"Sorry for that. Let's start."
Napatingin silang lahat sa amin nang sabihin iyon ni Hans. Busy kasi silang nag-uusap nang pumasok kami ulit sa office ni Kyle kaya hindi nila kami napapansin.
I kept my distance from all of them. Hindi ko naman kailangang sabihan pa sina Mandy at Mark dahil pagkasabi noon ni Hans, agad silang nagsimula sa interview.
"Okay. Sir, before we start, do you mind if we record this interview?"
Mandy raised her voice recorder and showed it to Kyle. The latter smiled and nodded. Then Mandy pressed record and finally started the interview.
"Good afternoon. I'm Mandy Perez of the Aster Magazine."
"And I'm Mark Marquez of Aster Mag as well, here with Mandy at the Office of the Chief Executive Officer of the Aster Group of Companies."
"We're here today, the 30th of June, 2:04pm, to interview Mr. CEO himself, Mr. Kyle Natanauan."
Kyle kept on smiling. Hindi siguro siya sanay sa mga ganito and he finds the formalities amusing. Well, kailangan naman nila talagang gawin un para madali para sa kanilang i-review ung voice record.
Mark held out his hand to Kyle.
"Sir, just for the record, kindly introduce yourself."
Lalong lumapad ang ngiti ni Kyle at napataas pa ang isang kilay.
Confirmed. He really finds this amusing. Nonetheless, he introduced himself.
"Okay. I'm Kyle Natanauan, the new Chief Executive Officer of the Aster Group of Companies."
Mandy fired away with her questions. Mark backed her up, but let the former do more of the talking. Nagsusulat siya habang nag-iinterview at nagtatanong kapag may pagkakataon.
Ang kambal naman ay kumukuha na nang pictures nila. The guy takes more tapos si Gretch ay nakaassist lang. Gaya nga ng kwento nila, mas may experience sa ganito si Hans dahil sa events madalas ung pinsan kong babae. Gaya nga ng fashion shows at concerts.
Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila nang lumapit sa akin si Sir Greg.
"Let's grab something to eat. Nagtatrabaho naman sila."
Tinignan ko ang mga kasama namin. Laking gulat ko nang lumingon sa akin si Kyle pero sinasagot pa rin ang tanong ni Mark.
Napalingon din sa akin si Hans na parang sinundan ang tingin ni Kyle. Pero mas nagulat ako sa nireact niya nang ngumisi ito na parang tuwang-tuwa sa nakikita niya.
So okay na sa kanya ngayon kung makita niya kaming magkasama ni Sir Greg?
Bumalik ang atensyon ko nang tanungin akong muli ni Sir Greg.
"What do you want to eat?"
I smiled at him before I answered his question.
"Anything's fine with me."
"Okay. Then let's go down."
Paalis na sana siya nang higitin ko ang damit niya. Napabalik siya sa pwesto niya kanina.
"Hey. Is it really okay if we just leave them here?"
"Ayos lang yan. Nagpaalam na rin naman ako kay Sir Lee. Sabi ko ibibili na rin natin sila ng pagkain."
Tumango nalang ako. Sinenyasan ko si Gretch kaya lumapit ito sa akin.
"We're going to buy something to eat downstairs. What do you guys want? Di pa rin kayo naglalunch eh."
