Chapter 42

25 1 0
                                    

Pabalik ako sa kwarto namin, nakita ko mula dito sa taas na lahat ng mga kasama namin ay nasa sala. They all looked at me when they heard me walking towards the room. I just smiled at them, and went straight for the door.

Pagkasara ko ng pinto, nakirinig ko silang nag-usap usap. Pero sobrang pagod ko na para intindihin pa kung anong mga sinasabi nila.

So much have happened, and I regret that as soon as I was assigned to this position, my team had to witness all of this.

Baka tama nga si Kyle. Na ang unprofessional ko.

Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Makalipas ang ilang sandali, narijig kong bumukas ang pinto kaya naman tiningnan ko kung sino iyon.

Mandy entered the room and once her eyes met mine, she smiled at me.

"Buksan ko lang ung AC, Ma'am. Baka mainitan ka po. Or mas gusto mo po bang buksan ko nalang ung bintana?"

Umupo ako nang maayos. Humarap siya sa akin matapos makapalit sa bag niya. Nangangapa niya akong tinanong.

"Kunin ko lang din po ung gamit ko... kasi baka po gusto niyong mapag-isa ngayong gabi..."

Pinunasan kong muli ang aking mga pisngi.

"Why... why aren't you asking me anything?"

Pagkasabi ko noon ay ngumiti siya sa akin. She's always been so gentle, but being on her receiving end feels different.

Lumapit siya sa akin at umupo sa kanang gilid ko sa kama. Inabot niya ang mga kamay ko at tiningnan akong mabuti sa mga mata.

"Ma'am, kung anuman ang nangyari, buhay niyo iyon bilang si Sandy Mayapa. I'm here as the staff of Sandy Mayapa, the EIC of Aster Mag."

Pagkasabi niya noon ay naluha na naman ako.

"Nakakahiya. Sobrang nakakahiya ng nangyari. Sorry, nagkalat ako. I'm sory you guys had to see that. I don't deserve to be your chief. I'm not as composed as Rica."

My gaze return to Mandy when she pressed my hands which she's still holding.

"Ma'am, walang nag-iisip ng ganun sa inyo. Katunayan, sobrang hanga kami sa'yo. Ang dami naming natutunan simula nang maging EIC ka namin. Bringing Hans and Gretchen with you on this project made us see new perspectives."

Bumitaw ang isang kamay niya sa pagkakahawak sa mga kamay ko, at inabot ang akin pisngi. Habang tinulungan niya aoong punasan ang mga luha ko, nginitian niya akong muli.

"Sa totoo lang po, pagkapasok namin sa loob, wala kaming ibang napag-usapan kung hindi ang lalo naming paghanga sa inyo. You've always been so bright and cheerful, even if all of us are so stressed and pressured with this project. Hindi man lang namin napansin na may ganito po pala kayong pinagdadaanan. To think na involved din si Sir Kyle..."

Pinunasan ko na muli ang mga luha ko. Nginitian akong muli ni Mandy.

"Ma'am Sandy, kung iniisip niyo po kami dahil sa nasaksihan namin, huwag niyo na po iyong alalahanin. Tao ka rin naman po. May buhay sa labas ng trabaho gaya naming lahat. If there's one thing that I like about this team, it's that they don't press you on matters you are not ready to talk about."

Tinapik na ni Mandy ang mga kamay ko, at tumayo para abutan ako ng tubig.

"So, ano, Ma'am? Buksan ko ba ung bintana, or mag-AC ka?"

Napangiti na ako dahil sa mga sinabi ni Mandy. Pakiramdam ko mas matured pa sa akin ung nga kasama ko.

"Ikaw ang bahala, kung anong gusto mo."

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon