"Itinulak ka ni Kyle?!"
Nahampas ni Hans ang manibela at napamura sa galit dahil sa narinig niya.
Ikinuwento ko na sa kambal ang mga nangyari habang pauwi kami.
"That jerk. Dapat talaga inupakan ko na un eh! Makakatikim talaga sa akin un sa susunod na magkita kami."
Si Gretch ay sinuway ang kakambal.
"Eyes on the road, shithead!"
I inclined my seat tapos nagtaklob ng panyo sa mukha.
"Di naman niya sinasadya, Hans. Kasalanan ko naman, kasi humarang pa rin ako sa pinto ng kotse niya kahit pinapaalis na niya ako."
"At pinagtanggol mo pa talaga, Sandy?! Oh come on! Tsaka teka nga, why did you apologize to him on my behalf?! Siya ung sumugod sa akin at naghanap ng away, hindi ako!"
Sumabat naman si Gretch.
"Hindi ka naman susugurin nung tao kung wala kang ginawang mali."
"Gretta, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong ginagawa sa kanya?! Nakaupo lang ako kasama ng mga bata nang dumaan siya sa tabi ko. Tapos bigla nalang ako hinigit patayo at kinuwelyuhan!"
Pinagalitan na naman ni Gretch si Hans. Nagtatalo silang kambal tungkol sa nangyari sa function hall, pero di ko na sila pinakailaman pa. I'm so tired right now.
Bumalik naman ang atensyon ko sa kanila nang kausapin ako ni Gretch.
"Sandy, anong sasabihin mo kay Granny? Umalis ka ng bahay na okay ka tapos pagbalik mo, nakasaklay ka na. May galos pa sa braso."
"Bahala na."
Tumahimik naman sa loob ng sasakyan dahil wala nang umimik sa aming tatlo. Tanging ingay nalang ng kalsada ang aking naririnig.
Maya-maya'y bumusina nang sunod-sunod si Hans. Tinanggal ko ang panyo mula sa pagkakataklob nito sa mukha ko at tumunghay. Nasa bahay na pala kami.
Nagtaka naman ako dahil nakatigil lang kami sa tapat ng gate ni Granny; parang hindi ito ipapasok ni Hans sa loob.
"Di ba kayo sasama sa loob?"
Si Gretta ang sumagot.
"Hindi. Uuwi kami sa bahay. Hinihintay kami dun nina Mang Bruno."
Bumukas ang malaking gate at lumabas si Kuya Paeng na nagtataka rin dahil sa posisyon ng pick-up na dala namin.
Lumapit siya sa sasakyan. Binuksan naman ni Gretch ang bintana niya para makausap nila si Kuya Paeng.
"Oh, Hans, di ka paparada sa loob?"
"Hindi, Kuya Paeng. Makikisabi kay Granny, pahiram muna kami ng pick-up. Uuwi kami ni Gretta sa bahay. Pakiasistihan nalang po si Sandy."
Nilingon ako ni Kuya Paeng dito sa likod.
"Oh, bakit, anong nangyari?"
"Bumagsak yan kanina eh. Hindi niya maituon ang kaliwa niyang paa."
"Susmaryosep kang bata ka. Halika na."
Binuksan ni Kuya Paeng ang pintuan ko at tinulungan akong makababa. Pagkatapos ay kinuha niya ang gamit ko sa loob ng sasakyan at tsaka isinara ang pinto.
Sumilip si Gretch sa amin.
"Kuya Paeng, kayo na bahala sa pinsan ko ha?"
"Sige, hija. Mag-iingat kayo."
"Sandy, text-text nalang mamaya."
"Oh sige. Salamat ha."
Sinara na ni Gretch ang bintana niya. Bumusina si Hans sa amin at tsaka pinaandar ang pick-up.
