"Good morning po!"
Binati ako ng mga staff ko pagkarating ko sa department.
"Good morning din! We have a lot to finish so don't get sick ha?"
Nagtawanan silang lahat. Marami pa rin kasing wala dahil sa mga bulutong nila.
Pagpunta ko sa office, sinundan ako ni Mark na may dalang coffee.
"Ma'am. Eto po oh."
Inabot ko naman mula sa kanya ung baso na halatang sa isang coffee shop pa binili.
"Uy, salamat ha. Ikaw ba nabili nito?"
He smiled at me.
"Yes, Ma'am."
"Okay. Bumili ka ba para sa sarili mo?"
Hindi siya sumagot.
"Mark, you don't have to buy for me every morning. If you want to spend for coffee, buy it for yourself, okay? Okay lang ako sa kape diyan sa pantry."
Napangiti naman si Mark.
"Baka po kasi mas komportable kayo sa mga ganyang kape kasi galing kayong US. Kaya ko po kayo binibilhan niyan. Pero ang simple niyo lang din po pala. Sige po, sa susunod po, ganun nalang gagawin ko."
"Good. By the way, did Sir Greg call here earlier?"
"Yes, Ma'am. He told me about your 2pm meeting upstairs with Sir Lee and the new CEO."
"Okay. Thanks! Just send me a copy of my schedule for today, then continue working on the report I was asking for. I have to catch up with what happened to Aster Mag for the past 2 years before I attend my 2pm meeting."
"Okay, Ma'am."
Lumabas na siya ng office ko nang hindi sinasarado ang pinto. Nakasanayan na kasi un dito dahil rule un sa Aster Mag. Si Ma'am Rica or kahit ung pinalitan niyang EIC before, hindi nagsasarado ng pinto unless busy or kailangan ng privacy.
Marami nang nagawa ng ganun sa iba't ibang offices. People say that it has something to do with psychology.
Kasi pag bukas daw ung pinto mo more often than not, your subordinates will see you as an open and approchable boss. Hindi sila mahihirapan na magsabi sayo ng kahit anong tungkol sa trabaho kasi ganun ang tingin nila sayo.
Which really helps dito sa Aster Mag dahil kailangan talagang i-address lahat ng issues right away.
Natapos ang buong umaga na puro paperworks kaming lahat. Some of them are submitting their rough drafts of the articles with the pictures and stuff.
During lunch, I asked them to eat together here in the office. Nagpadeliver ako ng food tapos kumain kami sa conference room. We talked about minor issues over lunch.
Buti nalang hindi sila ung tipo ng workers na super nakakain ng stress. Dahil nagagawa pa rin nilang tumawa at maglokohan kahit medyo hirap sa work.
They really are well trained by Ma'am Rica.
"Eh si Ma'am kaya? May lovelife na kaya siya?"
Nagulat ako nang idamay nila ako sa usapan. Ngumiti naman ako sa kanila bago sumagot.
"I'm single, guys."
Naghiyawan sila. Ung mga baabe ay ayaw maniwala. Ang boys naman ay nag-asaran dahil may mga nagkakacrush pala sa akin.
"Yun oh!"
"Weh? Totoo ba, Ma'am?!"
"Sa ganda niyong yan, wala kayong boyfriend?!"