Chapter 2

20 2 0
                                    

"Gretchen Dela Cueva! How are you doing, my sweet cousin?"

Niyakap ko siya nang mahigpit pagkakita ko sa kanya.

"Who are you, Miss?"

Napabitaw ako sa gulat at pinanlakihan siya nang nata pagkaharap ko sa kanya. Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya.

"Grabe ka naman, Gretch. Kinalimutan mo na ako dahil lang sa di ko pagdalaw sa'yo sa LA. Sakit ha."

"Di kasing sakit sa pagreject mo sa aming lahat diyan sa buhay mo."

"Nako naman. Ang OA. Sorry na nga kasi."

Pinagdaop ko ang aking mga palad. Pinipilit kong magtagpo ang mga mata namin kahit pilit niya akong iniiwasan ng tingin. Bale, mukha akong ewan dito sa may parking lot.

She sighed in defeat. Sa parehong paraan na ginagawa ng kakambal niyang si Hans.

"Fine. Basta huwag mo lang kaming tanggihan lagi. Nakakatampo talaga eh. Two years, Sandy. Isa pang taon, bibingo ka na talaga sa akin. And believe me, cous. You wouldn't want that."

Lumapit naman si Hans sa amin bitbit ung mga pinamili naming dalawa.

"Believe her, Sandy. I've seen her angry. Argh. Such a pain."

Umirap naman sa kanya si Gretch.

"Salamat sa suporta, Hans, ha."

"You're welcome, dear twin sister. Haha."

Humalik pa ito sa pisngi ng kakambal niya.

"Yuck, Hans!"

"Haha. I love you, too."

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa. Nakakamiss talaga sila. Lalo na pag ganito silang dalawa.

"Teka nga. Bakit ba ang dami nitong pinamili mo, Sandy? Paano pala kung di tayo nagkita dun sa loob kanina? Paano mo i-uuwi to eh may maleta ka pang dala?"

"Hans, kung gusto, may paraan. Haha."

"Hay nako, Sandy. You and your words. Ewan ko sa'yo."

"Haha. Hindi. Para yan sa foundation ni Ma'am Rabillo. Gusto niyo bang sumama bukas?"

"Sure. Okay lang. Yan ung mga batang nasa picture na sinend mo sa amin dati di ba?"

"Yep. And I'm going to see them after almost 2 years."

"Okay. So dapat umuwi na tayo agad kay Granny para makapagpahinga na tayo."

Bigla namang tumawa si Gretch.

"Ang talino mo dun, twin brother. Haha. Tara na po, Mang Bruno."

Napalingon ako sa lalaking lumalapit sa amin. Tinapon niya sa sahig ang sigarilyo at tinapakan ito.

"Mang Bruno! Haha. Di ko po kayo napansin agad! Kamusta po?"

"Ayos lang naman ako, hija. Laki na ng pinagbago mo ah. Sigurado akong matutuwa si Doña Milagros na sabay-sabay kayong tatlo uuwi sa kanya."

Kinausap naman siya ni Hans habang naglalakad ito paikot patungo sa passenger's seat.

"Mang Bruno, pagkahatid sa amin kay Granny, makikidala nalang sa bahay nung ibang pasalubong namin ha. Meron din po kayo dun. May mga pangalan naman un. Pakipamigay nalang po."

"Bakit, Hans? Di ba kayo uuwi pagkagaling sa Lola niyo?"

"Dun na po muna kami tutulog ni Gretta kay Granny. Pakisabi nalang kina Aling Cora para di na siya mag-abalang magluto. Bukas nalang po namin kayo dadalawin."

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon