"Kinabahan po talaga ako kanina, Ma'am..."
I comforted Roy. Isa siya sa mga staff sa team ni Tina na Art Editor namin.
Tulog pa rin si Tina pagkarating ko rito sa ospital.
"Sabi ng doktor, natutulog nalang naman si Tina. Makakauwi na rin naman pagkagising niya. So don't worry too much, Roy."
"Buti nga po fatigue lang. Akala ko dahil sa puso niya."
Nakwento sa akin ni Roy kanina na may sakit pala sa puso si Tina.
"She's lucky to have someone worry about her. I know she'll be happy that you're here right now, Roy."
Inangat niya ang kanyang ulo na kanina pang nakatungo habang kausap ako. Tumingin siya sa nakahigang Tina na nasa tapat lang ng inuupuan naming sofa.
Ngumiti siya pero halatang iba ang pinapakita ng kanyang mga mata.
"Sana nga po, Ma'am. Sana po tama kayo."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Buti nalang tumunog ang phone ko kaya kahit paano ay nagkaroon ako ng dahilan para hindi masundan ang sinabi niyang iyon.
Binasa ko ang text na dumating galing kay Sir Greg.
"Just arrived at Aster. Update me okay? I'll fetch you there later pag nakalabas ako nang maaga."
I typed a reply.
"Thanks for everything, Sir Greg. Lifeguard ka talaga palagi. Pero papasundo nalang siguro ako kay Kuya Reynaldo o kay Hans. Inabala na kita nang sobra eh. I'll call you later :) "
Tumayo si Roy at nagpaalam na bibili ng maiinom.
Naiwan ako dito sa kwarto kasama si Tina. Pagkabalik ko sa Pinas, napansin kong isa talaga siya sa mga masisipag sa department namin.
Nagreply si Sir Greg kaya binasa ko ito.
"I prefer to be called a knight in shining armor than a lifeguard, my damsel in distress ;) Talk to you later :) "
Napangiti ako. Gaya ni Tina na may Roy, maswerte ako na may Sir Greg na palaging nandiyan para tulungan ako.
Nakabalik na si Roy at nakipagkwentuhan muli sa akin.
"Si Tina po... naging kapitbahay ko po siya dati sa probinsya namin. Magkababata po kaming dalawa."
Tahimik lang akong nakikinig kay Roy na nakatingin lang kay Tina habang nagkukwento.
"Pumunta ako dito sa Maynila noong high school para makapag-aral. Wala na akong balita sa kanya noon."
Sandali siyang tumigil nang uminom siya ng binili niyang kape.
"Nagworking student ako noong college. Isang araw, bumili siya sa coffee shop kung saan ako nagpapart-time. Laking tuwa ko noon na nagkita kaming muli. Simula noon, paunti-unti, bumabalik kami sa dati."