Chapter 7

26 1 4
                                    

"Fuck."

Lumingon naman si Gretch sa akin mula sa passenger seat.

"Sino ung tumawag?"

"Si Ma'am Rabillo..."

"Ung professor niyo na may-ari ng Bahay Pangarap?"

"Oo."

"Oh, anong sabi?"

"May bago raw na sponsor. Papunta rin daw ngayon."

Nagsalita na rin si Hans na tumingin sa sakin dun sa may rear view mirror.

"Oh, eh ano naman? Bakit ka namumutla?"

"Si Kyle... si Kyle ung bagong sponsor."

Sabay na nagreact ung kambal.

"What?!"

Dali-daling itinabi ni Hans ang sasakyan at hinarap ako.

"Wait. So you mean, makikita natin si Kyle Natanaun sa Bahay Pangarap mamaya?"

"Parang ganun na nga."

Umupo naman nang maayos ulit si Gretch na sumandal sa kanyang upuan.

"Oh, you're going to be in deep shit, cous."

"No, Gretta. He's the one going to be in deep shit later. Makakaharap ko rin ang gagong un."

Sabay kaming napalingon ni Gretch kay Hans. Hinawakan ko naman ang kamay ng pinsan kong iyon at kinausap.

"Hans... please. Huwag kang gagawa ng gulo, okay?"

"Sandy's right, twin brother. Pupunta tayo dun para sa mga bata. Hindi para awayin si Kyle."

Lumingon naman ulit si Gretch sa akin.

"Sandy... kaya mo na ba siyang harapin?"

Napaisip ako sa sinabi niya.

For years, I've been trying to reconnect with Kyle. Tinetext ko siya. Tinatawagan. Chinachat. Pero wala siyang sinasagot kahit isa. Dati, nasiseen pa niya ung mga chats ko, but eventually, he blocked me sa lahat ng social media sites na may account siya.

Kaya naman nagtetext nalang ako sa kanya. Last resort ko na un. I want to talk with him. To meet up with him. Gusto kong magkausap kami at maayos ang lahat.

Pero ngayon na biglang nagkaroon ng pagkakataon para magkita kami at magkausap, sa hindi inaasahang pagkakataon, para naman akong pinanghinaan ng loob.

Handa na nga ba ako? Di ba gusto kong magkausap kami? Di ba gusto kong magkaharap kami? This is the chance. After 5 years, mangyayari na ung pinakahihintay ko.

"Sandy!"

I came back to my senses when Hans clicked his fingers infront of my face.

"Anong balak mo? Pwede pa naman tayong bumalik kung di mo pa siya kayang harapin."

Tinitignan nila akong dalawa habang hinihintay ang sagot ko. Bumuntong hininga ako bago ko sila kausapin ulit.

"No, Hans. Tutuloy tayo. The kids are expecting me. Pati na si Ma'am Rabillo. Ang selfish ko naman kung di ako tutuloy dahil kay Kyle. Isa pa, eto na ung chance na hinihintay ko."

Nagkatinginan ulit ang kambal. Umayos na sa pagkakaupo si Hans at pinaandar na ulit ang sasakyan.

"So... to foundation we will go."

Umayos na rin ng upo si Gretch pero kinausap pa rin ako.

"Basta Sandy, huwag mong ipilit kung di pa talaga time ha. Di ka namin pipigilan subukan na kausapin si Kyle, pero hindi namin hahayaan na magpakatanga ka dun. Alalahanin mo ung sinabi ko kanina. We're there for the kids, not for Kyle."

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon