Chapter 8

27 2 3
                                    

Kyle...

Umigting ang panga niya at iniwas ang tingin sa akin. Ngumiti siyang muli sa mga bata na natapos nang bumati sa kanya.

Lumapit sa akin si Hans at Gretch.

"Sandy. You okay?"

Humarap ako kay Hans.

"Kinakabahan ako... what if he's angry?"

"Of course, he is. He wouldn't ignore you for 5 years if he wasn't."

Sinaway naman ni Hans ang kakambal niya dahil sa sinabi nito.

"Nice one, Gretta. Who's side are you on, anyway?"

"Kay Sandy siyempre. Just stating a high probability."

Hans pulled me into a hug.

"Sandy, you have to calm down first, okay? You'll figure this out. You ain't Granny's granddaughter for nothing."

Hinampas ko siya nang mahina sa braso niya. Si Hans talaga, puro biro. Pero buti nalang nandito sila ni Gretch. Or else, naestatwa na ako dito kanina pa.

Nang humiwalay ako sa pagkakayakap kay Hans, hinanap agad ng mga mata ko si Kyle. Nagulat ako na nakatingin pala siya sa amin. Lalong umigting ang panga niya. And he's balling his fists so hard.

Bumulong si Hans sa tabi ko, pero nakatingin din kay Kyle.

"Someone's jelly."

Natawa si Gretch sa sinabi niya. Ako, hindi makareact dahil hindi ko naintindihan ug sinabi ni Hans.

"Ha? Jelly?"

This time, ako naman ang tinawanan ng kambal.

"Ano? Bakit? Ano bang nakakatawa?"

"Ang slow mo naman, Sandy. Haha. I said, someone's getting jealous. I'm a guy, cous. At sinadya kong yakapin ka kasi nakita kong nakatingin siya sa atin. And since he reacted that way, alam kong nagseselos yan ngayon."

Nagulat ako sa sinabi ni Hans.

"Serves the jerk right."

Napalingon din ako kay Gretch.

Really? Si Kyle, magseselos?!

"H-hey, wait. Wait lang. B-bakit siya magseselos, ha? There's nothing to be jealous of."

Napafacepalm si Hans. Tinapik niya sa balikat si Gretch.

"You handle this. I'm outta here."

Naglakad palayo si Hans at lumapit sa mga bata na naglalaro na ulit.

"Sandy. Di mo ba talaga nagegets?"

Umiling ako.

"Hays. Lalaki ung kakambal ko. Niyakap ka niya. Nakita ni Kyle. And..."

Gretch is rolling her hands in front of me, waiting for me to pick up her point. But I'm really clueless.

"And what?"

"Argh. Sandy! Hindi pa kami kilala ni Kyle di ba? Which means we are strangers to him. And a stranger! A male stranger, to add, just hugged you. Di ba? Gets mo na?"

Di pa rin ako nakareact.

"Oh God. You're hopeless."

Umalis na rin sa tabi ko si Gretch at pinuntahan sina Hans.

Eh ano naman kung niyakap ako ng isang lalaking hindi niya kilala? Ano iyon kay Kyle?

Argh. Nasstress lang ako sa kakaisip dito ng isang bagay na hindi ko maintindihan!

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon