagalaw ni dulo o hibla ng buhok ko, it's fine with me.

"Katana!" napalingon kaming lahat sa tumawag sa ’kin at napag-alaman kong si...Argh! Hindi ko matandaan ang pangalan niya basta ’yong lalaking tinulungan ko sa dagger na tatama sa kaniya.

Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon