"Yes, Ma'am Rabillo."
"Huwag mong kakalimutan ung mga request nila ha? Alam mo namang sabik na rin silang makita ka ulit."
"Of course, Ma'am. I won't forget. Nandito nga po ako sa mall para mamili ng pasalubong sa kanila."
"Wow! Nako. Salamat talaga, Sandy. Di talaga ako nagkamali sa paglapit sa'yo. You're such a great help."
"Para sa'yo, Ma'am. Ikaw pa? Lakas mo kaya sa akin. Haha."
"Ikaw talagang bata ka. Haha. Oh siya, sige na. Tatawagan ko pa rin ung iba eh. Take care, Sandy! See you soon."
"Sige po, Ma'am. See you!"
Binaba ko na ung phone at tinago ito sa bulsa ko. Tinulak ko na muli ang cart na hawak ko at pinagpatuloy ang pamimili.
Ang lahat ng ito ay para sa mga bata sa Foundation na itinayo ni Ma'am Rabillo after niyang magretire as a professor sa University na pinasukan namin dati. Two years na akong benefactor nun, and it's so fulfilling na nakakatulong ako sa mga bata dun.
Nang makita ko na ang aisle ng chocolates, napatigil ako. Inisip ko agad kung sinu-sino ang mga bawal sa mani, at ikinuha sila ng mga chocolates na wala nito. Isinunod ko naman ung ibang mga bata, at ipinili sila ng mga chocolates na hindi masyadong matamis.
"Para kay Kaloy... kay Rita... kay Dado... kay Pia..."
Habang iniisip ko kung may nakalimutan ba akong bilhan, bigla nalang may nagtakip ng mga mata ko mula sa likuran. Base sa posisyon ng mga kamay niya, mas matangkad ang taong ito kaysa sa akin.
Agad kong hinawakan ang mga kamay niya at sinubukang tanggalin. Ngunit lalo lang itong dumiin sa pagkakatakip sa mga mata ko.
"Remove these hands and stop being rude!"
Wala akong narinig na sagot kung hindi pagtawa. Malakas na pagkakatawa. Isang tawang pamilyar sa akin.
Tinanggal na niya ang mga kamay niya mula sa mga mata ko. Agad naman akong tumalikod at hinarap anv taong iyon. At tama nga ako sa hinala ko.
"Hi, cous."
"Hans!"
Niyakap ko siya habang siya ay tawang-tawa pa rin sa akin.
"I miss you, too, Sandy. Haha. Kamusta ka?"
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya tsaka siya sinagot.
"Eto, ayos naman. Nakabalik na sa Pinas, finally, after a successful project sa New York. Haha."
"Oh, getting boastful, eh?"
"Di naman. Haha. Masaya lang talaga kaya ako ganito."
"Oh, bakit? May lovelife ka na ba, my dear cous?"
Napairap ako sa kanya. Tinulak ko na ulit ang cart ko at nagsimulang maglakad ulit.
"Hay nako, pag masaya, kailangan love life agad ang dahilan? Ikaw talaga, Hans."
