Malapit na kaming makarating sa Mayapa Corporation nang tumawag si Hans kay Sir Greg. Instead of answering the call through the car's dashboard and putting it on loudspeaker, Sir Greg disconnected his phone and handed it to me, urging me to answer my cousin's call personally.
"Hello, Hans?"
"Sandy! Magkasama na kayo ni Greggy?"
"Yes, we're on our way there."
I heard him sigh.
"Sabi na nga ba at magpipilit kang pumunta dito."
"Of course, I will go there!"
"Yeah, but I at least want you to come here safely. Buti nalang natawagan ko sila ni Mark. Pinagdrive ka naman ni Greggy, right?"
"Sakay ako sa kotse niya ngayon. We're approaching the building now."
"Okay. Sa basement na kayo dumaan. There are so many reporters and protesters around the building. It's going to be impossible to enter the building through the ground floor."
I looked at Sir Greg while Hans was instructing me. Without saying anything, nagsenyas ako sa kanya na dumiretso sa basement. Naintindihan naman niya iyon at nagpatuloy sa basement. Nagpaalam na ako kay Hans habang naghahanap kami ng mapaparadahan.
"We're already parking. I'll end this call now. Let's talk later."
"Okay. Dumiretso na kayo dito sa office ni Granny."
Matapos ang tawag ay ibinalik ko kay Sir Greg ang telepono. After he parked the car near the elevator in the basement, he removed his seatbelt and went out of the car. Tinatanggal ko na rin ang seatbelt ko para sumunod sa kanya nang makita ko siyang tumakbo paikot sa side ko. I was about to open the door when he did it for me.
Pagkababa ko ng kotse niya ay isinarado niya ang pinto.
"Thank you, Sir Greg."
He smiled at me reassuringly.
"Para saan pang magkaibigan tayo kung di kita sasamahan sa mga ganitong panahon?"
"Pero paano ung trabaho mo? Hindi ka ba hahanapin ni Sir Dave?"
"Nasa US pa rin naman siya. Nag-alala ang dating CEO kay Sir Kyle kaya pinasunod siya doon, more of a personal favor rather than a work errand."
Tumango na lamang ako dahil di ko alam paano sasagot, lalo na nang mabanggit si Kyle. As if sensing my discomfort, Sir Greg laughed it off.
"Pinapag-leave na nga ako ni Sir Dave habang di pa siya nabalik kasi wala naman daw akong gagawin. Kaya okay lang na nandito ako ngayon kasi tambay lang naman ako sa office. Hahaha."
Napangiti ako sa biro niya. Lalong lumapad ang ngiti nya nang makita iyon.
"That's more like it. Mas maganda ka pag nakangiti."
I felt my cheeks blush at his sudden remark. Natawa siyang muli at ginulo ang buhok ko. I pouted when my hair got disheveled. Sinubukan kong ayusin muli ang buhok ko gamit ang mga kamay ko.
With a smiling face, Sir Greg pointed at the elevator.
"Akyat na tayo?"
I nodded at him. He lead the way and once we were in the elevator, he pushed the button for the top floor. Lumingon si Sir Greg sa banda ko kaya naman napatingin din ako sa kanya. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko. He then sighed.
"Lagi mo nalang kinukurot mga daliri mo kapag may iniisip ka."
Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinaplos ang mga daliri ko.
