Chapter 4

15 2 0
                                    

"Mga apo, dito niyo na dalhin sa sala lahat ng gamit na dala niyo kahapon. Magsama-sama tayo dito para ayusin ang mga yan."

Sumagot naman kaming tatlo mula dito sa hagdan na inaakyat namin.

"Okay, Granny."

"Be there in a minute."

"Huwag mo kami masyadong mamiss ha?"

Natawa kaming lahat sa huling banat na iyon ni Hans. He never fails to make Granny smile sa mga padali niyang ganyan.

Pumasok na ako sa kwarto ko para kuhanin ung mga pasalubong ko. Maya-maya ay pumasok din si Hans dito dala ung isang backpack niya.

"Tulungan na kita diyan."

"Hala, ung kay Gretch?"

"Kay Gretta tong backpack. Naibaba ko na ung akin kanina. Binalikan ko lang ung gamit niyong dalawa."

"Ah, okay. Eto oh. Ako nalang dun sa backpack ko."

Inabot ko kay Hans ung isa kong maleta.

"Oh, ayun?"

Tinuro niya ung isa pang maleta ko.

"Para sa mga bata yan sa foundation."

"Ibaba na rin natin yan."

Bago pa ako makapagsalita, nakuha na ni Hans ung isa pang maleta. Naglakad na siya palabas ng kwarto ko kaya sumunod nalang ako sa kanya.

"Oh, Hans, kaninong mga maleta yan?"

"Kay Sandy po, Granny."

"Ang dami naman ng pasalubong mo, hija. Para kanino ba yang mga yan?"

"Para po sa mga batang inaalagaan ni Ma'am Rabillo, tapos ung isa pong maleta, dito po sa bahay."

"Oo nga pala. Ung Bahay Pangarap na iyon, sumisikat na ha. Magaling maghanap ng mga sponsor ung professor niyong un."

"Haha. Nako. Eh kami-kami lang din naman pong alumni ng QU ang mga sponsor dun eh."

"Ganun ba? Ibig sabihin, successful na rin sila. Lumalaki ang foundation niyo."

"Siguro nga po. Haha."

Pagdating naman ni Gretch ay ito naman ang kinausap ni Granny.

Binuksan ko na ang isang maleta at kinuha mula rito ang mga pasalubong ko kina Ate Lydia. Pumunta ako sa may kusina bitbit ang mga iyon para ipamigay sa kanila. Naabutan ko namang nagkakape si Kuya Reynaldo na driver ni Granny.

"Kuya Reynaldo, I'm back!"

"Nako, Sandy! Ang ganda naman ng batang ito. Namiss kita! Haha."

"Namiss din kita. Walang nangungulit sa aking ihatid ako at sunduin nung nasa New York ako. Haha."

"Sus. Sabihin mo, ayaw mo lang talagang magpasilbi. Pinapasama raw si Nene sa'yo dun sa Amerika, di ka raw pumayag."

Si Nadia, o Nene, ay ang pamangkin ni Ate Lydia at Kuya Reynaldo. Ipinasok siya ng mag-asawa bilang katulong dito sa bahay.

"Haha. Ayos lang naman ako dun, Kuya Reynaldo. Tingnan niyo, kinaya kong mag-isa. Tsaka ayoko namang abalahin pa si Nadia sa pag-aaral niya para lang pagsilbihan ako dun."

Dalawang taon lang ang tanda namin nina Hans sa kanya pero nasa High School palang siya nung umalis ako paUS. Pinag-aaral siya ni Granny kapalit ng pagtulong niya dito sa bahay.

"Teka nga po. Maiba tayo. May pasalubong akong dala para sa inyo!"

"Nako, Sandy, nag-abala ka pa. Salamat dito ha?"

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon