"Sir Greg, my next meeting is in 10. I don't want to be rude, pero siguro naman, professionally, maiintindihan ako ng CEO kung dadating siya beyond 3pm dito tapos nakaalis na ako?"
I've been patiently waiting since 2 o'clock here in the conference room of the Marketing Department. Sir Greg and Sir Dave are to formally introduce me to the new CEO of Aster Group.
Sabi kasi ni Sir Dave, pumayag na siya na i-feature sa anniv special ng Aster Mag. But he wants to negotiate terms before he agrees to go on with the project.
So here we are. Fifty minutes nang nakaupo dito, hinihintay ung bagong CEO.
Sir Dave keeps on saying na may prior meeting daw ung tao kaya baka nalate lang. Pero kahit sino naman sigurong tao ay maiinis kung halos isang oras nang late ang kameeting mo. Kahit CEO pa yan.
Hindi lang siya ang busy. I have to meet the photography team that we've been hiring for the past years during anniv specials. And it would be unprofessional of me to be late at that meeting when I was the one who requested for it.
Just like how unprofessional of this CEO to be late this much. Nakakainis lang talaga. Wala akong pakialam kahit CEO pa siya. Dapat siya ang nagiging good example. It's an abuse of power if he uses his position as an excuse para sa mga maling magagawa niya.
Five minutes before 3pm.
Kung anu-ano nang naisusulat ko sa planner ko. Nakatapos na nga ako ng isang mahabang piece na pwedeng gamitin sa isang spoken word event, sa sobrang tagal ng CEO na un.
My phone rang. Sinagot ko ang tawag ni Mark sa akin.
"Ma'am, nasa lobby na raw po sila Janine."
Napapikit ako sa narinig ko.
"Pabalik na po ba kayo?"
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Napatingin sina Sir Greg at Sir Dave sa akin.
"Oo, pabalik na ako."
I ended the call, tapos pinatas ko na ang mga gamit ko at binitbit ang mga ito.
Aalis na sana ako nang hawakan ni Sir Greg ang kamay ko.
"Sandy, please. Can't you just resched your next meeting? You're waiting for the CEO. Hindi naman ito meeting lang with a client."
Sir Dave is just silently watching us. Pero halata sa kanyang tingin na nakikiusap rin siya sa akin na huwag munang umalis.
"Sir Greg, I've been waiting here for an hour. May sunod man akong meeting or wala, aalis at aalis ako ngayon. I know he's the CEO but I can't sacrifice my whole afternoon just to wait for him. Marami kaming problema sa baba, at hindi naman maaayos lahat un kung nakaupo lang ako dito buong hapon."
Kumalas ako sa pagkakahawak ni Sir Greg. Pagkatalikod ko, napako ako sa kinatatayuan ko.
"Sir Kyle."
Napatingin ako kay Sir Dave na dali-daling naglakad palapit sa lalaking nakatayo sa may pintuan at kinamayan ito.
Sir Kyle? Wait... what?! Hindi ko naiintindihan. Anong nangyayari?
Naglakad si Kyle at si Sir Dave palapit sa amin.
"Sorry, I'm late. I had an emergency to attend to, so ngayon lang ako nakarating."
He's late? For what?
Oh, fuck. Kyle is the new CEO?! I've been waiting for the Kyle Natanauan?!
