Chapter 38

8 1 0
                                    

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakabalik na kami sa rest house. Nakarinig kami nang malakas na tawanan mula sa 2nd floor ng bahay.

"May terrace ka ba sa taas?"

Sinagot ni Kyle si RJ habang pinagbubuksan kami nang pinto.

"Oo, sa may likod."

"Talaga ba? Saan ung daan? Puntahan ko sila."

"Sa dulo ng hallway kung nasaan ung common restroom. Nandun ung pinto palabas."

"Ah, sige. Salamat!"

Pagkapasok ay tumakbo na si RJ paakyat sa taas at sumunod sa mga kasama naming nagkakatuwaan pa rin. Nakapasok na rin sila Mandy at Mark at nagsabing pupuntahan si Tiya Luz na nakita naming nasa kusina pa.

Hindi binitawan ni Kyle ang pintuan at hinintay kaming makapasok ni Hans.

"Thank you."

Pagkatapos magpasalanat ni Hans kay Kyle ay dinala niya ako sa sofa para maibaba.

"Bigat mo."

"Sabi na kasing bababa na ako kanina eh."

Tumawa lang sa akin si Hans at ginulo ang buhok ko, tsaka naglakad patungo sa kusina. Sinundan ko siya nang tingin kaya di ko namalayan agad na may tumabi sa akin.

"Does it still hurt?"

Napalingon ako kaagad kay Kyle na nakatingin sa paa ko.

"Hindi na. Okay na siya."

"Madalas ka ba talaga magkaganyan nung college?"

He tilted his head to one side as if trying to remember the past. Tapos ako, ito na naman at nangangapa kung paano siya pakikitunguhan.

Parang kanina lang ay nanlamig na naman siya sa akin. Pagkatapos naming mag-usap kanina ay nagwalk out siya.

Well... ask me if I want you back, too.

Naaalala ko pa ung sinabi niya sa akin. Is this him being casual to me?

"Alice."

Bumalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang palayaw na siya lang ang tumatawag sa akin. Tsaka ko pa lamang napansin na ang lapit na ng mukha niya sa akin, at seryosong nakatingin sa akin.

"Y-Yes?"

"I was asking you if that was when you were playing volleyball?"

"A-ang alin?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba. Kumalma ka nga.

"The muscle cramps."

"Oh, yeah. Uhm. Pag nagpapractice kami for an upcoming game, nagkakacramps ako paminsan-minsan."

Tumango-tango siya habang umayos na ulit ng pagkakaupo. I had to look away on a different direction cause it's gotten a little too awkward.

Noon ko nakita si Hans na nakasandal sa may poste ng bar na naghihiwalay sa living room at sa kitchen/dining room sa rest house. Nakatingin siya sa amin habang nakapamulsa ang isang kamay habang ang kabila ay may hawak na bote ng tubig.

Was he there for a while now?

He just looked straight into me for a few seconds and smiled before calling out to Kyle.

"Mr. Natanauan, I'm heading upstairs as well. Come join us if you're not yet tired."

Oddly enough, Kyle smiled at my cousin and said he'll be there in a few minutes.

Wow. Ito na yata ung kauna-unahang pag-uusap nila na hindi sarcastic or hindi masyadong pormal.

Nabalik na naman kami sa katahimikan. Lumingon ako kay Kyle at nang maramdaman niya ang tingin ko ay lumingon din sa akin.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon