Chapter 49

14 1 0
                                    

To: Jules Jimenez (HR Department)
Cc:
Subject: Alessandra Bridgette Mayapa Resignation

Dear Ms. Jules,

Please accept this letter as formal notification of my resignation from Aster Magazine. My last day of work will be at the end of this month.

It is with sadness that I'm informing you of this decision. I really appreciate the experience and growth opportunities I have gained while working with you for the last 5 years, especially trusting me to be your first employee on overseas training. However, due to some personal circumstances, I won't be able to continue working for the company.

In order to ease the transition, I'd like to recommend someone from Aster Mag as my replacement being the Editor-in-Chief. I can arrange a meeting and personally endorse him to you.

I wish you and Aster Group continued success.

Sincerely,

Alessandra Bridgette Mayapa

EIC, Aster Magazine

After typing my message to Ms. Jules, I was staring at my screen. This honestly felt surreal. The time has finally come for me to quit the publication industry. Parang kailan lang, umiiyak ako habang kausap si Gretch sa video call dahil di pa ako marunong maglagay ng makeup, nung araw ng job interview ko sa Aster Mag. Naaalala ko pa ang unang araw ko sa trabaho, nang mapagkamalan kong new hire din si Ma'am Rica. Ang kahihiyan ko sa meeting room nang malaman kong siya pala ang Editor-in-Chief sa Aster Mag.

Time flies so fast. Ineexpect ko naman na dadating talaga ang araw na iwanan ko ang trabahong ito para tumulong sa kompanya namin. Pero habang tinititigan ko ang sinulat kong resignation letter, hindi ko mapindot-pindot ung Send button. Pakiramdam ko, pag sinend ko na to, wala na. Tapos na talaga. Kahit sa katapusan pa naman talaga ako aalis.

I sighed. I've already decided on this months ago. Submitting my resignation letter is really just a formality. But this was harder than I thought.

Just then, someone knocked on my door. When I looked at who came to my office, I saw Mark with a worried look on his face, panting and sweaty as if he came running.

"Mark? Bakit, anong problema? Bakit pawis na pawis ka?"

"M-Ma'am..."

Napatayo ako at nag-aalalang lumapit sa kanya.

"Oh, bakit? Ayos ka lang ba?"

Tumayo nang maayos si Mark at huminga nang malalim bago ako tingnan nang diretso muli.

"Ma'am... nasaan po ang phone niyo?"

"Phone ko?"

Napalunok siya habang tumatango sa akin. Napakunot ang noo ko. Phone ko? Bakit niya hinahanap ung phone ko?

Naglakad ako pabalik sa lamesa ko at kinuha ang bag. Hinanap ko sa loob ang phone ko, pero hindi ko ito nakita. Napalingon ako sa ibabaw ng mesa ko, pati na sa mga desk at cabinet sa paligid ko, pero wala rin ang cellphone ko.

"Oh? Naiwan ko yata sa bahay. Come to think of it, di ko pa nga siya nagagamit maghapon."

Binalik ko ang tingin ko kay Mark. Ngayon ay nakayuko na siya, ang isang kamay ay humahaplos sa batok.

"Teka, Mark. Bakit mo hinahanap sa akin ung phone ko?"

Nang tignan niya akong muli, kitang-kita ko ang pag-aalala niya. Bigla akong kinabahan.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon